CHAPTER 8: A Tiring Day

19 10 0
                                    

Dahan-dahan kong pinihit ang pinto 'tsaka sumilip ang isang mata at nang nakumpirmang walang tao sa pasilyo ay tumingkayad ako na naglakad pababa ng hagdanan.

Ang malaking bukana agad ang sumalubong sa akin pati na rin ang himig ng mga ibon sa labas ng hardin, kasabay pumasok ang simoy ng pang umagang hangin. Ang bahay ay walang bahid ng sigawan kagabi.

Ngunit nanlaki ang aking mata nang nakita ang ama na paparating sa akin. Namamawis ang aking noo at dali-daling sinuyod ang paligid para makatago. Tatalikod na sana ako para umakyat muli sa kwarto, ngunit nakita ko na natigilan din siya at nauna pang mag iwas ng tingin 'tsaka ako nilagpasan at umakyat.

Napakurap-kurap ako at tinanaw siyang sinirado ang pinto ng kanyang kwarto. Bumaling ako sa couch at sa pintoan ng bukana 'tsaka kumunot ang noo. Wala akong makita ni anino ng lalaki. Pinagkibit ko iyon ng balikat at nagpatuloy lumabas ng bahay dahil baka doon naghihintay ang lalaking iyon.

Napahinto ako ng wala sa oras ng may nakitang bulto ng lalaki ngunit hindi ang lalaking ilang araw na akong binubwesit.

"Good morning po," Bati niya at binuksan ang pinto ng passenger seat ng isang SUV, "Sakay na po kayo."

Mas lalong lang kumonot ang noo ko at binuka ko na sana ang aking bibig pero inunahan niya ako.

"Ako na po ang pumalit kay sir Hezron, ako po si Zelos."

N-no way.

Sinuri ko sya mula ulo hanggang paa at napalunok sa pagiging dambuhalang tao nito. Parang kahit ilang lalaki pa ang makikipag bardagulan nya ay wala parin panama sa katawan niyang pang halimaw awra.

"Hindi, hindi ako sasakay." Aniko at lumiko. Nanlaki ang mata ko at mabilis na tumibok ang dibdib at agaran na umatras nang hinarangan niya ako at muntikan na akong mapalapit sa katawan niya. I cross my arms in my chest, defensively but he didn't notice it. I just saw his face hardened at unti unting ngumisi.

"Tama nga si Yevhen..." Hindi niya itinuloy at nilahad lang ang pintoan ng kotse.

Parang doble ang laki niya sa Yevhen na 'yon at mas matigas ang pagmumukha ng lalaking ito, dagdagan mo pa ang mga matatalim nyang mga mata.

I glared at him too pero wala sa sariling bumaling sa kawalan nang pumasok ang larawan ng awayan namin ng Ama ko at iyong mga mata niyang parang nasakluban ng langit at lupa dahil sa huli kong sinabi. Humigpit ang bagang ko at napaisip kung na mana ko ba sa kanya ang pagiging insensitibo sa mga bagay-bagay.

Walang buhay akong pumasok sa kotse at pinatong ang ulo sa back rest. Gusto kong umidlip ng panandalian para makalimotan kahit ilang minuto ang nakakadagdag problemang katigasan ng ulo ng ama. Napagtanto ko rin na isa ito sa mga kotse ni Dad na hindi niya masyadong ginagamit.

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan noong nasa eskwelahan na kami. Bigla nalang nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang braso ko noong ako ay pababa. Muntikan na akong matalisod  dahil wala sa oras kong nasabay ang dalawang paa sa baitang. Umingos ako at pilit na tinatangal ngunit mas humigpitan lang ang pagkakahawak sa akin.

Agresibo kong binalikwas ang kanyang kamay at pinanlakihan ng mata. "I didn't give you a permission to touch me." May diin kong sabi.

"Pasensya na po, inalalayan lang kita, Maam."

Hindi ko iyon pinansin at hinawakan lang ang braso ko 'tsaka tinago ang palapulsuhan dahil nakatingin siya roon. Ilang hakbang lang ang ginawa ko at napabaling nanaman ako sa aking likuran.

"Ang sabi ng inyong ama ay susundan ko kayo hanggang sa sa silid aralan." Aniya. Ginulo ko ang buhok ko at nag martsa.

"Oy mag kagrupo tayo ah!"  Napasinghap ako nang sumigaw ang babae sa katabi nya lang din.

One Of My Poisons (Bodyguard Series #1)Where stories live. Discover now