CHAPTER FOUR: Naniniwala Na Ako Sa Forever

797 44 29
                                    

CHAPTER FOUR

Naniniwala Na Ako Sa Forever

VISUAL arts and music have their own ways of creating a feel-good atmosphere. Siyempre, sa visual arts, maa-appreciate ito kapag nakita ito ng isang spectator ang isang art piece, whether it's a painting or a sculpture or any other kind of such. Kapag music naman, definitely it will be appreciated it by the listeners' discriminating ears. Kaya kapag ako ay madalas na gumagawa ng aking mga artwork, laging may nakpasak na headset sa mga tainga ko.

I didn't know why I get so excited to draw when I get home today. It was just the first day of class. Wala namang ibang ginawa ang mga professor kundi mamigay ng mga course outlines, syllabi at iba pang mga papel na itatambak lang din naman naming mga estudyante sa aming mga bahay. Ang iba nga, pagkatapos makakuha ng mga papel na iyon, nagsipagsibatan na palabas ng classroom. Ang paalam ng mga ito ay magsi-CR lang, pero dala ang bag.

I just stayed there just to attend the class, kahit pa sobrang boring ng ibang mga professor sa pagtuturo. Hindi biro ang pagpapaaral ng isang anak kaya hindi ko rin naman nilulustay ang pinagpaguran ng aking mga magulang. Hindi naman ako matalinong estudyante, pero masasabi ko na may sarili akong paraan para intindihin ang mga bagay.

Parang kapag nag-aaral ka lang ng Math. Maraming ibang paraan para ma-solve mo ang isang mathematical problem. May mga gumagamit ng long division, synthetic division, casting out 9s at marami pang ibang paraan na para sa akin, hindi rin naman nagiging madali ang subject na ito. Ewan ko. Basta, iba-iba naman tayong mga tao. Kanya-kanyang paraan man ang mayroon tayo, pare-parehas naman tayo ng goal.

I took an old sketchbook inside my cabinet, together with some color pencils. Naupo ako sa harap ng aking art table and binuksan ang cellphone para magpatugtog ng mga awitin.

Sketchbooks had been a collection for me. Hindi ko alam pero hindi ako mapakali nang walang sketchbook, kaya sa tuwing bibili na kami ng mga school materials, hindi ito nawawala. Ang dami-dami ko nang naipon na ganito since elementary days pa.

I started drawing an animal—a fictitious one. Pakiramdam ko ay parang isang Pokémon ito, pero gusto kong bigyan ito ng humanlike attributes. Whatever. Ilalagay ko na lang sa description mamaya.

Ang plano kong hitsura nito ay isang polar bear na may pakpak na katulad sa mga anghel. Yeah, I know, it was a very unique creature. Kaya nga nasabi ko na parang Pokémon ito.

I was now sketching the wings until I heard my phone rang. It was beside the color pencils I was using. When I glanced at the screen, I saw Percy's name registering.

"Hello?" I said after clicking the answer button.

"May forever ba?"

Naging pedestrian crossing ang mga kilay ko. I was busy drawing something new here and this person disturbed me by asking if forever exists. What a nice way to start my procrastination period.

"Bakit?"

"May klase kasi ako sa school namin. Literary Criticism. Magpasa raw kami ng review ng libro ni Senator Miriam Santiago na 'Stupid Is Forever'. Nakakatamad magbasa ng libro ngayon, eh. Kaya tinawagan na lang kita."

Napabuga ako ng malakas sa narinig ko. Was it my problem to answer him? "And you want me to do it?"

"Hindi naman. Just give me some insights. Baka sakaling may maisip akong idea."

I just winced. "I really don't know. May nakapagsabi na ba kung hanggang kailan lang ang universe na mag-e-exist? Who could ever tell?"

"Pero sabi ng Aqua," Percy cleared his throat before responding again. "We are the cartoon heroes, ooh-woah-oh! We are the ones who gonna last forever!"

Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]Where stories live. Discover now