CHAPTER FOURTEEN: Last Hope

790 30 21
                                    

CHAPTER FOURTEEN

Last Hope

Six months later

"I'LL BE at the car, ha. I-lock mong mabuti ang bahay."

Tumungo lang ako sa sinabi ni Tita Diella. Nauna na itong tumungo sa kotse sa labas. Hinatak ko naman ang aking maleta mula sa aking silid. We're now about to leave Tita Diella's abode. Papunta na kami sa NAIA terminal one. Lilipad na kami patungong Estados Unidos. Doon na kami maninirahan... nang matagal.

Tita Diella received an offer that could possibly make her career boom worldwide. Gusto niya akong isama dahil baka sakaling magkaroon din ng magandang maidudulot sa pagiging artist ko ang kanyang mga connection. Well, I had to go with her. Hindi rin kasi naging

Hindi ko alam kung mananatili pa ako malapit sa aming tahanan dahil naging mapait ang huling beses na nag-usap kami ni Papa. Ang buong akala ko ay mapapatawad na ako nito. Iyon pala ay lalo lang akong napasama.

That hospital scene made me choose what I think was the best for me. Hindi na baleng maging isang masamang anak ako kay Papa. Ang mahalaga ay napatawad ko ito.

Sa mismong araw na nagkaroon ng engkuwentro si Papa at Pero, dinala din sa hospital ang mga ito. Magkatabi lang ang silid ng mga ito. I was torn between the two doors. Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa dalawang ito. Ang sabi ko kasi sa aking sarili ay kung sino ang silid na tutunguhin ko ay naroroon ang taong huling beses ko nang makikita.

Tumungo ako sa silid ni Papa. Gusto kong maging malinaw na rito ang aking nararamdaman. Galit mang hinarap ako ng aking mga kapatid ay pinakiusapan ko ang mga ito na lumabas muna. Gusto kong makausap si Papa nang sarilinan. Nagising naman si Papa sa ingay namin. At doon ay nag-usap kaming dalawa.

"Papa," tawag ko rito. Hindi halos maibuka ni Papa ang mga mata nito, but I see he tried.

"L-lumayas k-ka..." bulong nito.

Humawak ako sa kamay ni Papa. "'Pa, I'm sorry. Humihingi ako ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko sa inyo. I'm sorry kung naging ganito ako. Nagmahal lang naman ako, 'Pa. Sana ay maintindihan mo iyon."

"W-wala... W-wala... Akong a-anak n-na..." Mabagal na humugot ito ng hininga, kahit pa nakakabit na ang kableng nagdadala ng oxygen sa ilong nito.

"'Pa, please. Huwag na tayong magtalo. Ang gusto ko lang ay humingi ng tawad sa 'yo. Bilang isang anak ay naging suwail ako dahil hindi kita sinunod. Inaamin ko, hindi ako naging mabuti. Pero sana ay matanggap mo ako sa kung ano talaga ang katauhan ko. 'Pa, please... Gusto kong maging maayos ang mga buhay natin." Naluha na ako nang tuluyan sa kamay nito.

"H-hindi... K-kita m-ma-mat-ta... Mat-t-ta-t-tanggap..."

"'Pa, para mo nang awa." Napaluhod na ako sa sahig habang hawak pa rin ang kamay nito. "Magpaka-ama ka naman sa akin kahit isang beses lang. Ikaw ang huling pag-asa ko para matanggap ko ang sarili ko nang walang pag-aalinlangan."

Ang pagpapakaama ay isang matagal nang issue sa pagitan ko at ni Papa. Maraming beses nang hindi ito naging ama sa akin. Well, technically, all my life, there were only a few moments that he became a father to me. Alam nito ang lahat ng iyon dahil ito mismo ang nagparamdaman niyon sa akin. And for the last time, I just want him to make me feel the same thing.

Hindi humihikbi si Papa pero nakita ko ang pagtulo ng luha sa gilid ng mata nito. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Lumuha ba ito dahil hindi na nito kaya ang mga nangyayari?

"M-magi-magiging m-m-masaya k-ka b-ba?"

"Please, you got to let it happen, 'Pa." pagmamakaawa ko.

Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]Where stories live. Discover now