Chapter 3

576 14 0
                                    

"WHAT will you do now?" Theia asked Jewelle as she seemed to already know that the man named Alvin is already in their island with a very familiar woman.

"What are you saying, Theia?" Nag-iwas ng tingin ang dalaga at nagmaang-maangan pa.

"You know what I'm talking, Jew," flat ang tonong sagot ng kaibigan. "Anyway, you are smart. We know that you can handle this. Pero bakit nag-confirm ka sa booking request niya at kasama pa ang babaeng 'yon?" She was still at the doorway, but Jewelle couldn't care less even if their other friends know about the situation.

"Bakit hindi? Dagdag-kita, ano pa ba? 'Di ba 'yon naman ang goal ng isang business." Jewelle tried to laugh, but Theia's face was still the same. Nagseryoso na rin si Jewelle dahil sa ipinapakita ng kaibigan. Aminin man niya o hindi ay alam niyang nag-aalala ito sa kaniya dahil hindi naman lingid sa kaalaman nito na iniwan siya sa ere ng isang Alvin Lance Pizano nang hulog na hulog na siya rito. "Theia... sabi mo nga, matalino ako. I-I will see what will happen and if any situation arises, I'll just cross the bridge when I get there. Basta sa ngayon, ang alam ko lang ay ginagawa ko ang trabaho ko para sa L'île Bachelorette. That's it."

Jewelle sighed while walking on the seashore. Nandito na naman siya kahit papadilim na. Tahimik ang paligid ngayon dahil walang paandar si Azure na siyang punong-abala sa mga social arrangements tulad ng parties at iba pa. The cottages are lighting up, even those overwater bungalows. Like Maldives, mayroong kongkretong daan papunta sa mga iyon upang hindi mabasa ang mga tumutuloy. Wala sa sariling tinahak niya ang daanang iyon na iniiliwan ng mababang poste. She stopped midway, sa parteng malayo pa sa mga bungalow.

Oh, what was she thinking? Ang daan na ito ay papunta sa tinutuluyan ni Alvin at Harriet. Hindi man niya alam kung paano nagkakilala o nagkamabutihan ang dalawa ay hindi niya lubos maisip ang ginagawa nila sa romantikong bungalow na iyon. Si Harriet ay 'yong girlfriend dati ni Lee na siyang unang nagustuhan niya bago siya i-block nito sa Facebook sa 'di malamang dahilan!

"Ah, Jewelle Anne Reyes! Ano ba 'yang naiisip mo? Nahahawa ka na ata sa pag-iisip ni Hera!" pangagastigo niya sa sarili. Dahil sa lamig ng simoy ng hangin ay namula ang kaniyang pisngi... o 'di kaya'y dahil na rin sa maruming bagay na naisip niya tungkol sa dalawa. Ang maalon na buhok niya ngayon ay nakatali sa isang ponytail kaya't hindi niya 'yon problema. She just stopped there while overlooking the island they built.

This is their paradise. Malayo na ang narating ng pangarap nilang ito. Hindi ba dapat ay sobrang saya na niya? Dapat kuntento na siya?

Kinuha niya mula sa bulsa ng kaniyang suot na jeans kung saan siya kumportable ang cellphone habang patuloy na tinatanglawan ng mabababang poste ng ilaw. As she checked their group chat, napag-alaman niyang si Macey lang pala ang nasa isla ngayon maliban sa kaniya. She just hoped that they will be back for her birthday which is the day after tomorrow.

"Hi." Ibabalik na niya ang kaniyang cellphone nang may bumati sa kaniya mula kung saan na muntik niyang ikahulog sa mababaw at malinaw na tubig kung hindi lang dahil sa brasong nitong umalalay sa kaniya. Kung bakit ba naman sa dulo niya talaga naisipang tumayo at magmuni-muni. Oh, well. She isn't Jewelle if she isn't clumsy like that.

Natigalgal naman ang pagpapasalamat niya nang matitigan kahit sa maliit na liwanag ang lalaking nakaalalay sa kaniya ngayon. Her mind which was usually filled with thoughts went blank. She just stared at him like a retard. Ngayon ay mas malinaw na niyang nakikita ang mga pagbabago sa lalaking ito—kay Alvin. At ramdam niya rin sa pagkakakapit niyang matigas nitong katawan.

Jewelle felt so naïve when she realized that he was holding on Alvin's shirt, just right where his abdomen was laying flat. Doon siya napakapit by reflex. Agad niya itong binatawang tila napaso nang mapagtanto na ang matigas na bagay ay maaaring ang mga pandesal na nakahulma—

Ahh, Jewelle! You've been polluted by Hera already! Paninisi na naman niya sa utak sa kaibigang maalam sa mga bagay na ganoon. Hera was her most liberated friend who always tells them about her sexapades even if it isn't asked at all.

