LXXX.

92 5 0
                                    

INT. GALERIE OLYMPUS — EVENING

Nasira ang plano ni Galatea. Hindi niya inaasahan na makukumbinsi siya ng kapatid ni Leon para sa surpresa sa binata pero sa huli ay nagbago rin naman ang isip niya. Wala namang mawawala kung pagbibigyan niya si Leon dahil minsan lang naman humiling ito sa kanya.

Pero ngayong nandito na siya kasama ang mga kaibigan na sina Calypso at Poly, muli siyang napaisip kung tama ba na nandito siya ngayon kasabay ng mga bisita ni Leon. Lalo pa at kitang-kita niya ang pormal na suot ng mga tao sa loob—iba't-ibang uri ng mga gowns at suits, kumpara sa suot nilang tatlo na akala nila kanina ay sapat na.

Si Poly, nakasuot lang ng puting polo at itim na pantalon. Si Calypso, nakasuot ng isang itim na bestida. Gusto rin nitong magsuot sana si Galatea ng bestida pero tumanggi siya kaya ang pinili na lang ng kaibigan niya ay ang mahabang puting palda na may disenyong aztec, at isang denim blouse na itinali nito sa gitna para raw magkaro'n ng estilo ang dating niya.

Makati na rin ang mukha ni Galatea dahil sa mga koloreteng inilagay ni Calypso at kinulot pa nito ang buhok niya. Pero kung kanina ay gandang-ganda sila sa ayos niya, ngayon ay nahihiya na siya dahil halatang hindi sila bagay rito.

POLY
Altea, pumasok na tayo. Lalamig 'yung lumpia na niluto mo.

Bahagya siyang itinulak ni Poly habang hawak nito ang dilaw na plastic container na pinaglalagyan ng niluto niyang lumpia. Si Calypso naman, pasilip-silip na sa loob ng gallery.

CALYPSO
Besh, halika na! Mukhang masarap ang mga pagkain! Bongga, may champagne pa oh!

GALATEA
Parang nahihiya ako, besh...

CALYPSO
Besh, ano ba 'yan! Hindi kita nakilalang insekyora ha? Tsaka mararangal naman tayong tao. Imbitado rin tayo kaya bakit ka mahihiya?

CALYPSO
Alam ko palagi kong ipinapaalala sa'yo na magkaiba kayo ni Leon, na lusak ka at marmol siya na pebbles pero besh... kung sa kanya walang bilang 'yon, wala rin dapat bilang sa'yo ang opinyo ko at ng ibang tao. Kaya itaas mo ang noo mo at lumakad ka nang diretso.

Ngumiti si Galatea at huminga nang malalim bago itinaas ang ulo niya at diretsong tumayo. Tama ang kaibigan niya. Bakit siya mahihiya? Wala naman silang intensyon na masama. Gusto niya lang surpresahin si Leon, ipakita ang suporta niya rito dahil alam niyang mahalaga ang araw na ito tulad ng sinabi ng kapatid nito.

GALATEA
Halika na.

Lumakad silang tatlo papasok sa gallery at agad na lumingon ang ilang bisita. Taas-noong naglakad si Galatea papunta sa direksyon ni Leon pero napapalibutan ito ng iba pang bisita at abala sa pakikipag-usap. Natigilan pa siya sa pagmamasid nang salubungin sila ni Odysseus, ang kapatid ni Leon. Agad nitong hinila si Galatea papunta sa ibang direksyon kung saan may kumpulan din ng mga tao.

ODYSSEUS
Hey, guys! I'd like you to meet the muse of my brother. His inspiration for his Tala artwork.

Matamang binalingan ng tingin si Galatea ng mga taong kaharap niya mula ulo hanggang paa. Ang totoo, nanliit siya sa mga tingin nito pero nanatiling nakataas ang noo niya. Wala naman siyang ginagawang masama at tinatapakang tao kaya wala siyang dapat ikahiya sa mga ito.

ART CONSULTANT #1
Ano ang hawak mo, hija?

GALATEA
Lumpia ho. Para kay Leon kasi paborito niya 'to. Gusto niyo po bang tikman? Gawa ko po 'yan.

ART CONSULTANT #1
No, thank you.

