CHAPTER NINE: The General Steel's Suspicion

465 30 4
                                    

CHAPTER NINE

The General Steel's Suspicion


SA MISMONG pagtapak ko sa bahay ay naabutan ko si Papa sa sala. Mag-aalas-kuwatro na rin iyon ng hapon. Kapag ganitong oras ay naonood lang ito ng afternoon news. Well, kahit hindi na]man afternoon ay nanonood ito ng balita.

            Hindi na ako pumasok that day. Pumunta na lang kami ni Pero sa isang clinic at ipinagamot ko ang mga sugat na nagawa ko dahil sa matinding emosyon. Tapos ay kumain na lang kami sa labas.

            Ito ang unang beses na hindi ko pinasukan ang mga klase ko para sa araw na iyon. Okay lang naman dahil nakasama ko naman si Pero. It was more enriching than going to class. Mas lumalalim lang ang nararamdaman ko para dito.

            Inilapag ko muna ang bag ko. Humugot ako ng malalim na paghinga bago ako lumapit kay Papa. Ang kaso, hindi pa man ako nakakalapit, napalingon na ito sa akin. Naramdaman siguro nito na paparating ako.

            "Jambiya," tawag ni Papa.

            Sa lalim ng boses ni Papa ay kahit sino ay mangangatog kapag nadinig ito. Nakaka-pressure. Ang hirap magsimula ng isang conversation dito.

            "'Pa," Lumapit ako sa tabi nito at naupo.

            "Kumusta na ang pag-aaral mo?" agad na tanong ni Papa.

            Napalunok na lang ako. "Ayos naman, 'Pa." Hindi nga ako pumasok kanina, eh.  

            "Pagbutihin mo 'yan. Siyanga pala, ang Tita Diella mo, nandito kanina. Bumisita. Ang sabi ko ay wala ka naman dito dahil may pasok ka."

            "Ahh, sige. Magte-text na lang ako mamaya." Tumikhim ako at muling humugot ng malalim na paghinga bago nagpatuloy sa pagsasalita. "'Pa, may hihingin sana akong favor."

            "Ano iyon, Jambiya?" Mata sa matang tumitig si Papa sa akin. I saw him not as my dad but as General Steel. Titig pa lang nito ay nakakasindak na. Nakakapanlambot ng mga tuhod. Nakakakaba.

            "Kasi, 'Pa... 'Di ba, ang gusto mo ay lagi naming dala ang aming mga kakambal na sandata sa kahit saang lugar kami pumunta?"

            "Dapat lang. Ultimong si Katana Hiroshima nga ay dala nito araw-araw ang katana na ipinagawa ko pa sa kaapu-apuhan ni Masamune noon." Sikat na Japanese blacksmith si Masamune. Sa isang descendant nito nagpagawa sina Papa ng katana na kakambal ni Kuya.

            "Opo nga po," pag-sang-ayon ko. "kasi 'Papa... Na-confiscate ang jambiya ko."

            "Ano kamo?!" Napabulyaw si Papa sa harap ko. Para naman akong singsing-pari na biglang nag-curl sa sobrang takot.

            "K-kasi, 'Pa... Ip-p-inagtanggol ko lang 'yong k-kaibigan k-ko." utal na usal ko. "Hindi naman ako nanaksak, pero ginamit ko lang ito para takutin ang mga kaaway. Ngayon, nalaman sa school na may dala akong isang deadly weapon. Nakumpiska tuloy, pero nakuha ko rin naman."

            "Ano ang problema ngayon?" Medyo nag-lie low naman ang tinig nito.

            "Iyong kaibigan ko ang umako ng kasalanan ko. Iniligtas ako nito sa security head namin. Nagpanggap ito na ito ang may-ari ng jambiya. Ang ginawa ay na-expel ito sa university. 'Pa, ako dapat ang mae-expel at hindi si Pe—Percy."

            "Percy?" takang wika ni Papa.

            "Oo, ' Pa. Si Percy ang best friend ko. Tulungan mo ako, 'Pa." Lumuhod pa ako sa harap ni Papa. Kailangan kong gawin iyon.

Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon