CHAPTER 20: Yevhen And Zelos

11 2 0
                                    

Sinuot ko ang baon ko'ng sumbrero at nakayukong mabilis na nag lakad hanggang sa nakaabot ako sa labas ng unibersidad. Sinuyod ko ang paligid at nakita ko roon si Zelos na mahigpit na nakatutok ang mga mata sa akin, lumipad din ang tingin ko sa loob ng paaralan at may nakita rin akong mga gwardya doon.

Nakita siguro ni Zelos ang pag linga-linga ko kaya lumapit siya sa akin.

"Bakit ka lumabas, Ma'am? Oras na ng klase ninyo," Sabay tingin sa relo niya na nasa kanyang pulsohan.

Napakagat ako ng labi at nangangapa ng irarason.

Suddenly, i remember Sergiel.

Ahah!

"I want t-to go to Sergiel, i-i want to check her if she's okay na ba,"

"She's okay, Ma'am." Aniya sa mababang tono. Unti-unting uminit ang tainga ko and i gave him death glares.

"No! I want to see my friend." Pagpupumilit ko at hinanap ang sasakyan. Agad kumunot noo ko nong may napansin ako, "Where's my car?"

I can't see my car. It's all black car in here.

"Ma'am, pinakuha po ni Sir Gray noong nalaman niya na muntik kang madisgrasya. Kung pupuntahan nyo po ang kaibigan ninyo ay doon nalang kayo sa kotse namin at para rin mas safe," Dirediretso niyang turan.

Pero hindi pa rin ako tumigil sa palinga-linga kaya ginaya niya na rin ako.

"Nasaan si Yevhen?"

Natigilan siya.

Pati ako ay natigilan din.

Mas lalong kumunot ang noo ko when i saw him weirdly looked at me again at nakita ko ang pinipilit niyang itinatagong mapag-larong ngiti. Kinamot niya ang kanyang batok at bahagyang itinagilid ang mukha.

"N-nevermind,"

"Siya po ang nag drive ng kotse nyo, gusto mo po ba siyang pabalikin dito? " Tila'y nag iingat siya sa pagbigkas ng bawat salita pero parang tuwang-tuwa pa siya habang kinukuha ang phone niya sa bulsa.

"Uhmm..."

"Sige po, Ma'am, pababalikin ko po si Sir Hezron,"

"N-no! H-hindi na kailangan. Tara na, puntahan na natin ang kaibigan ko,"

"Sure ka, Ma'am?"

"Oo,"

"Pero-"

"Sure na nga ako!"

His mouth formed O when his eyes go down to my fist. I glared at him again but he just shrugged.

Naglakad ako patungo sa kotse ng mga bodyguard, sumunod nalang rin si Zelos na tumataghoy.

Habang nasa byahe kami ay hindi matanggal-tanggal sa isip ko ang nangyari kanina.

Wala na akong maipapakitang mukha sa mga kaklase ko.

S-siguro pinagpepyestahan na ako ng mga tao!

And for sure, kalat na ang scandal ko sa social media!

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, wala akong balak na hawakan ulit ang phone ko. Inalis ko sa isip ang iniisip ko.

For now, i need to go to Sergiel.

Inalalayan ako ni Zelos na makababa sa sasakyan. Nasa likod ang lahat ng mga gwardya. Alam ko'ng nakakaagaw pansin kami sa mga taong nadadaanan namin lalo na't ang tahimik ng hospital at tanging mga sapatos lang namin ang maingaw.

Si Zelos ay panay salita sa gilid ko at tinuturo ang daan papuntang kwarto ni Sergiel. Malayo palang ako ay napatigil na ako at nagulanta noong makitang ang bulto ni Yevhen sa labas ng kwarto ni Sergiel habang nakakunot ang noo at nakapamewang na kinakausap ang mga gwardya.

One Of My Poisons (Bodyguard Series #1)Where stories live. Discover now