XXVI.

101 12 0
                                    

EXT. QUIAPO — EARLY MORNING

Nakangiti si Leon habang naghihintay siya ng customer. Excited siyang magsukli dahil alam na niya magbilang gamit ang Spanish numbers. Inaral niya ito kagabi at gusto niyang ipakita kay Galatea na marunong na siya. Ayaw na niyang maging pabigat dito kaya bibo siya sa pagtulong.

Inangat niya ang tingin niya nang may huminto sa harap nila ni Galatea. Customer. Ayos.

PYGMALION
Papahula ka?

Tumitig si Galatea nang magsalita siya. Hinayaan siya nitong makipag-usap habang nagpipigil itong tumawa. Aliw na aliw siya habang pinapanuod si Leon sa unang customer na tumatawad na agad.

PYGMALION
Isang daan ang tarot kapag ten minutes. 350 kapag full reading.

CUSTOMER
Otsenta na lang! Sandali lang naman eh.

Kumunot ang noo ni Leon. Sisingit na sana si Galatea nang muling magsalita ito.

PYGMALION
80? Tawad? Sige, isang daan pa rin para sa'yo.

Tumawa na si Galatea sa sinabi nito. Mabilis nga itong matuto pati ng sarcasm. Wala na tuloy nagawa ang customer nang i-abot dito ang isang daan at naupo na sa harap nila.

PYGMALION
Told you I studied last night.

Proud itong bumulong sa kanya. Ngumiti si Galatea habang binabalasa ang tarot cards. Para itong bata na nagmamalaki dahil marunong nang bumilang. Siniko niya ito nang bahagya at pinuri.

GALATEA
Very good ka.

Ngumisi ito at hinayaan na siyang manghula. May ilan pang customers na sumunod sa una at hinayaan niyang si Leon ang makipag-usap dahil gustung-gusto nito ang ginagawa.

PYGMALION
Patawad. Hindi pa kami tumatanggap ulit dahil like... uhm... Altea? How do you say na you cannot have customers one after another because it's bad for you?

GALATEA
Sasabihin mo, bawal sunud-sunod kasi sumasama ang pakiramdam ko. Balik sila pagkatapos ng thirty minutes.

PYGMALION
Oh, okay. Patawad. Hindi pa kami tumatanggap ulit dahil hindi kaya ni Altea ang sunud-sunod na customers kasi sumasama ang pakiramdam niya. Balik kayo pagkatapos ng thirty minutes para okay siya.

Tumango si Galatea. Natutuwa siya sa sipag nito at pagkahilig matuto. Hindi naman ito pabigat dahil mas lumakas ang kita nila ni Calypso nang sumama ito sa kanila kaya inaabot na sila ng hapon.

PYGMALION
Ang dami mong dugo sa ilong. Ubos na tissue. I will buy more.

GALATEA
Alam mo ba kung saan?

PYGMALION
I can ask. And I have to take a call din. I'll come back agad. I'll buy you and Caly water din.

GALATEA
Thank you.

PYGMALION
Okay, Lodi.

Sabay na tumawa sina Galatea at Calypso. Hindi yata alam nito ang ibig sabihin ng sinasabi niya pero ang aliw nito panuorin.

CALYPSO
Alam mo ba ibig sabihin n'yan?

PYGMALION
No but Altea used it so maybe it's like a nickname?

GALATEA
Ibig sabihin ng lodi, idol. Baliktad. Katulad ng malupit kapag magaling, petmalu. Or malakas, sakalam.

PYGMALION
Oh, nice! Oh sige mga lodi, I will leave now to buy tissue and water. And answer a call.

CALYPSO
Ingat ka ha? Cellphone mo.

Tumango si Leon at hinayaan na nilang umalis. Pero wala pa mang limang minuto, tumatakbo na ito pabalik habang sumisigaw na nahablutan ng wallet ng isang snatcher. Paulit-ulit siyang tinawag ni Galatea pero hindi man lang siya nilingon nito kaya tumayo na rin siya at tumakbo.

GALATEA
Kakasabi lang mag-ingat! Leon!

PYGMALION
Fucking snatcher! Give me back my wallet!

Marami ang nakiki-usyoso sa paligid pero silang dalawa lang ang tumatakbo habang nakasunod sa snatcher. Normal na ito sa Quiapo dahil sa dami ng tao rito pero ngayon lang napatakbo si Galatea ng ganito.

Nalagpasan na niya si Leon na hingal na hingal na. Pagod na rin si Galatea tumakbo kaya tinalunan niya ang kariton na nadaanan at binato ng sapatos ang snatcher. Napatigil ito bago tinambangan ng mga tanod na malapit dito.

Kinuha ni Galatea ang itim na wallet na hawak nito bago sinabunutan ang snatcher na hawak ng mga tanod.

GALATEA
Puta ka! Ang layo ng tinakbo ko! Pwede bang maghanap ka ng marangal na trabaho hinayupak ka!

Binitiwan niya ito at nagpasalamat siya sa mga tanod. Nakita niya sa likod si Leon na kanina pa siya sinusundan. Hingal na hingal din ito nang tumigil sa harap niya.

Ibinalik niya ng wallet nito pero hindi ito kinuha ni Leon. Nilagpasan siya nito at pinulot ang sapatos na ibinato niya kanina.

PYGMALION
Wear your shoe.

Bahagya itong lumuhod sa harap niya at marahan na isinuot ang sapatos sa kaliwang paa niya. Natigilan si Galatea at napatitig sa ginagawa nito. Ingat na ingat ito sa paa niya kahit na marumi ito.

PYGMALION
Altea, petmalu ka. You're my lodi.

At tumawa si Galatea dahil sa sinabi nito. She thought that she'd like to keep him longer, if he wants to.

Piece of Your HeartWhere stories live. Discover now