CHAPTER TEN: Ang Bulong Ng Damdamin

612 30 11
                                    

CHAPTER TEN

Ang Bulong Ng Damdamin

HININTAY lang ni Papa na makapasok kami ng bahay at makalipat siya sa sofa bago ito nagsalita. I knew this would be a very nerve-wracking scene kaya hinanda ko na ang sarili ko sa lahat ng mga sasabihin nito. I must be ready.

"Saan mo nakilala ang Percival na iyon?" tanong ni Papa, sa tinig na hindi normal sa pangkaraniwang boses nito.

"Magkaklase kami sa isang subject ko, 'Pa." malumanay na wika ko.

Tumikhim si Papa bago nagsalita. "Magkaibigan ba kayong dalawa?"

"Magkaibigan lang kami, 'Pa." That was true. Wala namang namamagitan sa aming dalawa ni Pero.

"'Pa?" tawag ni Mama mula sa kitchen. "May problema ba?" Tumungo si Mama sa sofa. She sensed that something's going on between us with that voice of Papa. She kissed Papa on the forehead to pacify him.

"May itinatanong lang ako kay Jambiya." paliwanag ni Papa. "Jambiya, sumagot ka nang totoo. Sino ang Percival na iyon?"

"Kaklase ko nga lang, 'Pa." I tried to keep as calm as I could. Ayokong umabot sa puntong magkakasigawan kami ni Papa.

"Jambiya, alam mo ba kung ano ang ispeyshalti ko sa PMA noon?" Naging mababa ang boses ni Papa, na tila napakalma naman ng halik ni Mama.

"Shooting?" turan ko.

"Ano pa ba, eh di ang makahuli ng mga beki sa loob ng kampo." singit ni Ate Stil, kasama ni Kuya Kat na papasok ng bahay. Yeah, right. Ang gandang eksena nito. Nandito pa ang lahat sa confrontation scene na ito.

I knew it would reach this point. Sinasabi ko na nga ba. Hindi talaga ako makakaligtas kay Papa.

"Hi, 'Pa." Bumeso si Ate Stil at nagmano naman si Kuya Kat kay Papa, ngunit hindi nawala ang titig nito sa akin.

"Sa tingin mo ba, Jambiya, hindi ko napapansin ang mga kilos mo?" Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Papa.

"A-anong k-kilos, 'P-Pa?" Nangangarag na ako sa mga sinasabi ni Papa.

"'Pa, gusto mo bang kumain ng ice cream? Magpalamig muna tayo." Napatingin si Mama sa akin at mabilis na umiling. Pinaaalis na ako nito sa sala.

"May problema ba, 'Pa?" tanong ni Kuya Kat. "Ano'ng kinikilos ni Jam ba ang sinasabi mo?"

"Ikaw ang Kuya ni Jambiya, Katana Hiroshima. Hindi ba dapat ay mas malapit kayo sa isa't isa? Hindi ba dapat ay mas alam mo ang kilos niya?" balik-tanong ni Papa dito kay Kuya.

Natutop ni Ate Stil ang bibig nito. "'Pa, you mean... Alam mo na..."

"Matagal na, Stiletto Sicily. Alam ko na isang bakla si Jambiya Mecca!" Papa screamed at the top of his lungs.

Tumitig silang lahat sa akin na parang may ginawa akong isang krimen na walang kapatawaran. I felt like I was an ice cube, being struck by wildfire. Unti-unting nanghihina ang aking katawan.

Lumapit naman si Mama sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Kahit ano pa si Jambiya Mecca, pamilya—"

"Simula pa lang ay ayaw ko na magkaroon ng anak na bakla!" nanggagalaiting anas ni Papa. "Aminin mo na! Nobyo mo ang Percival na iyon!"

"How I wish, 'Pa!" balik-sigaw ko rito.

"Jambiya Mecca!" pigil ni Mama sa akin. "Huwag mo nang labanan ang Papa mo."

Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]Where stories live. Discover now