CHAPTER TWO: Ang Mga Kintanar

1.1K 48 10
                                    

CHAPTER TWO

Ang Mga Kintanar

"IYAN NA nga ba ang sinasabi ko. Kung bakit ba naman kasi may mga babakla-baklang mga lalaki. Ayan, tingnan mo ang nangyari. Hindi tuloy nagtagal ang buhay at napagsamantalahan ng mga letseng foreigner na iyan."

Nasa hallway pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang malakas na boses ni Papa. I just got home from school, right after the enrollment. Lumapit ako dito at nagmano.

Retired general ang ama kong si Reynante Levisterio Kintanar. Maamo ang mukha ni Papa, gaya nang sa akin. Ako ang kamukha ni Papa sa aming magkakapatid, kahit pa ako ang hindi talaga sumunod sa mga yapak niya.

"Mano po, 'Pa." Prenteng-prente ito sa paboritong couch nito sa sala. He was watching the afternoon news.

In the same event, my older brother Kat joined us in the living room. Lumapit din ito kay Papa at nagmano. "Mano po, 'Pa."

"Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak." turan ni Papa.

Kuya Kat was a senior police officer. Ito ang susunod sa yapak ni Papa. Kung puwede nga lang daw na gawing junior nito si Kuya ay ginawa na nito. It's just that they named Kuya Kat differently.

Napaupo na rin kaming dalawa ni Kuya Kat sa mahabang sofa na katabi ng kinauupuan ni Papa.

Actually, hindi pa man lumalapat ang puwitan ko sa sofa ay rumatsada na naman ng litanya si Papa.

"Kasalanan din naman kasi ng baklang iyan. Alam naman niya na gagamitin lang siya ng Latinong iyan, eh. Napakalandi talaga! Nakakarindi!"

Sa totoo lang ay naririndi ako kay Papa sa tuwing nag-iingay ito. Ayoko kasi ng naririnig ang mataas na boses nito. Parang laging galit. Parang laging may kaaway.

Ito namang si Kuya, hindi rin magpapatalo sa pagbibigay ng opinyon kay Papa. Manang-mana ito kay Papa. Madalas na magpaligsahan at magpayabangan ang dalawang ito.

Tumikhim si Kuya bago magsalita. "Usap-usapan sa amin ang isyu na 'yan, Pa. Hindi nga lang namin alam ang tunay na dahilan. Pero ang nakarating sa amin, mag-boyfriend daw ang mga ito."

Napangiwi si Papa. "Nakakadiri!"

Napailing lang si Kuya Kat. "Alam mo kasi, 'Pa, may mga foreigner naman kasi na mas gusto ang mga bakla. Siguro, may hindi napagkasunduan ang dalawang ito kaya umabot sa patayan ang usapan."

"Ang punto ko, anak, kung hindi na sana nakipagsiping ang bakla sa foreigner, eh di sana ay buhay pa ito ngayon." depensa ni Papa. "Hindi kasi mapigilan ang kalandian, eh. Makindatan lang, gigiri na agad na parang tandang."

"Siyempre, 'Pa. Obvious naman na sex ang habol ng bakla sa foreigner na iyan." dagdag pa ni Kuya.

"Namputsa, isang malaking kabababuyan iyan, anak." Napasigaw nang malakas si Papa. "Mahahalay talaga ang mga baklang iyan. Alam mo ba, anak, noong nasa kampo pa ako, ispey-cialty ko ang pangangamoy ng hasang ng mga garutay na iyan. Napakarami kong pinaalis na magsusundalo noon dahil mas mapilantik pa ang daliri kay Pilita Corrales."

Here we go again. Nagyabang na naman si Papa. Si Papa talaga, sa lahat ng usapan, ang gusto nito ay laging ito ang pinakamagaling. He was even given the moniker "General Steel", because of its firm principles. Hindi puwedeng hindi dadaan kay Papa ang mga sundalo sa kampo ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas noong dekada otsenta. Iniisa-isa nito ang lahat ng mga sundalo kung kakayanin ba talaga ng mga ito na magsilbi sa Pilipinas, ayon sa mga pinaniniwalaan nitong prinsipyo.

Ngayon, ang pagiging General Steel nito ay sa bahay na lang. Matagal na kasing nalumpo ang Papa dahil sa isang engkuwentro sa mga nakalaban nitong mga NPA na tumataliwas sa mga plano ng presidente. Naparalisa ang dalawang binti nito kaya hindi na ito nakakalakad.

Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]Where stories live. Discover now