CXLI.

101 2 0
                                    

Calypso Ilustrado
Active Now

THU 4:10 PM

Calypso Ilustrado
Nabasa ko messages niyo ni hudas.

Calypso Ilustrado
Sobrang proud ako sa'yo. ❤️

Galatea Blanca Suarez
Salamat, Caly. ❤️

Calypso Ilustrado
Tama 'yan. Taas-noo lang, besh. Ang mahalaga, alam mo kung sino ka, at wala kang tinatapakan na tao.

Galatea Blanca Suarez
Kahit kinupal ko 'yung kapatid? 😂

Calypso Ilustrado
HAHAHA DESERVE

Calypso Ilustrado
Alam mo besh, kilala kita. Kung "mahirap" lang ang kayang ibato sa'yo ng kuya ni Leon, pinapatunayan lang nito kung gaano siya kababaw bilang tao.

Calypso Ilustrado
Mahirap maging sigurado sa opinyon natin sa mga sarili natin kaysa sa opinyon ng iba na mas madali paniwalaan, kaya proud ako sa'yo na alam mo na ang halaga mo.

Galatea Blanca Suarez
Besh naman! 🥺

Calypso Ilustrado
Naalala mo no'ng isinulat mo ang sampung utos? Sabi mo, hindi ka magmamahal ng kahit sino bukod sa amin ni Poly kasi ayaw mo nang maiwanan. Masaktan. Naintindihan namin ni Poly 'yon kasi ang lupit sa'yo ng kapalaran eh. Ang aga nawala ng mga magulang mo. Wala kang kamag-anak na kumupkop sa'yo. Kami lang ni Poly 'yung naiwan.

Calypso Ilustrado
Pero alam mo, masaya ako na hindi nasunod 'yung mga utos mo. Kasi Altea, karapat-dapat kang magmahal at mahalin.

Galatea Blanca Suarez
Binabago pala talaga ng pag-ibig ang mga tao.

Calypso Ilustrado
Masaya ko kasi ginawa kang mas matatag ng pag-ibig. Marunong ka nang tumanggap ngayon, besh.

Galatea Blanca Suarez
Para sa tamang tao. 😊

Galatea Blanca Suarez
Para kay Leon.

Piece of Your HeartWhere stories live. Discover now