Jessica

19K 432 65
                                    

Runaway # 1

Nagsisimula na naman ang klase pero ang mga mata ko ay para bang nakafixed lang sa kanya, simula pagkabata ay ganun na ganun pa din ang itsura ni Ryu, nakaupo ako sa bandang dulo at siya naman sa bandang unahan kaya naman malaya ko siyang napagmamasdan

Si Ryu ang bestfriend ko simula pagkabata. Siya lang ang tao na nagtitiyaga dati na makipaglaro sakin sa kabila ng kaartehan ko.

"Jessica umayos ka nga! Makinig ka sa tinuturo ni Sir, nakatulala ka na naman kasi kay Ryu eh. Wag ka ngang praning dyan hindi yan aalis sa kinauupuan niya" Mahinang bulong sakin ni Missy ang isa sa mga girlfriends ko. Nabalik ako sa ulirat ko at nakinig muli kay sir.

Pero kahit anong technique ko ng pakikinig eh walang epekto dahil math ang tinuturo. Bakit ba naging subject pa ang Math kung ginagawa lang naman nito na mahirap ang buhay ng mga estudyante? Hindi naman ako magsosolve ng "X" tsaka "Y" kapag bibili ako sa tindahan ah. dapat talaga basiv lang ang tinuturo eh para maging fair saming mga bobo

"Who wants to answer question number 2 at page 73" Sabi ni Sir at agad akong umiwas ng tingin sa kanya at ibinaling sa pagbubuklat ng mga page. Mahirap makipag eye-to-eye contact sa mga guro kapag nagroroll call dahil lumalaki ang chance na matawag ka sa hindi mo alam na tanong.

"Sir!" Napalingon kaming lahat kay Ryu nung nagprisinta siyang magsolve. Inabutan siya ni sir ng chalk at nagsolve siya sa blacboard. Hindi talaga siya nagbabago dahil napakacompetetive niya kahit wala naman siyang kakumpetensya.

"Very good Ryu" Sabi ni Sir. Tumingin sakin si Ryu at nagthumbs up at itinaas ang kilay na para bang tinatanong niya kung ayos ba ang kanyang ginawa. Nagthumbs up ako sa kanya bilang pagsagot.

Umupo na siya sa upuan niya at nakipag- apir kay Mica. Alternate boys and girls kasi ang seating arrangement namin. Ang katabi niya sa Right is si Mica at si Jane naman sa kaliwa. Narinig ko pa ang malakas na pagtawa ni Ryu at Mica eh.

Nitong mga nakaraang araw ay mas nagiging close na siya kay Mica at para bang nakakalimutan niya na nabestfriend niya ko.

Uwian na at wala ng ibang tao sa room maliban sakin at kay Ryu, nahuli kasi kami ng adviser namin na naghaharutan kaya kaming dalawa lang ang ginawang cleaners. Yung iba din naman naming kaklase ay asa Gym dahil nanunuod sila ng Friendly game ng school namin at ng BloodField Academy.

"Ryu sabay tayong umuwi?" Tanong ko sa kanya habang inililigpit ko ang aking mga gamit.

"Eh. pasensya na Jeje dahil di ako makakasabay sayo pauwi, kasi ano.... ihahatid ko pa pauwi si Mica" Sabi niya at ginawa niya ang mannerism niya na pagkakamot ng ulo

Si Mica na naman! nitong mga nakaraang araw talaga si Mica ang ginagawa niya ng prioritize, hindi sila pero kung umasta siya ay parang boyfriend siya ni Mica. Sino nga naman ba ang hindi magugustuhan si Mica kung napakabait nito.

"Sige bye!" Malakas niyang sigaw sakin at tumakbo na siya palayo.

"Sige ingat ka." Mahina kong bulong sa sarili ko at pinagmamasdan ko lang si Ryu na palayong tumatakbo sakin

Umuwi ako samin ng nanlalata at ibinagsak ko na lang bigla ang katawan ko sa higaan ko.

***

Nung recess time namin ay mabilis kong hinawakan ang kamay ni Ryu at hinatak papunta sa may Rooftop. Dito ko gusto malaman ang lahat, kahit malaki ang chance na ang masakit na katotohanan ang sumampal sakin.

"Uy Jeje ano na ang gusto mong sabihin? Bakit kailangan sa rooftop pa?" Tanong niya sakin pero patuloy ko pa din siyang hinahatak papunta sa rooftop. Nakakahingal dahil ang hirap humakbang sa bawat baitang ng hagdanan.

RunawayWhere stories live. Discover now