She can feel her heart hammering inside her chest. Para bang ang tagal nitong nakatulog do'n at ngayon na lang muling nabuhay. All her life, she just let her mind do things. Ngayon na lang ito tumibok na parang kahapon lang ang pagiging grade 12 nilang magkakaibigan kung kailan binubuo nila ang pangarap nilang isla at siya ay patay na patay sa isang Alvin Lance Pizano... na ngayon ay nasa harap na niya.

"Miss, are you okay? Pasensya na, ha, nagulat ata kita." No, it's okay. Kahit magulat ako araw-araw, basta ikaw. Piping sumagot si Jewelle sa kaniyang utak na ang nai-react lang naman sa lalaki ay tipid na ngiting siguradong awkward tignan. Ngiwi—hindi pala ngiti—ang kaniyang nagawa.

She cleared her throat. Natutuyuan kasi ang lalamunan niya sa lapit ng dating kinababaliwan niya. Pilit din niyang ipinaalala sa sarili na may fiancée na ito. But looking at him, patuloy ang pagragasa ng alaala sa kaniya—their chats, their gestures in the school hallways, and more. Ngunit siya lang ata ang aware sa mga memoryang 'yon. Ang unfair lang dahil siya ay naaalala pa ang marka ng lalaki noong grade 11 sila sa General Mathematics dahil ito ang pinakamataas sa kanilang strand, ngunit ito ay mukhang ni hindi maapuhap kung sino siya sa tono ng pagka-usap sa kaniya. "O-okay lang ako."

Imbis na kumalma nang tuluyan ang naghuhuramentadong puso ni Jewelle ay lalong kumalabog ito nang ngumiti si Alvin, showing his perfect set of white teeth. "Good. Guest ka rin ba dito? You know what... pamilyar ka."

Napahigpit ang hawak niya sa kaniyang cellphone na hindi pa pala tuluyang naibubulsa. Humangin na naman kaya't ang pisngi niya ay lalong namula. She has fair skin, okay, at napansin din 'yon ng lalaki na ngayo'y may gitla sa noong tila malalim ang iniisip.

Tumikhim muli si Jewelle. "A-ah, o-oo. Kasi ano, s-staff ako rito... Sir. Baka nakita niyo po ako sa ano... sa pagdating niyo." She kept stuttering and she didn't like it. It must be the cat who got her tongue or her feelings to this guy rushing back. She lightly shook her head for that silly thought while finding a way out from Alvin.

"Oo nga!" Napalatak ang lalaki at unti-unting nanlaki ang mata ni Jewelle. Oh, hindi. Naalala na ba siya nito? Pakiramdam niya ay pagpapawisan siya kahit presko ang paligid. "Oo nga, isa ka sa kanila sa pagdating namin ng fiancée ko kahapon. 'Yong babaeng umalis. Bakit ka pala nandito? May guest na nagpapatulong?" Imbis na mabuhayan ng loob dahil hindi naman pala nito naaalala ang mga kahihiyan niya noon ay lalong nagngitngit ang loob niya. Him, calling her fiancée? Could it hurt more?

Alangan na lang siyang ngumiti. "Y-yes, Sir. May nagpapahatid po ng tuwalya," palusot na naman niya.

"Oh. Naihatid mo na siguro?" Sagot ng lalaki na dumistansya na kay Jewelle na sa wakas ay nagbigay sa kaniya ng karapatang huminga. She just nodded. "Anyway, I want to know more about you—I mean your work here. Ang ganda ng lugar, e, kaya sulit." Napahagod sa likod ng ulo si Alvin na tila nahihiya sa pagkakadulas habang siya ay pang puputok na kamatis na sa pagkakapula ng mukha na kanina'y pisngi lang naman. "Anyway, what's your name, Ms. Tomato?" Ano raw? Ano ang itinawag ng lalaki sa kaniya?

"P-po? What did you just called me... po?" patuloy niya sa pagpapanggap. Tumawa naman ang lalaki na kahit humahalakhak ay ang gwapo pa rin sa kaniyang paningin.

"Ms. Tomato. Ang pula kasi ng mukha mo at mukhang natural 'yan. Anong pangalan mo para mapahanap kita bukas o kung kailan may kailangan ako—kami—sa bungalow?" Nawalan na namang ng pagkukuhanan ng sagot ang dalaga at parang kinikiliti sa kaloob-looban. Sobra na 'to! Seven years overdue na pero bakit para pa rin siyang kinikilig na bata? Hindi na niya inalintana ang iba pa nitong sinabi.

"Jewelle. I'm Jewelle," pagkuwa'y sinagot din niya si Alvin na nanatiling nakangiti. Isa siguro sa mga pagbabago na napansin niya rito ay palangiti na ito, malayo sa seryosong lalaking lagi nilang tinatanaw no'n mula sa Mezzanine patungong lobby habang nagbabasa ng kung anong reviewer.

"Jewelle, hmm. Kaya pala unang tingin ko pa lang sa 'yo, nalaman ko nang may halaga ka." And with that, she felt like she just wants to pass out. Is this really the Alvin she knew?

L'île Bachelorette Series 1: Jewelle AnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon