CXXXVIII.

91 3 0
                                    

EXT. APARTMENT — MIDNIGHT

Kanina pa nakaupo si Galatea sa baitang nang hagdan sa pagitan ng apartment nila ni Leon. Sabi ni Poly, pauwi na raw ito pero kalahating oras na ang nakalipas ay wala pa rin ito.

Alam niyang marunong na itong mamasahe pero nag-a-alala pa rin siya na baka mapag-tripan ito sa daan o maligaw kaya naghintay siya. Hindi sumasagot si Leon sa tawag niya kaya lalong nadagdagan ang pag-a-alala niya.

Gusto na sana niyang puntahan ito pero narinig niya ang pagbukas ng gate sa baba. Napatayo siya para sumilip mula sa taas kung si Leon na ba ang dumating.

PYGMALION
Oh, Altea!

Nakatingala ito sa kanya habang isinasara ang gate. Mabilis itong naglakad paakyat pagkatapos ngumiti. Muling naupo si Altea sa baitang ng hagdan at ilang minuto lang ay tinabihan na siya nito. May grasa ang t-shirt na suot nito pati ang pisngi.

GALATEA
Umuuwi ka ng ganyan?

PYGMALION
Poly said I should so that I won't get much attention while commuting. Para raw people would think that they have nothing to steal from me.

GALATEA
Ah. Talino ni Poly do'n ha.

PYGMALION
Hinintay mo ako?

GALATEA
Nag-alala ako eh.

PYGMALION
I'm okay naman, ssob.

GALATEA
Oo nga. Papasok na ako sa loob, maglinis ka na ng katawan tapos magpahinga ka na.

Tatayo na sana si Galatea pero hinawakan ni Leon ang pulsuhan niya. Tumitig siya rito at tinapik lang nito ang kamay niya.

PYGMALION
Stay.

GALATEA
Hindi ka pa pagod?

PYGMALION
You're my pahinga.

Ngumiti ito sa kanya at pinagsalikop ang mga daliri nila. Sanay na si Galatea na hilig nitong hinahawakan ang kamay niya pero iba ang kapit nito ngayon. Mas sigurado.

PYGMALION
Sorry for my brother.

Rinig niya pang sabi nito bago isinandal ang ulo sa balikat niya. Bahagyang ngumiti si Galatea at inangat ang ulo nito para punasan ang grasa na nakakapit pa rin sa pisngi niya.

GALATEA
Okay lang.

Umiling si Leon bago kinuha ang kamay niyang nasa pisngi nito. Marahang idinampi ni Leon ang mga labi niya sa kamay ng dalaga na kaharap bago niya ito muling hinarap.

PYGMALION
It's not okay. I know it hurts you.

GALATEA
Nasasaktan ka rin naman, 'di ba?

PYGMALION
I get hurt when you're hurt.

GALATEA
Naisip mo ba, baka mas madali kung mayaman din ako?

PYGMALION
No.

GALATEA
Bakit?

PYGMALION
I like you for who you are, Altea. Kung maiisip ko 'yan, ibig sabihin, hindi kita tanggap. But I do. I like you with all that you are. Wala kang kailangang baguhin.

Marahang hinawi ni Leon ang ilang hibla ng buhok niyang nakabagsak sa noo niya bago bumaba ang kamay nito sa pisngi niya. Ngumiti ito sa harap niya bago marahang pinisil ng isa pa nitong kamay ang kamay niyang kanina pa nito hawak.

PYGMALION
Ilang beses ko nang sinabi, our status doesn't matter to me. And it doesn't define us as a person. Alam mo kung ano ka sa akin? You to me are these calloused hands that you use to work hard. Your eyes that looks at me with honesty. Your lips that make me feel better after a long day. Your brain that is brilliant at best. Your values that remains humble. Your heart that you have shared to me a countless of times even though you deemed it broken from all the losses and pain that you went through.

Naramdaman ni Galatea ang ilang luha mula sa mga mata niya. Yumakap siya kay Leon at naramdaman niya ang paghaplos nito sa likod niya.

GALATEA
Ang taas-taas ng tingin mo sa akin.

PYGMALION
No. I'm just seeing you as you are, with your true value.

GALATEA
Salamat, Leon.

GALATEA
Araw-araw mong ipinaparamdam sa akin ang halaga ko. Araw-araw, hindi ka nagsasawa. Araw-araw, binabawasan mo ang mga takot ko.

GALATEA
Mas tanggap ko ang sarili ko ngayon dahil nandito ka. Dahil tinuruan mo ako. Akala ko noon, kontento na ako sa rules at sa mga bagay na pinaniniwalaan ko. Pero binago mo ako. Ipinakita mo sa akin na hindi pera o estado ng buhay ang nagpapaikot sa mundo.

PYGMALION
Alam ko na kahit sinasabi mo, okay ka basta nandito ako, or sina Caly, nasasaktan ka pa rin like kay Kuya Yves or sa ibang tao. Kasi hindi naman maiiwasan 'yon. And I also know that you can defend yourself so what I can promise you is this, we will share the battle. And like those people who are bida in the teleseryes that Caly makes me watch, we will win this battle together.

GALATEA
Eh paano 'yon, tinatanggalan ng mana 'yung mga nasa teleserye?

PYGMALION
Mommy and daddy aren't like that. But to prove a point, I left my credit cards and trust fund kay Kuya.

GALATEA
So, mahirap na tayong dalawa?

PYGMALION
Is that okay?

GALATEA
Oo naman! May savings ako. Hindi tayo magugutom. Pati naghahanap ako ng bagong raket pandagdag.

Ngumisi si Leon at tumawa bago yumakap kay Galatea. Inilapit niya ang labi sa tainga nito at bumulong.

PYGMALION
I earn a lot, actually. From my paintings.

PYGMALION
I know you're not sanay to depend on others but you can depend on me with anything.

GALATEA
Ginawa mo pa akong gold digger.

PYGMALION
Nah. I know you like me more than what I have.

Sabay silang tumawa bago hinalikan ni Leon ang noo niya. Napapikit na lang si Galatea habang nakangiti at nakasandal sa balikat nito.

Nauunawaan na niya ngayon na may mga bagay na hindi niya kontrolado kahit pa ilang batas o rules ang sundin niya.

Tulad ng pagmamahal.

Piece of Your HeartWhere stories live. Discover now