CHAPTER TWELVE: Of Society and Discrimination

168 13 7
                                    

CHAPTER TWELVE

Of Society and Discrimination

PRETTY recently, I learned a lot of things upon the process of coming out of my own shell.

I realized the importance of retracing back to my old self through my favorite thing in this world. Doon ko mas na-explore ang aking creativity dahil hindi pa bounded ang isip ko sa maraming issue na ibinabato ng mundo sa akin. Para malaman ang iyong identity, kailangang alamin mo kung saan ka nanggaling. I found myself back to who I am and learned to express who I am through what I can do. Dahil iyon sa storybook na aking ginawa noong bata pa ako.

The second one was Carpe Diem, base nga sa pinabasa ni Pero sa akin na nobela na pinamagatang 'The Story of Creation'. 'Seize the day' ang ibig sabihin niyon. Hanggang may pagkakataon, gawin mo na ang dapat mong gawin dahil hindi mo alam kung kailan ka magkakaroon ng pagkakataong gawin ito. Nalaman ko na hindi habangbuhay na magagawa ko ito, kaya nararapat kong gawin ito hanggang may panahon pa.

Ang ikatlo ay mula sa awit na 'Bahala Na'. Hindi rin naman sa lahat ng oras ay aayon ang tadhana sa nais mong mangyari. Minsan, kailangan mo ring sumugal sa mga bagay na sa tingin mo ay makapagpapasaya sa 'yo. Kung mamalasin, sumubok ka na lang ulit. Kung susuwertehin, huwag mo nang bitiwan pa ito.

Ang lahat ng iyan ay natutunan ko nang makilala ko si Pero. Siya ang dahilan ng lahat ng nangyari sa aking buhay—sa pagtuklas ko sa aking pagkatao, sa paghanap ng walang kapintasang pagmamahal, sa pagbabalik ng pagmamahal sa kanya.

Ngayon ay ipinagpapatuloy ko ang storybook namin ni Pero. Nandito ako ngayon sa veranda. Mahigit thirty minutes na akong naririto, subalit nakatingin lang ako sa isang blangkong pahina ng aking storybook.

I have drawn a few stories already. Of course, ang favorite ko ay iyong fantasy story na ginawa ko. It seemed memorable to me. Si Pero kasi ang saving grace ko sa mundong puno ng insecuritiy, indifference at inequality. Pero ngayon, walang pumapasok sa isip ko.

"Ano'ng ginagawa ng mahal ko?" Naramdaman ko na lang ang mga labi ni Pero sa aking batok. That made me shudder and spread goosebumps all over my body. Sobrang sensitive kasi ng batok ko. Simpleng daplis lang ng balat ay napapapitlag na ako.

"Hi, mahal." Tumabi siya sa akin at humalik sa aking pisngi. "This is the storybook that I made, remember? Ito iyong sinilip mo sa library."

Tumungo-tungo si Pero. "Ah, the legendary storybook. Nice. Ano ang sinusulat mo ngayon?"

"Actually, wala pa akong maisip na plot. Bigyan mo nga ako ng kuwento."

"Don't ask me. Baka magulat ka." Tumingin si Pero sa akin na parang may kakaibang kahulugan ang nakatago sa mga mata nito.

"Bakit? Ano ba ang nasa isip mo ngayon?"

He moved closer and kissed me on my neck. "Write an erotic story about us."

Napailing na lang ako at natawa. He was really pushing me to do it with him. "Sige pa. Konti na lang, mahal, at baka bumigay na rin ako."

"Ang tagal naman kasi, eh!" singhal ni Pero, dismayado.

I laughed so hard. All I could do right now was to kiss him on the lips. "Easy ka lang. Darating—"

"Ewwwww! Mga bading! Naghahalikan! Yuck! Like, they're so kadiri." sigaw ng tatlong babae na napadaan sa tapat ng aming bahay.

Napatingin kami ni Pero sa mga babae. Based on the uniform they were wearing, they looked like studying from a university nearby.

At that moment, I felt like melting. Para bang unti-unting malulusaw na ang aking pagkatao sa pangungutya ng mga ito sa amin. Oo, natanggap ko nga ang pang-aalipusta ng pamilya ko sa akin, pero iba pala ang pakiramdam kapag ibang tao na ang gumagawa niyon sa 'yo.

Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]Where stories live. Discover now