CII.

78 5 0
                                    

Calypso Ilustrado
Active Now

WED 9:43 PM

Galatea Blanca Suarez
Besh, ayoko na. Ba't naman ganito 'tong si Leon!?

Calypso Ilustrado
Inaano ka na naman?

Galatea Blanca Suarez
Inaano ako. Nilalabanan ako. Sobrang powerful ng mga sinasabi, naloloka ako!

Galatea Blanca Suarez
Tatrabahuhin daw ako basta hayaan ko siya kahit konti tapos wala siyang pakialam sa status namin. 🥺

Calypso Ilustrado
LUH BIG BOY NA? Haha

Calypso Ilustrado
Besh, ano ka ba naman eh 'di hayaan mo!

Calypso Ilustrado
Gets ko 'yung naiisip natin na ang layo talaga ng estado ng buhay niyo pero 'di ba nga, sabi ko sa'yo no'ng exhibit niya na kung siya nga walang pakialam, eh bakit ka makikinig sa opinyon ko at ng ibang tao?

Galatea Blanca Suarez
Kasi masakit.

Calypso Ilustrado
Eh sila ba may gusto sa'yo? Gusto ka nga ni Leon, ano gagawin natin ang ganda mo, umabot ka sa alta sociedad! 😂

Calypso Ilustrado
Tsaka isipin mo, sino ba hahawak ng kamay mo? Sino ba uuwian mo sakali? Sila ba? Si Leon naman. Tanggap ka nung tao, eh anong bilang ng mga hindi ka tanggap?

Calypso Ilustrado
Ang problema kasi sa'yo, besh... hindi mo tanggap ang sarili mo. Partly, kasalanan ko naman kasi sabi ko lusak ka pero kung seryosong usapan naman, mas disente pa tayo at makatao sa kanila. Lalo sa nangyari. Naisip ko na tang ina, palag-palag na.

Galatea Blanca Suarez
Caly naman eh 🥺

Calypso Ilustrado
Eh kasi naman, nahihirapan ako sa'yo. Gusto mo siya, 'di ba? Eh 'di go!

Calypso Ilustrado
Bakit kailangan kayo 'yung magkasakitan? Ang saktan natin, 'yung mga matapobre sa paligid niya.

Calypso Ilustrado
'Yung kuya niya, babarangin ko 'yon. 'Di ako marunong pero aaralin ko.

Calypso Ilustrado
Basta maging masaya ka. 'Di ba sabi mo, tsaka na natin problemahin 'pa nasaktan ka? Nasaktan ka na. Namatay ka ba?

Calypso Ilustrado
Namatay ka ba nung sinabihan ka nilang mahirap? Hanggang nakatayo ka, Altea, kaya mo. Patunayan mo sa kanila na hindi ka lang mahirap. Kasi higit pa tayo do'n sa ikinakahon ng lipunan sa atin.

Galatea Blanca Suarez
Besh, natatakot na ako.

Calypso Ilustrado
Nandito kami ni Poly 'pag mabigat na. Pati si Leon. 🙂

Piece of Your HeartWhere stories live. Discover now