CHAPTER ONE: The Guy In The Wishing Tree

2.6K 69 18
                                    

CHAPTER ONE

The Guy In The Wishing Tree

“JAMBIYA Mecca C. Kintanar!”

Awkward talaga ang enrollment procedure dito sa amin sa DATU. Kailangang isisigaw talaga ng isa sa mga cashier ang pangalan mo kapag natatakan na ang registration form mo ng salitang “Paid”. Wala namang problema sa sistema nila. Ang awkward lang ay babanggitin talaga ang buong pangalan mo.

I did not hate my name. Really. I just had two creative parents who were fascinated with sharp weapons and had sex in various places. Oo, ako ang tinawag sa cashier. Pangalan ko nga ang isinigaw doon.

Jambiya Mecca Centenaria Kintanar. Gawang-Saudi Arabia daw ako. Mecca, in particular. May kakambal daw ako sabi ng mga magulang ko. Ang punyal na binili nila sa mismong araw na nagsiping sila sa Mecca. Yes, it was a dagger named jambiya.

Kinuha ko ang registration form ko sa cashier. Nakayuko akong tumungo doon para kahit paano ay hindi makikita ng mga tao ang mukha ko. Nang minsang nag-enroll ako noon, nagulat ang mga ito nang makita na ako ang lumapit sa cashier window. Ang buong akala siguro ng mga ito ay babae ako. Jambiya Mecca wasn’t commonly used as a boy’s name, was it?

Pagkahatak ko ng registration form ko ay umalis na agad ako. I put my headset in both ears. Magsa-soundtrip na lang ako. Nakaka-trauma rin kasi ang mga eksenang ayokong ma-witness, like magugulat ang lahat at pag-uusapan ako dahil sa ako si Jambiya Mecca.

Ayoko nang magtagal pa roon. Ito naman na ang last step ng enrollment. Kapag nakabayad ka na, tapos na ang kalbaryo mo. Pasukan na lang for the upcoming semester ang hihintayin mo.

Dahil tapos na ako, tumungo ako sa favorite spot ko sa DATU: ang Wishing Tree. May isang puno sa likod ng pinakalumang building na hindi pinapuputol ni Dr. Andres Tambunting—ang kasalukuyang presidente ng paaralan—dahil ang punong ito ay mas nauna pang tumubo kaysa sa pagkakagawa ng pamantasang ito. More than fifty years na rin ito.

Bihira itong puntahan ng mga estudyante dahil hindi naman masyadong malawak ang paligid nito. Hindi magandang tambayan dahil nasa bandang dulo ito ng paaralan. At higit sa lahat, pinaniniwalaang may mga engkanto diumano sa paligid, sanhi ng mga bali-balita kaya hindi ito pinatatanggal sa DATU.      

Kung ikaw daw marunong magbigay-respeto sa mga nilalang na iyon ay mananatili kang tahimik kapag ikaw ay naroroon. At sa iyong pananahimik, taimtim kang hihiling sa punong iyon ng iyong mga nais makamit sa buhay at ibibigay nito iyon sa 'yo. Well, nasa tao naman iyon kung paniniwalaan niyon ang kuwentong iyon.

Inilabas ko ang aking notebook. Walang ka-linya-linya iyon. I started to draw dots, lines and circles, until I unknowingly created a doodle art. I loved making doodle arts. Isa ito sa mga pastime ko. Well, Fine Arts student naman ako. Expected na sa amin na magagaling ang mga kamay namin sa pagguhit.

Nag-lettering ako ng salitang ‘Wish’. Nasa ibaba naman ako ng Wishing Tree na iyon. Siguro, deep inside me, may isang hiling ako na gusto kong matupad.

Gusto ko sanang maging isang artist balang araw. Gusto kong ma-explore ang mundo ng art. I love colors. I love shades. I love pictures. I love everything about art.

A few moments later, napaligiran na ng iba’t ibang heavenly objects ang wish. The blue fairy once sang to Pinocchio, “When You Wish Upon A Star”. Doon ko nakuha ang idea na gumamit ng heavenly objects para i-decorate ang salitang wish.

Kahit sino naman yata sa atin, noong mga bata pa tayo ay humihiling tayo sa mga bituin. Lalo na sa mga shooting star. Hanggang lumaki tayo, umaasa pa rin tayo na magkakatotoo ang mga hiling nating iyon.

Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]Where stories live. Discover now