CHAPTER 6: What Happened 11 Years Ago

24 9 0
                                    

Sumilip ako galing sa mga bulaklak at tahimik na pinagmamasdan ang paru-paru na nakadapo sa dahon ng isang klaseng bulaklak din. It's my first time to witness a blue moon butterfly in our homely garden. Siguro it's my lucky day. The butterfly is so dark with two bright blue circular patches on his wings.

Nag tago rin ang isa sa mga katulong namin at namangha sa nakitang paru-paru. Ngumiti ako at tinuro iyon.

"That's a blue moon butterfly, his scientific name is Hypolimnas bolina and his color resembling the full 'blue moon in the dark sky," I said and glanced at my two nannies watching it now.

It's like my name 'Cynth', I'm a moon goddess.

Nagkatinginan rin sila sa isa't isa at namamanghang pumalakpak. Halos lumuwa ang eyeballs ko nung pag baling ko ay ang pag lipad din ng paru-paru.

Sinamaan ko sila ng tingin, humawak sila sa kanilang mga labi pero unti-unting natawa kaya ginaya ko nalang sila.

"Is my Mommy smart po?" Bigla ko na tanong at bumaling sa kawalan. I think this is my hundred times to asked this pero gusto kong itanong paulit-ulit hanggang sa mag sawa ako, pero parang hindi siguro ako mag sasawa nito.

"Oo naman no, isa ang Mommy mo sa mga laging nagsusulong sa karapatan ng mga kababaehan. Sobrang tapang ng Mommy mo lalo na kapag nasa korte siya at nakaharap sa maraming tao at may iba pa matataas ang posisyon sa abogasya." Mahabang lantayan nya pagkatapos ay kumain ng strawberry cake habang nakaupo kami sa lanai.

Oo nga, nakita ko iyon sa isang documentary na naka tago sa kabinet ni Daddy noong pumasok ako sa kwarto niya para hanapin ang mga fairy tale books ko.

They always say that she is the most intelligent attorney in our city. I super admired her for being such a strong woman.

It's obvious na nakasama niya din si Mommy at halos silang lahat ng mga katulong namin dahil matagal na silang nagtatrabaho sa amin kaya nakakapagtanong tanong rin ako sa mga bagay-bagay tungkol kay Mommy.

"Why Mommy die again?" Seryoso akong tumingin sa kanila. Nakita ko kung paano linunok lahat ng pagkain ni ate Lita sa bibig nong tinanong ko nanaman siya, at si ate Jesa naman ay parang walang narinig at patuloy lang sa pagkain ng prutas.

"Dahil niligtas niya ang isang babae, Sin." Aniya. Agad ring nakipag usap kay ate Jesa.

Lagi talaga akong napapakunot ng noo kapag tungkol na sa Mommy ko ay napaka tipid lang nilang mag salita. I didn't ask something offensive, it's normal that I asked those of it because of my curiosity at dahil din si Daddy ay napakatipid rin kung mag kwento pag sa usaping ganito. He will just push me to sleep.

Nakakamangha pakinggan na ang Mommy mo ay nakapagligtas ng buhay ng iba, pero nakakalungkot lang isipin na siya ang kapalit ng pag sagip na iyon.

Sabay kaming napabaling sa likuran namin dahil tumahol ang mga aso sa 'di kalayoang malaking gate namin.

Sumilay ang ngiti sa aking labi at ang lungkot na nararamdaman ay biglang napalitan ng kagalakan. Bahagya lang nag taka dahil papasok naman iyon agad si Daddy without our guard's approval pero ngayon ay nagsisikan ang mga gwardya.

Mas ipinagtaka ko pa nong hindi si Daddy ang pumasok. Tumingala siya sa aming mansion, hindi niya ako nakita dahil natatakpan ako ng malalaking bulaklak.

Nagsimula siyang mag lakad ngunit bago pa siya nangangalahati sa nilalakaran papuntang bulwagan ay tumakbo na ako 'tsaka hinarangan siya sa kanyang pagbabalak na pumasok. Tinagilid ko ang ulo ko para makita sa likod niya ang guardhouse, kumunot ang noo ko at binalik ang tingin sa payat pero matangkad na lalaki.

Bakit hinayaang may makapasok na hindi kilala?

May kung ano sa kanyang mata na hindi ko mapangalanganan pati sa kanyang ngiti.

One Of My Poisons (Bodyguard Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