CXIV.

75 4 0
                                    

Pygmalion Noel Alcantara
Active Now

TUE 12:20 AM

Pygmalion Noel Alcantara
What was that!?

Pygmalion Noel Alcantara
You are driving me crazy!

Galatea Blanca Suarez
Ayoko nga eh.

Pygmalion Noel Alcantara
What ayaw? Me or me letting you go?

Pygmalion Noel Alcantara
Sagot ka because I am so confused! You are making me feel lots of things!

Galatea Blanca Suarez
Kalma!

Pygmalion Noel Alcantara
Then what nga?

Galatea Blanca Suarez
Alam mo ba kung kailan ako huling naging masaya? No'ng buhay pa ang mga magulang ko. Tapos no'n, binuo ko 'yung sarili ko na kakayanin ko mag-isa. Gumawa ako ng rules para tahimik ang buhay ko. Para hindi ako makasakit at hindi ako masaktan.

Galatea Blanca Suarez
Paulit-ulit kong isinasabuhay ang sampung utos na gawa-gawa ko kasi 'yon ang praktikal para sa akin.

Galatea Blanca Suarez
Pero dumating ka. Akala ko hambog ka lang na nagmamalaki sa hawak niyang cheke na may halagang sampung libo.

Galatea Blanca Suarez
Akala ko kliyente ka lang no'ng humingi ka ng tawad at tinanggap ko na naghahanap ka lang ng sagot. Akala ko kaibigan ka lang no'ng nagsimula kang tumulong sa amin ni Caly sa Quiapo. Akala ko humaling lang na walang malisya noong napapangiti mo na ako. Akala ko, hanggang do'n lang.

Galatea Blanca Suarez
Pero hinawakan mo 'yung kamay ko. Tinignan mo ako na parang sobrang taas ko, na parang sobrang halaga ko kahit ganito lang ako.

Galatea Blanca Suarez
Ipinaramdaman mo sa akin na pwede pang maging masaya ulit. Na ayos lang.

Galatea Blanca Suarez
Kaya no'ng gabing isinampal ng mundo sa akin ang layo ng estado nating dalawa, natakot ako. Kasi parang hindi na naman pwede. Parang babawiin ka na naman.

Galatea Blanca Suarez
Kaya pinili kong maging matigas. Kaya itinulak kita palayo. Inunahan ko na lang para maprotektahan ko ang sarili ko.

Galatea Blanca Suarez
Para handa ako. Para mas matanggap ko. Kasi ako pumili eh.

Galatea Blanca Suarez
Kasi hindi ko kaya kapag hinayaan ko 'yung sarili ko na ituloy 'to tapos magigising ako na binabawi ka na nang tuluyan sa akin.

Galatea Blanca Suarez
Mabibigla na naman ako.

Piece of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon