Chapter 2

624 16 0
                                    

           

THE next day after the party, each of the girls was wasted and that includes Jewelle. Azure, the head of the party, was vomiting inside the bathroom. Macey, was still sleeping and groaning while her phone's ringing nonstop. Theia, on the other hand, was busy grinning at them like an idiot. Tila tawang-tawa sa nakikitang kalagayan ng mga kaibigan dahil ito ang may pinakamalakas na alcohol tolerance. The others were sleeping at their respective rooms here in their very own mansion located in the heart of L'île Bachelorette.

            Ngunit kahit na pumipintig sa sakit ang ulo ay pinilit ni Jewelle na tumayo, being a morning person, mula sa sofa kung saan siya inabutan ng tulog dahil sa pagod kakasayaw at kakainom kasama ang mga kaibigan. Last night was in full blast and everyone loved it—laser lights, booming party playlist, booze and stuff. Sure, normal na party lang, pero sino ba ang hindi mag-eenjoy mag-party sa isang paraiso tulad ng L'île Bachelorette? Even she forgot her problem yesterday—

            And oh, now she remembers. Mahinang pinukpok niya ang kaniyang ulo. Lalo kasi itong sumakit nang maalalang bibisita si Alvin sa islang ito. She went straight to the kitchen and grabbed some meds to ease the throbbing pain inside her head. Ipinaghanda na rin niya ang mga kaibigang sigurado niyang after lunch na ang gising.

            Azure already went out from the bathroom, at mukhang nakapaglinis na ito kahit mukha pa ring wala sa tamang katinuan. Good thing they own the whole island, even if they sleep in the middle of the sea, they don't have to worry if they will be left dead or alive there dahil may sarili silang mapagkakatiwalaang bodyguards na mag-uuwi rito. While thinking those, Azure tapped Jewelle's shoulders to tell her that she will be the one to cook for the girls. Mabuti na lang dahil average lang ang cooking skills niya kumpara rito at baka i-judge na naman siya ng mga kaibigan dahil sa luto niya.

            Napagpasyahan ni Jewelle na lumabas sa malawak na balkonahe ng mansyon para makalanghap ng sariwang hangin. It's slowly getting cold in the island even if it's just September... going October. Speaking of, malapit na ang kaarawan niya at dito niya sana gustong mag-celebrate sa isla.

            Well, wala namang kaso, untag ng isang parte ng isip niya. But the other half says otherwise, because by then, she would probably see again the guy who left her heart hanging years ago and who knows what will happen. Hindi na rin siya nagtagal sa labas dahil masiyado nang ginugulo ng hangin ang wavy niyang buhok simula pa noong high school siya. Even losing a little bit weight from her old built which is kind of voluptuous, naiwan naman ang pisngi niyang maumbok at natural na namumula depende sa panahon. Like right now, they were all red because of the liquor they drank last night which still wasn't drained from her system.

            Habang nagluluto si Azure ay tinapos na lang niya ang scheduling para sa November at December upang pagbalik niya sa Maynila ay makuha naman niyang bumwelo bago bumalik dito. She hates to admit it, but she wants to see him again. For closure, that is.

            "I AM so excited, hun!" The girl beside Alvin couldn't help its own excitement. Nginitian lamang niya ito bago inalalayaan pasakay sa helicopter na maghahatid sa kanila sa isla. He doesn't love her, that's for sure, pero nakuha niyang gumastos ng malaki-laking halaga para lamang dalhin ang babae sa isang mamahaling lugar tulad ng L'île Bachelorette. What for? Dahil kailangan niyang patunayang hindi nga siya bakla sa mga kaibigan niya.

            Damn it. He knows, napakababaw na dahilan para gumastos siya ng malaking halaga na kaya nang tumustos ng pagkain nga mga bata sa isang maliit na ampunan para sa tatlong buwan na gagamitin lang niya para sa limang araw. Pero kailangan niya 'tong gawin dahil maging ang nanay niya ay ginigipit na siya na hindi nito ibibigay ang kalahati ng pamana ng kaniyang ama sa kaniya kung hindi siya makikitang may kasamang babae.

            Alvin Lance Pizano couldn't be gay. He has this dark, tantalizing eyes, strong jaws, and perfect set of teeth. Dahil sa aking katalinuhan, lagi siyang napagkakamalang bakla dahil na rin sa stereotype simula pa noon. But can a man have visuals and brain at the same time? Pwede naman siguro 'yon, 'di ba? But people can't understand that.

            Ayaw pa niyang pumasok sa isang relasyon kahit anim na taon na ang nakakalipas. There was this blurred image that keeps playing on his head. Isang babaeng may katabaan pero nagtataglay ng magandang mukha. His relationships don't last because of that. Lagi kasi siyang minulto ng imaheng 'yon kahit malabo at hindi niya lubusang maalala kung saan niya nakita. Para na nga siyang baliw kasi mayroong parte niya na gustong hanapin kung sino mang babae iyon pero malabo pa sa malabo. Wala kasi siyang natatandaang naging kaklaseng ganoon ang hitsura.

            The ride was smooth and fast. Tuwang-tuwang kumapit si Harriet Joy Gerardi sa braso ni Alvin papababa sa sinakyan nilang helicopter. Preskong hangin ang sumalubong sa kanila at mga staffs na nakahilera upang i-welcome sila suot-suot ang puting uniporme na parang kumportable suotin. Nakilala niya si Harriet sa isang conference at nalamang ex-boyfriend nito si Lee Jaxon Lenares, dating schoolmate ni Alvin na hindi naman niya naka-close. Ani Harriet ay nambabae raw ito at ipinagpalit siya. With her sharing her life, they became friends, and now fiancée kunwari para lang hindi siya pilitin sa bagay na hindi pa siya handa. Anyway, she was an intelligent lad with good physical features. Who wouldn't want to be friends with such a witty girl?

            May isang pamilyar na pigura ang umagaw sa atensyon ni Alvin mula sa pag-iisip at iyon ay ang babaeng nakatayo sa dulo ng hanay ng mga staffs. Bago pa man sila makalapit doon ni Harriet na walang puknat ang ngiti ay bigla namang tumalikod ang babaeng pilit niyang inaalala kung saan niya nakita.

            He froze and stopped walking that made Harriet beside him stop as well. Hindi siya maaaring magkamali. That was the girl in the blurry image played by his mind! Gusto niyang habulin ang babae ngunit natulos siya sa kinatatayuan.

            "Hey, Alvin? You okay?" May bahid na pag-aalalang tanong ni Harriet. Alvin just nodded without a ghost of smile on his lips. Maaaring may extrang kilo nga ang babae sa imahe sa kaniyang isipan ay sigurado siyang ang babae kaninang may wavy na buhok at mapulang pisngi iyon! She looked more mature than what he imagined, but he still don't know why and where he knew her.

            Ipinilig niya ang ulo at nagpadala sa mga staff ng L'île Bachelorette papunta sa pinagkagastusan niyang overwater bungalow kasama si Harriet. Saka lang niya naalalang ang babae kanina ay hindi katulad ang damit sa mga staff na nakaputi. Maaari kayang guest din ito rito? Maaari kayang makita ulit ni Alvin ang babaeng 'yon?

            Harriet didn't seem to mind him dahil mukhang tuwang-tuwa ito sa bungalow. Alvin took a picture of her and sent immediately to his mother as a proof. 'Di bale, pagkauwi niya ay makukuha na niya ang kalahati ng kaniyang mana. Ang usapan lang naman ay ang makitang may kasama siyang babae at heto na.

            But... will he see her again? That question boggled his mind repeatedly. Sino ba kasi ito?

            JEWELLE was trying to calm herself inside her own room in their mansion, lying on the bed with pillows on her face. Naglalakad lang siya kanina sa dalampasigan nang makita ang isang helicopter na paparating sa isla. Thinking that it was an important guest, hinintay niyang bumaba ang pasahero. Ngunit nagulantang siya sa nakita. Alvin Lance Pizano is now on their island with his girlfr—fiancée! Oo nga pala at hindi lang girlfriend.

            Gusto pa sana niyang pagsawain ang tingin sa mukha ng lalaki kahit medyo malabo ang kaniyang mata dahil nakalimutan niyang mag-contact lenses ngunit pinili niyang tumalikod na mula roon. He looked manlier than ever before with some of his facial hair and eyes—those brooding eyes—keeping its untouched mystery. Nakita niya 'yon habang papalapit ang lalaki kanina sa kinaroroonan niya.

            Her thoughts were cut with a knock and even without her reply, the person behind the door already made its way inside her room. Si Theia na naman. Siya lang naman ang walang pakundangang pumapasok sa kuwarto niya.

            But unlike the Theia who was usually uncaring with things, she was serious as she looked at Jewelle. "He's here." Kahit hindi niya tanungin ay alam na niya ang tinutukoy nito.

L'île Bachelorette Series 1: Jewelle AnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon