LXV.

91 8 0
                                    

EXT. SAMPALOC — EVENING

Ipinasok ni Galatea sa maliit na garahe ang scooter na dala niya. Naghihintay sa kanya sa labas ng street si Leon habang nakasakay na ito sa loob ng sasakyan.

Huminga nang malalim si Galatea bago tinungo ang sasakyan nitong naka-hazard. Nang makita siya ni Leon, agad itong bumaba para pagbukas siya ng pinto.

Tinaasan niya ito ng kilay at ginaya lang siya nito. Marunong na itong mang-asar ngayon kaya umirap na lang siya at sumakay na sa shotgun seat.

PYGMALION
Seatbelt, please.

GALATEA
Oks na. Tara na.

PYGMALION
Okay.

Nagsimula nang mag-drive si Leon. Focused ito sa daan pero paminsan-minsan ay ibinabaling nito ang tingin kay Galatea.

GALATEA
Problema mo?

PYGMALION
I don't usually have a girl inside my car. Except mom.

GALATEA
Ilang beses na kami sumakay ni Caly dito.

PYGMALION
Yeah. So you three lang. But 'yung ganito na ikaw lang? This is a first.

GALATEA
Congrats!

PYGMALION
You're being sarcastic. I know.

Tumawa si Galatea bago ipinalibot ang tingin sa loob ng sasakyan. Malinis ito at halatang bago dahil may plastic pa ang ilang gamit dito pati na ang upuan.

Kinalikot niya ang salamin pati na ang glove compartment nito. Kuryoso siyang inoobserbahan ni Leon bago niya inabot ang kamay nito.

Nanlaki ang mga mata ni Galatea nang biglang hinawakan ni Leon ang kaliwang kamay niya. Ibinuka nito ang palad niya at kitang-kita niya kung paano pinunan ng mga daliri nito ang pagitan ng kanya.

GALATEA
Hoy ano 'to!

PYGMALION
Likot mo.

GALATEA
Tinitignan ko lang naman kung may laman na. Pwede mo nang bitiwan ang kamay ko, hindi na ako malikot.

PYGMALION
But this is comfy.

GALATEA
Nagmamaneho ka.

PYGMALION
This is an automatic car. We'll live.

GALATEA
So hahawakan mo lang kamay ko hanggang bahay niyo?

PYGMALION
If pwede. May I?

GALATEA
Bakit?

PYGMALION
I like your hand.

GALATEA
Hindi maganda kamay ko. Magaspang. Alam mo ba 'yon? Hindi malambot. Unlike yours.

PYGMALION
Well, I don't mind. You should be proud nga eh. Hindi nakakahiya 'yon because you have hard-working hands.

GALATEA
Kasi kailangan.

PYGMALION
Hay nako you always downplay yourself whenever I tell you something nice.

GALATEA
Hindi ako sanay eh. Kasi hindi naman ako dapat pinupuri sa mga ginagawa ko. Ginagawa ko 'yon kasi kailangan. Kasi ako lang naman para sa sarili ko.

PYGMALION
Huh? How come? What am I then?

GALATEA
Hindi kita pwedeng i-burden lagi.

PYGMALION
I don't mind.

GALATEA
Ayaw kong masanay sa'yo.

PYGMALION
You're scared again? You can keep me. Under you skirt. Inside your pocket. Anywhere!

GALATEA
Hindi gano'n kadali.

PYGMALION
How can I make it easier for you?

GALATEA
Hindi lahat kaya mo.

PYGMALION
Ikaw rin. Hindi lahat kaya mo.

PYGMALION
Pero kinakaya mo. So I'm proud of you. And I'm happy that I get to hold the hand of the girl that I am so proud of.

Ngingiti si Galatea, mapapakagat sa labi. Hindi niya alam kung paano naging iisang tao ang hambog na Leon noon at ang kaharap niya ngayon pero masaya siya kapag kasama niya ito. Kahit ayaw niyang aminin, alam niyang may pagkahumaling siya rito na hindi niya naramdaman sa kaibigang si Poly noon.

PYGMALION
Why are you crying?

GALATEA
Ngayon ko na lang ulit kasi narinig 'yan eh. Na may proud sa akin.

PYGMALION
Don't cry. I will always be proud of you. Kahit you always remind me that we just met.

GALATEA
Thank you.

PYGMALION
Don't cry na ha? You look more beautiful when you're being vulnerable kaso you said walang malisya pa so I'm trying to stay kalmado.

Masuyong binalingan ng tingin ni Leon si Galatea. Ngumiti ito sa kanya at naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya.

So this is pwede na, he thought. Because for the first time, he liked having his hand over hers instead of his paint brushes. This is so much better.

Piece of Your HeartWhere stories live. Discover now