CHAPTER 16: S-Sergiel!?

15 5 0
                                    

Patalon-talon ako na naglakad papasok sa unibersidad at abot tainga ang ngiti sa labi. Nakita ko ang likod ng bag ni Sergiel at mahinhin na naglalakad. Tumungo ako sa kanya at agad sinampay ang kaliwa na braso sa balikat nya. Napatingin ang lahat sa malakas na halakhak ko dahil kay Sergiel na mukhang natakasan ng kaluluwa sa ginawa ko.

"I-ikaw pala, S-Sin,"

"Yeah. Are you okay? You look pale," Halos 'di ako makahinga kakatawa. Walang imik siyang tumango. Nagkibit balikat lang ako.

Ilang oras ang tumagal bago kami pinakawalan ng proof at medyo naging busy kaming lahat dahil may sasalihan nanaman kaming organization of public speaking. Wala pang exact date kung kailan sisimulan basta't pinapahanda lang kami ni proof lalo na ako. Well, 'di naman na ako kailangan pag-aralan talaga ang magiging topic ng debate dahil  nag aadvance reading ako lagi at sanay na ako sa mga ganito lalo na kapag naglalaban na ang bawat section o bawat department.

Parehas kaming naupo ni Sergiel sa sementong lamesa sa ilalim ng matayog at malalaking puno na nagsasayawan dahil sa pagdaan ng pangtanghaling hangin. Kita ko ang paggilid ng mata ni Sergiel. Halos matawa ako sa palihim niyang patingin-tingin sa akin na halata naman talaga.

Siguro'y nagtataka siya kung bakit ko siya kanina pa sinusundan tsaka kinukulit. Nakatingin lang ako kay Sergiel ngunit lumagpas iyon sa likod niya nang makitang nandoon di Zelos at malayong binabantayan ako. Kunot noo kung binalik ang tingin kay Sergiel.

"A-ang saya mo ata ngayon, Sin," Aniya saka inayos ang malaki niyang salamin sa mata.

"Wala naman. Ikaw, bakit 'di ka ba masaya?"

Nakita ko kung paano niya ngumiwi at mapait na ngumiti.

"Ano namang dahilan ko para maging masaya,"

"Aba ewan ko, e buhay mo yan," Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimulang mag advance reading dahil 100 plus page ang dapat kung matapos basahin ngayon, chapter 1 palang 'yan halos kalahati na ng libro.

"Uhm, Sin..."

Nagangat ako ng ulo at nakita si Thea at Fé na nasa gilid ko. Nakita ko si Fé na yumuko at susubukan sanang humakbang palayo pero mahigpit siyang hinawakan ni Thea sa pulso.

"S-sorry pala sa ginawa namin," Thea.

My brow arched.

"W-we know that we are too insensitive at mali talaga ang pinakita naming ugali and we didn't know na a-ayaw mo pala sa ganon, but i swear w-wala kaming ipinagkalat," Fé.

Bumuntong hininga ako at bumaling kay Sergiel na nagtataka kaming tinitigan. "Bakit kayo nagsosorry sa akin? Ako ba 'yung pinahiya nyo? ako ba 'yung siniraan nyo ng puri?"

Agad silang bumaling kay Sergiel at sabay na humingi ng tawad. Tumagilid ang ulo ni Sergiel at mas lalong kumunot ang noo nito. Ngumiti ako sa kanya nong pinatawad niya ang dalawa kahit hindi alam kung anong nangyayari.

Hayst, poor girl.

Sabay sabay na kami nag-aral kaming apat kahit na't maingay ang katabi naming si Thea at Fé. Thea handed me their juckfood they're eating. Nanlaki ang mata niya nong walang pasubaling kumuha ako ng isang puno na kamay.

"H-huy, maliit lang!"

Nagsitawanan kaming lahat pati na rin si Sergiel ay 'di nakalusot sa makulit na Thea.

Why i am so happy today? Bakit feeling ko sobrang close naming lahat at walang kahit maliit na ilangan. Well, i can't answer that, ang alam ko, i just need to enjoy this moment.

Just for once, let me enjoy this, i want to be with people again like i used to be when i was still a child.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ako ni Zelos ng pintoan, dali dali na akong lumabas sa kotse at kumarimpas ng takbo paakyat ng hagdan. Halos itapon ko ang mga damit ko sa closet dahil sa pagmamadaling humanap ng magandang damit. Well, 'di naman talaga masyadong maganda dapat, hindi naman importante ang lakad.

One Of My Poisons (Bodyguard Series #1)Where stories live. Discover now