CHAPTER FIVE: The Story Of Creation From The Book Of Genesis

752 34 21
                                    

CHAPTER FIVE

The Story Of Creation From The Book Of Genesis


"MASTERPIECE," Alam ko na ang course subject ko na ito ay pinangalanang Masterpieces In World Literature, pero ibang masterpieces ang nagre-register sa isip ko. I was thinking of the masterpiece that I finished last night before I sleep.

Don't get me wrong. Nakikinig ako sa professor ko. I really love the subject. Magaling ang professor namin na si Miss Polixena Hadap. Matalino ito at maganda, kahit parang baguhan pa lang ito sa DATU. Marami kaming matututunan dito.

Sabi nga nito, para raw United Nations ang block naming ito. Nagmula raw kasi kami sa iba't-ibang colleges at institutes dito sa DATU, kaya kahit paano ay susubukan nitong i-relate sa course namin ang mga aaralin namin sa subject na ito. Isa pa, hindi lang kami pure DATU students dahil mayroon pa kaming mga transferee. Gaya ng katabi ko ngayon na nakikinig nang mataimtim kay Prof.

"Jam..." Biglang bumulong sa akin si Percy. "Iyang dini-discuss ni Ma'am, nabasa ko na 'yan."

"Ikaw na." balik-bulong ko rito.

Hindi sa nayayabangan ako kay Percy. Siyempre, expected na para sa isang English major ang pagiging palabasa.

Then, the bell rang. Wala nang nagawa si Prof kundi i-dismiss kami, pero bago kami nito i-dismiss, nag-iwan ito ng isang homework na kailangan namin para sa discussion next meeting.

Alas-diyes y medya pa lang naman, ayon sa wall clock na nasa itaas ng white board. Ang susunod kong klase ay ala-una y medya pa. I still have three more hours to procrastinate.

Lumingon ako kay Percy. "Sige, ingat." I slid the left handle of my backpack to my right shoulder and stood up.

"O, teka, saan ka na naman pupunta? May klase ka na ba?"

"Wala naman. Ikaw?"

"Ito lang naman ang klase ko dito sa university. Iyong ibang klase ko doon sa school ko, weekdays. Sabado naman ngayon. Libreng-libre na ako, kaya halika. Mamasyal tayo."

Napatingin ako kay Miss Hadap. Inaayos nito ang mga visual aid na ginamit nito sa discussion namin sa mesa nito, habang ang mga kaklase ko ay isa-isang lumilisan na sa silid.

Naisip ko, baka may next class pa si Prof, kaya agad nitong inayos ang mga gamit nito. Ang sipag naman ng taong ito.

"Uh, next time na lang siguro. May gagawin pa kasi ako."

"Ha?" Napatayo siya sa kinauupuan. "Ano naman ang gagawin mo?"

"Magre-research ako doon sa assignment natin kay Ma'am."

"Ah... Sa Wednesday pa naman iyon, eh."

"Kailangan ko pa bang paabutin sa araw na iyon bago ko gawin ang assignment natin?"

He crossed his arms and looked like he was pondering on my words. "Tara, mag-research tayo. Doon tayo sa restricted library pumunta."

I winced. "Kaya nga restricted. Kasi hindi tayo puwedeng pumunta doon."

"Kalokohan." He grinned, flashing his dirtless teeth.

"Graduating na ako ngayong taon. Ayokong magkaroon ng kaso bago ako umalis dito sa school."

Umakbay siya sa balikat ko. "Ako ang bahala sa 'yo."

Sa mismong pag-akbay niya, parang nawala ang inhibisyon ko na baka sa huling taon ng aking pag-aaral sa pamantasang ito ay magkaroon pa ako ng disciplinary record. I felt safe and sound with his comforting presence. At hindi ko alam kung bakit ko iyon nararamdaman.

Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]Where stories live. Discover now