CHAPTER 1: One Punch, Run!

91 14 1
                                    

"Aalis na po ako." Kasalukoyan kumakain sa isang mapayapang dining area kung saan kumakain ang ama at bigla kong siningitan ang momento niya para mag paalam. My voice is cold as ice so he immediately turns his gaze on me. I guess he already knew who is it.

"Oh, anak kain muna tayo." He said and offered me the chair in front of him, his lips almost tear off because of his force wide smile. I arched my brow. I don't know if it is fake and sarcasm pero hindi nakakainganyo ang ngiti niya. Mas lalo lang akong naiinis. Mas lalong nag iinit ang ulo ko.

"Hindi na, I'm done with that," I said matter at factly, at ayaw ko din talaga siyang kasabay kahit gutom ako, i will just lose my appetite. Malalim niya akong tinignan sa mata tila may gustong makita kaya agad kong binaling sa iba ang aking tingin. Hindi ko na hinintay na maharangan na naman niya ako at pilitin pang sumabay sa kanya, I immediately walked towards our big wooden double door.

Pumasok ako sa kotse ko at sinubokang paandarin pero ganoon parin ito, kahapon pa ito ayaw umandar at hindi ko alam kong anong nangyayari sa pesteng sasakyan na ito. Namula na lang ang kamay ko kakahampas sa manobela dahil ayaw paring umandar hangang ngayon, hindi ko alam kong anong sira nito dahil bago palang akong nagmamaneho ng kotse at matagal na itong inabandona ni ama sa garahe kaya kinuha ko nalang para wala nang mag hatid-sundo sa akin.

I don't have time to fix this dahil ayaw ko naman ipahiya ng proof nang first subject, though that's just my minor subject but the teacher is very strict na ulitimong ilang minuto lang na late ay papalabasin na agad. Hays Bagsak balikat akong lumabas sa kotse at kating kati na sipain ang gulong. Wala akong choice kundi ipapa-ayos ko nalang ito ngayong linggo.

Takbo at lakad ang ginawa ko makapunta lang sa kanto na may waiting shed labas ng exclusive subdivision namin kahit napakalayo, tumitigil din kasi doon ang bus at jeep kapag may mga pasahero nakita.

I craned my neck when I saw a bus coming. Hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko at ppinigilan ang sariling mag reak sa mga tao dahil napakarami nilang pumapasok at lumalabas. Tila hindi ako makahinga sa dami nila ngunit nag patuloy pa rin ako sa paglakad papasok kahit may nagrereklamo na at nagagalit dahil siguradong maagawan nanaman ako. Huminto ako sa tabi ng driver seat na wala nang driver, siguro lumabas din ito. Tinignan ko ang kabuoan ng mga upoan kong may bakante ba, pero mahina akong napamura nang sunod-sunod inupoan ng mga taong pumapasok ang mga silya at madami pa ang naka pila sa labas.

Pumasok na ang konduktor kasabay ang driver at sumara ang pinto kaya agad ako napaabante. "Nene, bawal standing." Busangot akong tumingin sa kanya. Hindi ako pandak para tawaging Nene! siguro baby face lang talaga ako. But it insults me! Sana Miss nalang!

Tumango nalang ako kahit nairita, nagsimula akong maglakad sa kaisa-isang upoang natira, hindi man malapit sa bintana ay okay na.

Lumipat ang tingin ko sa naka-upo sa may bintana. Natulos ako sa aking kintatayuan at doon parang gumuho ang mundo ng makitang isang...

Isang lalaki.

May namoong butil ng pawis sa aking noo at nanghihina na dahil ngayon ko lang namalayan na hindi na pala ako humihinga, kasabay ng napakalakas na kabog sa puso ko na parang gusto ng lumabas sa rib cage. Sa isang iglap napapikit ako ng mariin nang biglang pumasok ang kakarampot ngunit nakakatakot na mga senaryo sa aking pagkabata parang bumalik ang mga alaala. Hindi ko kaya ito. Tumalikod ako at hinarap ang malaking windshield, akmang lalakad ako palabas noong biglang bumuhos ang napakalakas na ulan, kunot noong tumingin ako sa kalangitan kong totoo ba talagang umuulan.

