XLIX.

104 7 0
                                    

EXT. SAMPALOC — EVENING

Inihinto ni Galatea ang scooter niya sa tapat ng gate paakyat sa apartment niya. Inalis niya ang helmet niya bago siya tumitig sa lalaking nakaupo sa semento at nakaharang sa daan habang umiinom ito ng soft drink na nakalagay sa isang maliit na plastic.

Minsan, tulad ngayon, naiisip ni Galatea na kung siguro ay hindi niya alam na mayaman si Leon, kaya nitong mamuhay bilang ordinaryong tao. 'Yung kaya at alam ang sapat. Pero sa tuwing ibabalik niya ang tingin niya rito, maiisip niya na hindi rin ito bagay sa ordinaryong buhay. Na para bang may aura ito na palagi siyang mapapansin at mangingibabaw sa lahat.

GALATEA
Uy...

Tumayo si Leon nang tinawag niya ito. Nagpagpag ito ng pantalon na suot at agad na ngumiti sa kanya nang salubungin siya. Agad nitong kinuha ang kahon sa likod ng scooter niya na may lamang mga gamit na para bang kabisado na nito ang dapat gawin dahil sa pagsama sa kanila ni Calypso. Hinayaan niya lang ito at pinagbuksan na lamang ng gate paakyat sa apartment niya.

GALATEA
Oh, pasok...

PYGMALION
Okay lang? I'm not with Caly today baka you won't like it if it's just the two of us inside. Dito na lang tayo sa stairs.

GALATEA
Sure? Okay lang naman sa akin.

PYGMALION
It's okay, I won't stay nang matagal din naman.

Tumango si Galatea at pinanuod niya si Leon na ipasok ang box sa loob bago ito muling lumabas. Naupo silang dalawa sa unang palapag ng hagdanan papunta sa third floor at kinalabit niya agad ang katabi niya.

GALATEA
Bakit ka nandito? 'Di ba may meeting ka?

PYGMALION
That was kanina pa, so I ate muna then I went here para maghintay for you to come home.

GALATEA
Bakit nga?

PYGMALION
Eh, para I can see the coins.

GALATEA
Gags! Alam mo ba na mali raw 'yon sabi ni Caly? Ako dapat ang magbigay sa'yo para makontra.

PYGMALION
Why?

GALATEA
Para mukhang binili ko sa'yo 'yung shoes kaysa ibinigay mo sa akin.

PYGMALION
Then give me.

GALATEA
Ito. Piso.

Tatawa si Galatea at mapapailing. Itatago ni Leon sa bulsa ang barya na bigay nito, nakahiwalay sa pera niya para hindi mawala.

Kasunod na inilabas ni Galatea ang plastic ng mga barya na iniwan nito kanina kay Calypso. Lito siyang titignan ni Leon pero ibaba lang niya sa palad nito ang mga barya.

GALATEA
Hindi na kailangan 'yan. Binigyan na kita. Okay na 'yan. Hindi na ako aalis d'yan.

PYGMALION
'Di ba dapat... mas marami, mas strong 'yung counter sa malas and you walking away. You should give me more then?

GALATEA
Hindi gano'n 'yon! Bakit ba aligaga ka na baka mawala ako? Sa'n ba ako pupunta?

PYGMALION
Aligaga?

GALATEA
Bothered.

PYGMALION
Ah. Eh that's because me giving you shoes doesn't mean that I want you to walk away. So 'yon, ayaw ko lang na may gano'n pala siyang meaning. It's not nice.

GALATEA
Eh nandito lang naman ako. 'Pag umalis ako, eh 'di sumunod ka. Mayaman ka naman. Kaya mo.

PYGMALION
What if it's the type of walking away where I can't find you? Or where I know but I have to respect your boundaries.

GALATEA
Bakit naman tayo dadating sa gano'n? Okay naman tayo ah?

PYGMALION
I thought lang. Kasi sometimes you dodge the topic about us. What if there will be a time where it's not the topic that you make iwas but me.

GALATEA
Hindi ka ba mabubuhay na wala ako? Parang tanga 'to. Kakakilala mo pa lang sa akin, ganyan ka na.

PYGMALION
I can but I don't want to.

PYGMALION
I like knowing that you're around. That I can go to you or be with you like this.

GALATEA
Wala pa rin bang malisya 'yan?

PYGMALION
Dapat ba agad mayro'n? Can't we be just like this? Two people who enjoy each other's company. Well, at least for me. I enjoy your company. Kailangan ba we put malice into things agad? Pwede naman na we're friends muna.

GALATEA
Muna!?

PYGMALION
I mean yeah, kung may possibility... bakit ba jirits ka d'yan? I'm not forcing it. I'm just saying.

Tumawa si Galatea nang marinig ang sinabi nitong 'jirits'. Malamang, kay Calypso na naman ito nakapulot ng bagong salita.

GALATEA
Hindi naman ako jirits! Kaya lang kasi... parang bigla na lang na baka magulat ako, pinopormahan mo na ako!

PYGMALION
I respect your pace but that doesn't mean we can't discuss these possibilities, 'di ba? We can also be best of friends. Ikaw yata ang excited na maging jowa ko eh. Lagi mo binabanggit.

Babatukan ni Galatea si Leon at ngunguso naman ito sa harap niya. Tatapikin niya ang ibabaw ng ulo nito bago siya tumayo sa kinauupuan nila.

GALATEA
Umuwi ka na. 'Wag ka nang magpagabi sa daan.

PYGMALION
Wait muna.

Hahawakan ni Leon ang pulsuhan niya. Dumukot ito sa bulsa at isinuot sa kanya ang isang pula na pulseras. Gawa ito sa dalawang makapal na sinulid at sa gitna nito ay may maliit na puting bato.

GALATEA
Ano 'to?

PYGMALION
You know, the legend says that two people who are connected by the red string are bound together by fate. That even though the strings may stretch or get tangled, the ties of those who are connected will never be broken.

PYGMALION
I haven't figured out what this tie means to us. Could be friendship, could also be love. Don't get jirits! Possibilities lang nga. But whatever that may be, I'm sure that I don't want you to walk away from me. So this is my way of saying that I wish I can keep you more. And longer. If you'll let me.

PYGMALION
I will go home now. See you tomorrow, ssob. Hide your panty and don't ask anyone to just hide under your skirt. Okay?

Napatango na lang si Galatea at napantanga habang pinapanuod itong naglalakad pababa sa hagdanan at palabas sa gate ng apartment niya.

Piece of Your HeartWhere stories live. Discover now