CHAPTER 10: I Saw The Demon

23 6 0
                                    

Paglabas namin sa unibersidad ay wala sa sariling napatingala sa mga maingay at nagliliparang mga ibon upang makapagpahinga sa kanilang mga puno at ang haring araw na pilit kaming inaakit sa kagandahan ng kanyang paglubog.

Kaninang break time ay napag-usapan namin magkakagrupo na bukas nalang namin gagawin ang thesis at pumayag nalang din ako na sa bahay kami gagawa ngunit ayaw naman ni Sergiel mag pahatid sa kanilang bahay kung maabotan kami ng gabi. At ngayon naramdaman kong tumabi siya sa akin habang naglalakad kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.

Kanina ko pa rin siya hindi magawang matignan dahil nahihiya ako sa mga pinagsasabi ni Thea at Fe'. Ayaw ko naman husgahan si Sergiel, pero mas ayaw kong makita sa mata niya ang sagot sa lahat ng mga katanongan ko. Pero ngayon ko lang nagawang pangalanan ay emosyon na nakita ko sa mga mata ni Sergiel noong nabangga nya ako. Ang sakit, takot, at pagkahusga sa kanya, tila nanonout ito sa kaibuturan ko, hindi kayang masikmura na ang kapwa mga babae pa ang namamahiya sa kapwa namin babae.

Iniwan ko sila nang walang salita at lumiko sa kung saan naka parking si Zelos. Napahinto at nangunot ang noo ko dahil ibang lalaki ang nakita ko at nakahilig pa ito sa sasakyang pinagamit ni Dad.

He lifted his weight as his brow did when he saw me step back. It gives me shivers down my spine as i saw his expression sudden changed to his intimidating hooded eyes. Nang napagtantong hindi ako lalapit sa kanya at parang naaamoy pa ang pagtangkang pag alis ay inunahan nya na ako at kusang lumapit.

Itinaas ni Yevhen ang kanyang kamay na para bang may hinihingi. "Inatasan ako ng Dad mo na ako na raw muna ang susundo sayo dahil may ipinagutos pa sya kay Zelos. Akin na bag mo." His deep voice is like hypnotising me to the point na hindi ko namalayang dahan-dahan ko ng binigay ang bag ko sa kanya.

Wala kaming imikan sa loob ng kotse at nasa labas lang ang tingin ko, wala rin akong planong kausapin siya. Napapikit ako at halos napaigtad sa tikhim niya.

"Saan banda ka pa hinawakan ni Zelos?"
Bumukas ang labi ko sa tinatong at agarang bumaling sa kanya.

"S-sa braso lang," Tumukhim rin ako dahil parang may bukol na bumabara sa lalamunan ko.

"Saan pa? Sa braso lang? Ano ang mga sinabi niya? Did... Did he harass you?" Isang katutak na tanong ang lumabas sa bibig niya. Ayaw ko man pansinin ang kanyang tono pero hindi ko magawa kahit binaling ko ulit ang tingin sa labas ay nababasa ko ang tonong may bahid ng pag-alala at lalo na sa huling tanong nya na may halong diin pa.

"Kakausapin ko siya na huwag ka nang hahawakan kung hindi naman kailangan," Yevhen.

"No need, i can do it myself," Tanging na sabi ko at pilit pinatigas ang aking tono ngunit unti-unti akong tumingin sa kanya. "H-hindi ikaw mag hahatid sa akin sa l-lunes?"

Pagkasirado ko ng pinto sa kwarto ko ay agad akong napahilig at sinabunot ang buhok dahil sa kahiyahiyang tanong na iyon na sinagot din ng salitang hindi ko alam kung bakit ako pinamulahan ng mukha. At kitang-kita ko pa sa mata ni Yevhen ang pagkabigla pero agaran din namang sinagot.

"Kung gusto mo, pwedeng ako." Aniya.

THAT WAS THE MOST EMBARRASING MOMENT IN MY LIFE!

Basa ang buhok ko at naka sweat shirt at trouser lang ang sinout ko habang pababa sa hagdan at naririnig na ang ingay ng mga kasamahan sa pag gawa ng thesis. Nakita ko ang pag baling ni Sergiel sa akin at namamangha akong tinignan mula ulo hangang paa kaya tinaasan ko siya ng kilay nang naka lapit na ako sa kanila.

"Ang ganda mo," Bulong ni Sergiel na nakapag pagulat sa akin. Tinignan ko rin siya mula ulo hangang paa pero yumuko agad siya na parang 'di inaasahang maririning ko iyon.

One Of My Poisons (Bodyguard Series #1)Where stories live. Discover now