XXIII.

114 11 2
                                    

EXT. QUIAPO — EARLY MORNING

Maaga si Leon sa Quiapo ngayon. Gusto niyang tumulong kay Galatea para hindi na ito mainis sa kanya at sabihan siyang dedede rito. Naninibago nga lang siya dahil iba nga ang puwesto nito sa tuwing weekdays. Mas masikip. Mas maliit. Walang tent. Isang mababang mesa lamang ang dala nila at ang baraha na nakapatong sa ibabaw nito katabi ang bolang crystal.

May isa pang maliit na mesa sa tabi nito na para naman kay Calypso. May maliit itong garapon na dala habang pinahawak nito ang iba sa kanya para raw may silbi siya. Napansin tuloy ni Leon na medyo matalas din magsalita ang dalawang magkaibigan pero hinayaan na niya. Ayaw niyang galitin ang dalawa ngayong pinayagan na siya ng mga ito na sumama sa kanila.

GALATEA
Huy, maupo ka na dito. Nakaharang ka sa daan.

Hinila siya ni Galatea pagkatapos niyang ibigay kay Calypso ang huling garapon. Hindi napansin ni Leon na mabubunggo na pala siya ng mga taong sunud-sunod na naglalakad sa kalsada kung hindi siya hinila nito. Gano'n kasikip ang pwesto nito, na kahit paghinga ng mga tao ay magkakatamaan sa sobrang kipot.

Napahawak si Leon sa batok niya bago naupo sa maliit na bangkito sa tabi ni Galatea. Alangan siyang tumingin sa dalawang magkaibigan na nagpipigil tumawa. He looks so weird because the chair is too small and he is too tall for it. Pero hindi siya nagreklamo. Tahimik lang siyang naghintay para sa unang customer kaya nagulat siya nang magsimulang sumigaw si Calypso.

CALYPSO
Herbal kayo d'yan! Pamparegla! Pampawala ng ubo! Sakit ng katawan!

CALYPSO
Ate, ikaw? Bibili ka? Mabenta sa amin ang pamparegla!

Kumunot ang noo ni Leon habang nakikipag-usap naman ang katabi niyang si Galatea sa isang babae na nagtatanong kung magkano ang pahula rito. Gusto niya sanang itanong kung ano ang pamparegla pero baka takutin na naman siya sa barang ni Calypso.

GALATEA
350, Ate. Pero para sa'yo, 350 pa rin.

Narinig ni Leon na nakiusap ang babae kay Galatea. Humihingi raw ito ng tawad sabi pa ni Galatea kaya nagtaka siya kung bakit. Did she do something wrong? Why is the girl asking for forgiveness?

GALATEA
Hoy, tulala! Suklian mo si Ate ng sisenta. Pinatawad ko siya ng sampu.

Mas lalong kumunot ang noo niya. What the hell is a sisenta? , he thought. Pero ayaw niyang maging pabigat. Ayaw niyang isipin ni Galatea na wala siyang maitutulong tulad ng sinabi nito kaya kinuha niya ang pulang bill sa lata na itinuro nito at inabot sa babae.

GALATEA
Huy, singkwenta lang 'yon. Ito pa sampu mo, Ate.

Napakamot siya sa ulo habang pinapanuod si Galatea na nagbabasa ng baraha. Gusto niyang sabihin dito na hindi niya alam na sixty pesos pala ang sisenta na sinasabi nito. Ang alam niya lang ay animnapu na Tagalog ng sixty. Pero sisenta? Sixty? He can't figure it out.

Thirty minutes ding hinulaan ni Galatea ang babae sa harap. Umiyak pa ang babae dahil pinatotohanan daw ni Galatea na niloloko nga ito ng kasintahan. Hindi pa rin nga maintindihan ni Leon ang ginagawa nito pero nirerespeto niya ang trabaho nito. Tama nga naman na hindi niya pwedeng husgahan ito dahil kanya-kanya naman ng paraan ang mga tao para sa survival.

GALATEA
Leon, tissue.

Agad niyang inabutan ito ng tissue dahil nadudugo na pala ang ilong nito pagkatapos manghula. Inangat niya pa ang ulo nang dalaga para mas mabilis tumigil ang padudugo. Sumunod lang ito sa kanya at bahagyang tumawa habang nakatingala.

GALATEA
Normal 'to. 'Wag ka mag-panic.

PYGMALION
You don't want me to bring you sa hospital?

GALATEA
Malayo sa bituka.

PYGMALION
Yeah, of course because your intestine is below the—

GALATEA
Hindi 'yon literal. Ibig sabihin nun, kaya ko 'yung nosebleed at hindi ko ikakamatay. Kaya oo, hindi mo na ako kailangan dalhin sa ospital.

PYGMALION
How about sisenta? Why is it sixty?

GALATEA
Tanong mo sa mga Espanyol.

PYGMALION
Ah, so it's Spanish!

GALATEA
Kaya pala mali sukli mo kanina.

Hindi naman siya tinawanan nito na parang tangang-tanga siya. Sinabi lang nito na hindi na gagamit ng gano'ng bilang para mas maintindihan niya. Pero kung hindi niya maiiwasan, pwede pa rin siyang tanungin para maipaliwanag niya ang ibig sabihin.

Ngumiti si Leon. He quietly typed a reminder on his phone, "Study Spanish numbers so Altea wouldn't have to explain it to me while she's working".

Piece of Your HeartWhere stories live. Discover now