CHAPTER 22: Prey & Predator

34 2 0
                                    

"Can we talk?" Maingat niyang tanong.

I was glaring at him all this time na kahit ngayong nasa canteen kami ng hospital habang siya naman ay nilalapag ang mga iba't-ibang putahi ng ulam sa lamesa.

Halos tumirik pa ang mata ko nang napansin ang makahulogang tingin ng isang waitress at kusa pang tinulongan lagyan ng kanin ang plato ni Yevhen! My brows narrowed, required ba ito?! Kulang nalang subuan siya!

"Okay na, miss, makakaalis ka na, salamat," Naiirita kong pagtataboy sa kanya. Tumaas naman ang tingin ni Yevhen sa akin, pati rin ang dalawa niyang kilay.

Mas lalong lang nag init ang pisngi ko nong nakita ang mapaglarong ngiti niya habang pinagmamasdan ang mukha ko pero agad ding tumikhim at yumuko para magsimula ng kumain.

Bumagsak ang mata ko sa plato na may kanin na rin at ulam na hinanda ni Yevhen. I shook my head, "Thanks but I need to go to school now so I don't have time to eat this," walang pagdadalawang isip na tumayo ngunit napatalon ako sa gulat nang bigla niyang inabot ang palapulsuhan ko kaya sandali akong na istatwa. Ramdam ko ang init ng mga palad niyang nakadampi sa akin palad.

Nanlaki ang talukap mata ko at napatingin sa kanya. Pati siya ay parang nagulat sa kanyang kilos kaya agad niya itong binitawan at umayos ng upo at nilagay niya ang dalawang kamay sa hita na parang kinukulong niya ito gamit ang lamesa para pigilan ang sarili.

"Please, it first,"

"I ate earlier!"

"You didn't," tumikhim siya at saka nag-iwas ng tingin. "I saw it."

"I ate b-breakfast--"

"That one petite sandwich?" malakas siyang napabuntong-hininga, "Let's just eat, masasayang ang pagkain,"

Ipinagkrus ko ang dalawang kamay ko sa dibdib at umirap sa kanya bago ako umupo ulit at maingay kong nginunguya ang pagkain sa aking bibig habang siya naman ay sobrang tahimik lang at tanging kubyertos ang maingay na nagsasalpukan. Madalas pa ang pagtingin-tingin niya sa akin kaya hindi ako masyadong komportable.

Ang bawat pag lapat ng mga mata niya sa akin ay nakakasanhi ng pagsakit ng tiyan ko. Nakakakaba at parang napapaso ako.

Sinubukan kong abutin ang pitsel sa tabi ni Yevhen pero masyadong malayo kaya Kinuha niya iyon at sinalinan ako at sabay sabing, "I will order a dessert for you." He said in a very calm way and raised his hand, the other waitress immediately approached him. Dadaluhan nga sana ulit kami ng kaninang waitress ngunit na unahan siya nong isa. Tsk buti nga.

"Your cassava cake will be here in a minute," Aniya ng pag-aalis ng waitress Makalipas ang isang minuto ay nandito nanaman ang babaeng nag hatid ng mga pagkain namin kanina. My brows furrowed the way she put her head at the back of ear at ang mas lalong ikinaiirita ko ay kung paano siya mag kagat labi sa harap niya kahit ang kumag ay napakunot-noo na rin pero binaliwala niya lang ito at binigay sa akin ng dalawang cassava cake.

"Uh hi Sir, pwede ko po bang malaman kung ano pong pangalan nyo? ang gwapo nyo po kasi,"

There's no one dared to answer her question. Nagulat nalang ako ng pabiro niyang hinampas ang braso ni Yevhen.

"Ikaw naman sir HAHAHA! Joke lang po pero sa totoo lang, ang maskulado po ng katawan nyo, ano po pala number ninyo? sabihin nyo naman sir,".

Totoong nanlaki ang bawat butas sa katawan ko dahil sa walang kahiyaang pinagsasabi ng hayop na babaeng ito sa mismong harapan namin.

"Ay kumakain nga pala kayo, sige sir babalikan kita mamaya ha." She said while giggling like a shit.

Parehas na kaming masamang nakatingin sa bandang dinaanan ng waitress pabalik sa pwesto niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Of My Poisons (Bodyguard Series #1)Where stories live. Discover now