CHAPTER 19: My Viral Scandal

17 2 0
                                    

"Anak, are you really sure na papasok ka na? You can stay here and rest. Hindi ako aalis ngayong araw."

"No. it's okay, I'm okay," Even if the real is... not.

I feel so sick.

Andaming nangyari kagabi at feeling ko may mangyayaring hindi maganda ngayon dahil mabigat ang dibdib ko.

Pero sa ngayon ang iniisip ko lang ay si Sergiel. Kamusta na kaya siya? Sa tingin ko naman ay tinupad ni Yevhem ang sinabi niyang mag dadagdag siya ng seguridad para kay Sergiel. Tsaka pupuntahan ko siya sa hospital mamaya. I need to check her at pati na rin ang mga magulang nya ay sasabihan ko kung ano talaga ang totoong nangyari.

Oo nga't sinabi ni Sergiel na huwag ipapaalam sa iba pero kailangan malaman ng mga magulang nya ang nangyayari sa kanya. Because this is not just a normal problem.

Mabilis akong nakapag heavy breakfast  sa garden area dahil hinandaan nanaman ako ni dad. I ate it because i am too tired walking out everytime i see him and then had fight just to seek attentions.

Pinatawag ko ang gwardya at ipinahanda ang kotse ko. Lumabas ako ng bulwagan at nakita ang nakabalandrang dark blue tesla ko. May narinig akong naglalakad papalapit sa akin kaya lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Zelos na tiim bagang dumapo ang madilim niyang mata.

Bumuntong hininga ako.

"Magandang umaga, Ma'am," bati niya sa malamig na tono at bahagya pang tumaas ang isang kilay.

"Hmm m-magandang umaga rin,"

"Kami na po ang maghahatid sa inyo,"

"K-kami? What do you mean by "kami"? Wala ba si Yevhen?"

Sinisikap kung huwag magkanda-utal-utal but i always failed.

Nag aalanganin pa akong itanong iyon at pahina na rin ang boses ko.

Madalas ay si Yevhen ang bubungad sa akin kada umaga para ihatid ako.

Of course, hinding-hindi ko makakalimutan kung ano ang nangyari kaninang madaling araw. Halos wala akong tulog kakaisip sa kanya, kailangan ko pang ibalik ang senaryo namin ni Sergiel para lang makalimutan ko ang ginawa ko kay Yevhen.

And i bet, may nakapag sabi na rin kay Zelos kung ano ang nangyari kaya siguro it is more than sarcastic when he greeted me.

"Yes, Ma'am, madami kaming mag co-convoy sa inyo. At si Sir Hezron po ay kakausapin pa ni Sir Gray,"

Napalunok ako, biglang kimabahan. B-baka susuntokin nanaman ni dad si Yevhen o baka lumaban Si Yevhen at mag suntokan sila!

Shit ano ba 'tong ginawa ko!

This is a big problem. For sure!

I wish they will just talk peacefully.

Sinimulan kong paandarin ang makina ng sasakyan. Sa una ay naninibago pa ako dahil hindi pa naman ako nakakadrive ng tesla dahil si Yevhen lang naman ang nag mamaneho neto.

Hays, Yevhen nanaman.

Sinusubokan kong i-fucos ang atensyon ko sa daan pero malakas akong napatili when i almost hit a kid who's walking in a non-pedestrian lane. I immediately stepped the break at pigil hinigang mahigpit na hinawakan ang manubela.

Tagumpay ko 'yun nagawa. Rinig na rinig ko ang bawat pintig ng dibdib ko, tila'y may hinahabol.

Naramdaman ko na may mga itim sasakyan ang mabilis na huminto at may mga lalaki rin na naka puti rin na dinaluhan ang batang lalaki na nakaupo na sa kalsada at nanalalaki ang matang tumingin sa sasakyan ko. I guess sila yung sabi ni Zelos na mag co-convoy sa akin.

One Of My Poisons (Bodyguard Series #1)Where stories live. Discover now