Kinalikot ng driver ang radio kaya narinig kong may maglalandfall na bagyo malapit sa Davao del norte. I closed my eyes tightly and let a heavy sigh before I turn my back again, my hands tightened into fists as I looked at the guy and walked towards the seat. I don't wanna risk my life for this, pero kailangan kong pumasok sa paaralan. At tila parang ang mundo ay sinusubukan ako.

Nilagay ko muna ang bag sa harapan ko, bago umupo. I will prove that I'm brave now, stronger than then.

Naglagay na ako ng sumbrero para handa na mamaya at hindi ako medyo mabasa pagkalabas. Sinulyapan ko ng tingin ang ginagawa ng lalaki habang nakapirmi ang ulo ko sa harap. He is reading his resume! Kumunot ang noo ko at sinundan ng tingin ang resume na nilagay sa ilalim ng police cclearance at nakalagay lahat sa isang brown envelope. Sinulyapan ko din ang mukha niya and I guess he didn't felt my presence, because he's so busy checking his papers with his furrowed brows.

Police Clearance, huh? Medyo kumalma ako ng kunti, pero hindi dapat makampanti, walang dapat pagkatiwaalan.

Ilang minuto lang ay umayos ako ng pagkakaupo noong nasa harapan ko na ang konduktor, inabot ko sa kanya ang pamasahe ko at ibibigay nya na din sana ang ticket ko pero hindi ko nakuha noong biglang nag preno ang driver kaya na out-of-balance ang konduktor!

Tumili ako at sinubukan ko pang tumayo pero naka harang siya kaya dali-dali ko nalang iPinag-krus agad ang dalawang kamay ko sa aking dibdib, dahil alam kong mababagsak sa akin ang mabigay niyang likod. Hindi ko mapigilang mas tumili at pumikit mariin.

Sa ilang segundo pang pag iintay ngunit wala akong naramdaman na dumagan sakin na katawan. Bumukas ang mata ko at nakita kong nakaayos na siya ng tayo at namumulang umiwas ng tingin sa akin at sa kamay na nasa ere sa harapan ko na may hawak pang envelope.

Nong una ay nagtaka lang ako kung bakit may envelope sa ere ngunit nanlaki ang mata ko nang napagtantong kanino iyon. Agad akong napabaling sa katabi ko, halos lumuwa ang mga mata ko dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin! Kung hindi lang dahil sa sumbrero ko ay mas mapalapit pa ang mukha niya!

Dumaan ang gulat kanyang mga mata at agad ding nawala noong napatitig siya sa mga mata kong puno ng takot. Wala akong pasabing tinulak siya kaya tumama ang ulo niya sa salamin na naglikha ng ingay kaya napatingin ang lahat bang tao at napapikit naman siya ng mariin.

"Huwag kang lumapit sa akin!" Pinilit kong mag tunog matapang, malakas, at nagawa ko naman pero lintek! Nanginginig ang mga kamay ko! Mas lalo lang akong natakot sa kanya dahil napatitig siya sa kamay ko, bago tumaas sa aking mga mata. Nanginig ang kamay kong sinuntok ang mata nya.

Oh My God!

"What the hell?!" Napahawak siya sa kanyang kaliwang mata at masama akong tinignan. Alam kong lahat sila ay nakatingin sa amin. Sa akin. Dahil kanina pa akong may naririnig na sumisinghap at tumitili pero binalewala ko lahat iyon at agad inayos ang bag ko at nagsimulang lumakad nang mabilis na paraang walang nangyari.

"Dito nalang po ako, m-manong." Napakagat ako ng labi at pinipigilan manginig labi.

Naguguluhan nya kong tinignan pero hininto niya parin ang bus. Alam kong alam niya kong saan ako nag aaral dahil sa ID kong may sikat na unibersidad ang nakatatak, medyo malayo layo pa ang Ateneo, pero binalewala ko nalang iyon. Lumabas ako at inayos ang sumbrero, hindi ako masyadong mababasa nito dahil agaran ring humupa ang ulan.

Mariin akong napapikit at pabulong na nag-sorry. pero hindi ko alam kong kanina dahil I'm not feeling sorry to him, ewan pati siguro utak ko na apektohan sa pagsuntok sa makapal niyang mukha, palihim ko rin tinignan ang namumula kong kamay.

But I'm sure it will give him a mark!

One Of My Poisons (Bodyguard Series #1)Where stories live. Discover now