Tipid na ngumiti ang babaeng kaharap niya pati na ang iba pa nilang kasama na tinanggihan din ang inalok niyang pagkain. Nagkibit-balikat siya. Malinis naman 'yon at masarap, pero siguro ay kung nasa mas magandang plato ito at mas maarte ang hain, baka tsaka lang nila kainin.

POTENTIAL BUYER #1
So, you're the inspiration behind the most coveted piece tonight which is by the way, not for sale.

ART CONSULTANT #2
I don't think she understands you, Sir.

POTENTIAL BUYER #1
Leon picked her so I'm sure she's not just anyone. From which family did you come from, hija? Siguro ay from a humble but rich one.

ODYSSEUS
She is actually a tarot reader in Quiapo—

Agad na pinutol ni Galatea ang sinasabi ng kapatid ni Leon bago pa siya insultuhin nito. Mahigpit ang hawak niya sa plastic container na pinaglalagyan ng lumpia bago siya matalim na tumingin dito.

GALATEA
Kaya kong magsalita para sa sarili ko, Mr. Alcantara.

ART CONSULTANT #3
I told you, she's poor.

Napapikit si Galatea sa narinig. Kanina pa siya nanliliit mula sa mga tingin nito at ngayon ay sa mga salita. Gusto niya pa sanang magpasensya pero hindi niya ugaling manahimik lalo na kapag iniinsulto na siya nang harap-harapan ng mga taong hindi niya naman pinakitaan ng masama at higit sa lahat, ang mga taong hindi naman siya kilala.

GALATEA
Excuse me ho. Nauna kasi ang panghuhusga bago niyo man lang hingin ang pangalan ko. Kaya bilang ako lang naman yata ang disente rito, sige, magpapakilala na ako. Ako si Galatea, wala na akong mga magulang kaya binubuhay ko mag-isa ang sarili ko. 24 years old na ako, isang tarot reader sa Quiapo. Marunong din akong gumamit ng crystal ball. Marangal ang trabaho ko at ang pinanggalingan ko kahit hindi kami mayaman kaya hindi ko ikinakahiya 'yon.

GALATEA
And no, you're wrong, Miss whoever-you-are. I perfectly understood the conversation earlier and I also converse well in English. I was a scholar at Serendipity University first before working in Quiapo. That should speak a lot because being a scholar means that I am not only a charity case, but I am also intelligent enough to earn my place in a prestige university. And unlike you, I don't measure a person's worth or intelligence based on the language or languages that they can speak. I am not as shallow as you are.

Matapang na napalunok si Galatea bago muling bumaling sa kapatid ni Leon. Alam na niya ang nais nito na surpresa. Dahil ang totoo, pinapunta siya nito para ipahiya at ipakita sa kapatid nito na hindi siya nababagay sa mundo nila, na hindi siya bagay para rito.

GALATEA
And Mr. Alcantara, if you really want to embarrass me, make sure that I am not the smartest person in the room. You might have the money and the status... but sadly, I have something that you all lack. Basic human decency. Sana maging mabuti muna kayo bago kayo magmalaki sa iba.

GALATEA
I hope you'll enjoy your evening. At isara mo 'yang bibig mo, Mr. Alcantara. Tikman mo 'tong lumpia ko, lasang gawa ng disenteng tao.

Padabog na ipinatong ni Galatea ang plastic container na hawak sa magkabilang kamay ng kapatid ni Leon. Tuluyan na siyang nawalan ng respeto rito kaya inalala niya ang ika-apat niyang utos: galangin kung sino ang karapat-dapat.

Sabay niyang hinila sina Poly at Calypso na nakatanga sa likod niya pagkatapos makinig sa mahaba niyang monologo. Dahan-dahang pumalakpak ang dalawa at sabay niya itong inakbayan para lumabas ng gallery.

Narinig ni Galatea ang pagtawag ni Leon sa pangalan niya pero hindi na siya muling lumingon. Ngayon, malinaw na sa kanya mga rules na ginawa niya at kung bakit niya ito kailangan sa buhay niya. Naalala niya ito lahat.

At ang ikalawa niyang utos: huwag kang lilingon para hindi ka angkinin ng kahit sino.

Piece of Your HeartKde žijí příběhy. Začni objevovat