Chapter 9

457 18 0
                                    

ISANG linggo na ang in-extend ng lalaking stay rito sa isla at tila wala pa itong balak umuwi pa-Maynila. It's costing him a fortune, but he doesn't mind. Basta makapag-catch up sila ng dalaga at malaman niya kung maaari bang maituloy nila ang naudlot na mga nararamdaman nila sa isa't isa noon.

Isang linggo na rin simula nang halos doon na tumira si Jewelle sa bungalow ni Alvin. Not all of her friends didn't know about him yet, tanging si Theia lang at Azure na silang nakakaalam na nasa isla ang lalaki. Maybe she'll just tell them once everything's already settled between them.

Oo nga't grabe ang sakit na iniwan siya sa ere noon ni Alvin dahil mukhang may iba itong nagustuhan ngunit pinanghahawakan niyang wala pang ibang minamahal ang binata. Kung siya pa lang ay hindi niya alam pero pakapalan na lang ng mukha dahil c-ine-claim na niya ito.

Sa isang linggo naman na 'yon na pagtuloy niya sa kasalukuyang tinitrhan ng binata ay iginalang siya nito. Yes, they are already adults, but they know how to turn down the temptation. Hindi pa panahon para ro'n.

Madaling araw pa lang at gusto sana ni Jewelle na umorder nang maaga sa restaurant para siya ang makapaghanda ng agahan nilang dalawa pero nagulat siya na wala na ang lalaking natutulog sa sofa sa kuwarto. Actually, today, she wants to convince the man to go back to Manila dahil hindi na biro ang ibinabayad niya rito pero sa sofa lang ito natutulog. It's L'île Bachelorette, for millions' sake! Oo nga at naikwento nitong may sariling business ang ama nitong yumao at siya na ang namamahala at wala naman ito nais pagkagastuhan kundi siya ay hindi pa rin praktikal ang bagay na ito. Nang sabihin niya hindi na niya kailangang magbayad dahil nandito na siya bilang guest ng dalaga ay hindi ito pumayag. Business is business umano.

Matapos maghilamos sa banyong nasa loob ng kuwarto ay lumabas na siya at dahil tahimik pa sa paligid ay hindi nakalagpas sa kaniyang pandinig ang boses ni Alvin na tila'y may kausap sa cellphone sa oras na ito. She found him on the sundeck, busy with his phone. Hindi naman sinasadyang makinig ni Jewelle ngunit nahatak na siya ng madilim na ekspresyong nasilip niya sa mukha ng lalaki.

"Mom! Stop it! You can't let me. Wala na akong pakialam," magkasugpong ang mga ngipin nito habang nagsasalita. Tumahimik ito sandali habang sumasagot ang kausap na mukhang ina nito sa kabilang linya. "Do not listen to Harriet! Fuck!" Napamura pa ito at napapiksi si Jewelle mula sa pagkakatago ngunit nanantiling tahimik. Naguguluhan siya. "I have a girl to marry in front of you as you want and you will give me that freaking money dahil akin 'yon."

Nanlalaki ang mata ni Jewelle at pakiramdam niya ay nag-init ang sulok no'n. What? I have a girl to marry in front of you as you want and you will give me that freaking money dahil akin 'yon.

Wala na siyang pakialam kung siya ang bababeng tinutukoy ng lalaki ro'n. In either way, masakit kay Jewelle ang mga maaaring mangyayari dahil sa kadahilanang ikakasal ito para sa pera. Hindi niya ine-expect na ganito ang binata. He's an intelligent guy at nagamit nito ang katalinuhan 'yon sa paglalalang sa kaniyang isang easy-prey. Ang sinasabi ba nitong huwag makinig kay Harriet ay ang maaaring pagsasabi ng babae sa ina nito na hindi nauto ni Alvin?

Damn! Patakbong lumabas si Jewelle paalis sa lugar na iyon. Kahit madilm-dilim pa ay wala siyang pakialam. Safe naman sa isla nilang ito kung kaya't hindi siya nag-aalalang may bigla na lang humarang sa kaniyang kung sino. Mas nag-aalala siya sa puso niya dahil mukhang nauto na naman siyang may narraamdaman talaga sa kaniya ang lalaki.

Sa isang linggo halos minu-minuto silang magkasama para mag-"catch up" sa kani-kaniyang buhay ay wala itong sinabi tungkol sa biglang pag-iwas sa kaniya noon kung gayong hindi naman pala nito gusto o minahal ang babaeng kaniyang naka-MU. Ang ginawa lang nila ay ang pagpapatuloy na utuan nilang naudlot noon. Ni wala naman silang nililinaw sa feelings nila.

L'île Bachelorette Series 1: Jewelle AnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon