CHAPTER SEVEN: The Fight

650 27 12
                                    

CHAPTER SEVEN

The Fight

HINDI ako makapaniwala nitong mga huling araw na magkasama kami ni Percy—este Pero. Tsk, tsk. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ma-master ang tawag na iyon sa kanya. Sabi nga pala niya noong nakaraan ay Pero na ang itawag ko sa kanya. Right then and there, he gave me an explanation about his choice. Hindi ko alam kung katanggap-tanggap iyon ngunit naipaliwanag naman niya ang kanyang side. And I still remember that moment.

            "P-Pero?" garalgal na wika ko.

            "O-Oo, P-Pero..." Tumikhim pa siya nang ilang beses. "Tingnan mong mabuti itong binabasa ko." Ipinadulas niya ang papel na kanyang pinag-aaralan malapit sa akin. Tinuro niya ang isang talatang nagsasaad ng kanyang pahayag.

Portmanteau or Blending is the combination of two words to form a new word. Some letters are omitted to create a good sounding combination of the two words. Some of the following examples are smog—taken from smoke and fog, brunch—from breakfast and lunch and cellphone­­—from cellular and phone.

            "Ano ba ang given name ko?"

            "Percival Rommanuel." tugon ko.

            "Ano ba ang sabi dito sa handout ko?"

            Balisang bumaling ako sa tinutukoy nito sa papel. "Ang portmanteau ay combination ng dalawang salita para makabuo ng isang bagong salita. May mga titik na tinatanggal para makabuo ng isang salitang may magandang tunog."

            "Ang galing mo. So, pasok ba ang Pero?" Nagpalumbaba pa ito sa harap ko.

            Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. "Bakit hindi na lang Rocival? O kaya Pernuel?"

            Kinalikot nito ang tainga nito. "Ang pangit sa pandinig. Mas okay pa ang Pero. Kaya dahil diyan, Pero na ang itatawag mo sa akin, ha."

            "O-Okay," Makailang beses na napalunok ako matapos sabihin iyon.

            Hinawakan nito ang aking kamay at itinaas iyon na parang manunumpa. "Mangako ka."

            Napatingin ako sa pagkakahawak nito. Hindi naman kahigpitan iyon, ngunit may kakaibang diin iyon na parang tumatagos sa aking mga daliri, patungo sa aking mga ugat, dumadaan sa aking mga dugo na makakarating hanggang sa aking puso, sanhi na pinatibok na naman nito, hindi lang ang aking puso, kundi ang aking diwa at damdaming naglalagablab para dito.

            "S-Sige," Sinubukan kong ituwid ang aking kamay ngunit hindi ito bumitaw sa pagkakahawak. "ipinapangako ko na Pero ang aking itatawag sa 'yo."

            "Great." Hinatak muli nito ang handout at muling tumutok sa binabasa, saka ito bumitaw sa pag-alalay sa aking kamay.

            Pasimpleng naghabol naman ako ng paghinga dahil masyado akong na-tensyon sa nangyari. Sinilip kong muli ang bag ko at tinapunan ng tingin ang aking secret story book. It was untouched. Sigurado ako. Mga ballpen ko lang ang nagkalat at wala nang iba.

           

            Gaya ng sinabi ko, hindi ako makapaniwala sa huling mga araw na magkasama kami. Mas naging malapit kami sa isa't isa. Mas marami kaming napag-uusapan. Mas maraming oras kaming magkasama. At higit sa lahat, mas lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]Where stories live. Discover now