CHAPTER 11: Protest With Him

26 6 0
                                    

Pagkaapak ng paa ko sa isang maginaw na tubig ay sya ding pag bagting ng alas dose sa gabi. At eto ako't nakalublob ang sarili sa bathtub, pilit kong hinihilod ang mga parte ng katawan ko hangang sa namula ito ngunit sa tingin ko hindi ko na matatangal pa ang dumi ng nakaraan. Itinaas ko ang isa kong paa at doon nasilayan ang mga sugat kong nag hilom pero hindi na nawala sa katawan, maging sa buhay ko at alaala. Pagak akong tumawa dahil kahit ano-ano nalang ang na-iisip ko.

Crazy how your trauma isn't your fault but you got to take responsibility for your heal.

How did this happened to my body? Bakit parang ang laki ng kasalanan ko para mangyari 'to sa akin. Ang alam ko, na kahit hindi ganon kaganda ang pakikitungo ko sa mga tao pati na rin sa papa ko ay ni minsan wala akong inagrabyado. Sigurado ako.

Tumagal ako ng isang oras sa banyo at lumabas na kumukulobot na ang mga tungki ng dalira.
Pumasok ako sa walk in closet ko at nag hanap ng damit pang gabi na sweat shirt at pajama.

I looked myself at the mirror and checked my swollen eyes. Hindi naman talaga ganoon kalala kaya lumabas nalang ako sa silid. Ang bawat apak ko sa sahig ay nagsasanhi ng ingay sa madilim na at tahimik na bahay. Tanging dim na ilaw lang ang nangunguna sa daan ko

Nahagip ng aking mata ang opisina ni Dad na hindi pa patay ang ilaw kaya nagtaka ako dahil hindi naman iyon pupunta dito dahil may schedule lang siya kung kailan siya dito pupunta pero ipinag sawalang bahala ko nalang iyon at dumiretso sa kusina, siguro nakalimotan kolang patayin ang ilaw kagabii.

Kumuha ako ng baso at dahan-dahan binuksan ang refrigerator para kunin ang pitsel. Pero sa gitna ng paglalagay ko ng tubig sa baso ay biglang nag pantig ang tainga ko nang may narinig akong mabibigat na yapak na papalapit sa akin, agad akong lumingon pero sa kasamaang palad na hulog ang baso at pitsel dahil sa gulat ko ng makitang isang matayog na bulto ng isang tao ang bumungad sa akin, hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nasa likod niya ang ilaw at natatabonan ng anino ang mukha nya!

Sumigaw ako ng napakalakas at mas pinikit ang mata ng naramdaman na sinusubokan niya akong hawakan. Oh My God!

"No! Don't hurt me, please!" Tili ko ng mahawakan nya na ako saka niyugyug.

"Sin, it's me! Cynth!"

Hindi ko masyado narinig ang sinasabi niya basta ay sumigaw lang ako at nanghingi ng saklolo.
Narinig ko ang boses niyang nag papanic at dahil sa pagyuyog niya sa akin kaya ko naapakan ang mga bubog at muntikan pang madulas sa tubig na nakakalat na sa sahig.

"Aray!"

"Shit!"

Parehas na kaming nagsisigawan.

"Can you fucking open your eyes? It's me, it's Yevhen!" Ani ng lalaking nakahawak sa dalawa kong braso para alalayan ako.

Hindi ko alam kong bakit ako nag tiwala pagkasabi niya non at binuksan agad ang mata ko. Taas baba ang dibdib kong tinitigan siya, napaka lapit ng mukha nya pati na rin ang mga katawan namin kaya hindi ko alam kong ako lang ba ang nakakaramdam at nakakarinig sa paglakas nang tibok ng puso ko.

Napansin ko rin na hindi niya inalis ang titig sa mga mata ko na tila sinusuri ako kaya napakurap-kurap ako at nag iwas ng tingin dahil nakakaintimida ang klase ng pagtitig niya.

Nang natauhan ako ay agad ko siyang tinulak pero ako lang yung nasaktan dahil mas lumubog ang mga maliliit na piraso ng baso sa paa ko, napaungol ako sa sakit. Narinig ko ang maninang mura niya bago ako muling nilapitan saka unti-unting binuhat. Gustohin ko mang itulak ulit siya pero nanghihina na ako sa sakit at mabilis din ang agos ng dugo na tumutulo na sa sahig.

"Bwesit! Alam mo bang lagi ko nang napapansin na sa tuwing nagkikita tayo lagi nalang akong naaaksidente?! Walang hiya ka, ibaba mo ako! Wala kang karapatan hawakan ako! Aray ko!" Tahimik lang siya at binabalewala ang lahat ng sinabi ko kaya nong nakapunta kami sa pinakamalapit na upoan ay agad niya akong binitawan at na lapat ang dalawa kong paa sa sahig.

One Of My Poisons (Bodyguard Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt