CHAPTER 13: Who Are You?

13 5 0
                                    

"Ihahatid po muna kita sa bahay nyo, Ma'am,"

"No, no, no,  gusto kong sumama...  m-may bibilhin rin ako sa mall," Usal ko kahit naman wala talaga akong bibilhing kahit na ano. Gusto ko lang malaman kung saan siya pupunta. Dapat alam ko rin ang mga galawan niya saka gamit niya rin yung kotse ni papa no, kaya uupo ako dito kahit saan pa kami ma punta.

Ayon na nga't sinimulan niya nang buhayin ang kotse. Lumipas ang labing limang minuto ay nakita kong pumasok kami sa isang  elementary school. Mas lalong kumunot ang noo ko nang parang nagmamadali siyang ipark ang kotse at lumabas. Tinapunan niya ako ng tingin.

"Hintayin nyo nalang po ako dito, Ma'am. Nagugutom po ba kayo? Anong gusto mong meryenda, bibilhan kita bago ako pumunta sa meeting," Mahabang wika niya na mas lalo kung ikinalito.

"Meeting?" Sa kahaba-haba niyang sinabi ay ang pinaka dulo nalang ang pumasok sa ulo ko. "Anong meeting ang pupuntahan mo? Gusto kong sumama," Inayos ko ang bag ko sa upoan bago lumabas, narinig kong napabuntong hininga si Yevhen saka lumabas din.

"Hindi ka pwedeng sumama, dito ka nalang, bibilhan kita ng makakain,"

Tumaas ang kilay ko at umaktong nagulat pa sa deretsahang sinabi niya. Aba!

"For your information, I'm still your boss kahit na't hindi ako nagpapasweldo sayo tsaka bakit ayaw mo akong sumama?" Lumiit ang mata ko, "Siguro may tinatago ka no, may anak ka na? It's okay i won't judge y–"

"Wala akong anak," Pumikit siya at napahawak sa batok na para bang ang laki kong problemang dumagdag sa kanya. "Madaming tao dito, laging nagsisiksikan ang mga magulang at mga bata, hindi nga dapat kita sinama rito pero nagmamadali po ako kaya dito ka nalang. Pupunta muna ako sa canteen bibilhan kita ng makakain, para 'di ka mainip,"

"H-hindi, promise hindi ako magiging pabigat," I insist.

Sa huli ay nagpakawala siya na isang marahas na buntong hininga. Karaniwan kaming nakikisali sa alon ng mga tao. Totoo nga't grabe kong mag dutdutan ang mga tao sa isang maliit na hallway na kilid lang ng classrooms ng mga bata.

Napapangiwi ako sa bawat pag tulak ng mga tao ay natutulak din si Yevhen na nasa gilid ko na ang mga kamay braso ay nakapalibot sa akin at halos yakapin na ako para lang hindi malapat ang kahit isang daliri ng mga dumadaan.

Narinig ko pa ang mura niya nang mas naipit pa kami.

Sumilip ako sa bintana ng classroom kung saan nandoon si Yevhen na nakaupo at tila hindi mapakali kakatingin sa labas kung saan ako nakaupo sa kahuy na pahabang bangko.

Mag iisang oras na simula nong sumali siya sa meeting para sa mga guardians at parents. I think it's all about students and classroom needs.

Ngayon ko lng nalaman na ang dinaluhan niya pala rito ay ang kanyang kapatid na babae na ngayon ay lagi kong nababalingan kapag titili habang nag lalaro ng zombie tsunami sa touch screen na selpon.

"Beh, grade 2 ka palang pero may selpon ka na?" Kanina pa halos mabali ang leeg niya kakasulyap rin sa 'kin. Kaya napagdesisyonan kong mag hanap ng mapag-usapan dahil nawewerdohan din ako sa batang 'to. Sumilay ang inosente niyang ngiti.

"Hindi naman po, ate. Hindi po akin 'to, kay kuya po ito," Magalang na paliwanag niya.

Tumango-tango ako ay bahagyang inayos ang mahaba niyang buhok na medyo nagulo dahil sa hangin. Siguro uulan nanaman.

"What's your name again?"

Kahit na hindi ko siya ma gets ay umti-unti pa rin akong ngumisi nang makita siyang mas lalong napangiti at parang kinikilig. Humagik-gik siya.

One Of My Poisons (Bodyguard Series #1)Where stories live. Discover now