CHAPTER THREE: Ang Pinakapaboritong Bagay Ni Percy Sa Buong Mundo

879 44 19
                                    

CHAPTER THREE

Ang Pinakapaboritong Bagay Ni Percy Sa Buong Mundo

AYOKONG mag-aksaya ng panahon kaya I called the person. Whoever it was, he or she wasn't worth my time. I had lots of things to do in my room.

"Hello? Who's this?"

"Pare."

Isang boses lang ang rumehistro sa aking isip. It was from the guy I met today. Hindi ko maalala ang pangalan nito. But I can remember his voice.

"Who are you again?"

"Percy, pare."

Ah, Percy. As I recall what happened today, I thought it wasn't Percy. Parang ang haba ng pangalan nito. Pero hindi ko na talaga maalala.

"Percy, yes. May kailangan ka ba?" I immediately asked. Wala kasi akong panahon para i-entertain pa ang mga concern nito.

"Ikaw itong tumawag, ako ang tatanungin mo kung may kailangan ako? Hindi kaya kailangan mo ako kaya mo ako tinawagan?"

I scoffed and made sure that he heard it. Nakakaloko ang lalaking ito, ah. "Pinasok mo ang cellphone number mo sa bulsa ng bag ko."

"Pinasok?" Bumulusok ito ng tawa sa kabilang linya. "Pinasok talaga?"

Okay, that could have meant something else. Alam ko, hindi ako magaling sa salita, ngunit ito ang pumasok sa isip ko. "Ah, may kailangan ka ba? May gagawin pa kasi ako at ayokong magpa-abala."

"Uh, well. Yeah, pinasok ko nga ang papel na iyan sa bag mo noong paalis ka na kanina. Sinimplehan ko na lang na hindi ka nakatingin kasi natatakot ako na baka makatanggap na naman ako ng uppercut."

"Uh, all right. Fine. Alam mo na ang number ko. Can I say bye?"

"Ready ka na ba next week? Let's sit together, ah."

Napabuntong-hininga na lang ako. This guy's freaking me out. Parang elementary pupil ito. I was once like that but I already got over it. I mean, kahit paano ay nagma-mature naman ang mga tao.

"Okay. Anything else?"

"Just be my best friend, that's all."

Here we go again with the best friend thing. Wala bang kaibigan itong si Percy since childhood? I've had occasional acquaintances and I don't really take somebody to be my confidant.

"Wait, why?"

"Ano'ng why?"

"Bakit mo ako gustong gawing best friend mo? Hindi naman ako pumayag. Okay lang naman kasi ako na nag-iisa."

"Nagkaroon ka na ba ng isang pinakapaboritong bagay sa buhay mo?"

That question from Percy slammed my heart and made it jump ten feet several times. Ang hinayupak na ito, imbes na sagutin nito ang tanong ko, nagbigay pa ito ng isang katanungan na hindi related sa pinag-uusapan namin. But come to think of it. Nagkaroon na nga ba ako ng isang pinakapaboritong bagay sa buhay ko?

Napatingin ako sa aking lumang cabinet. I pulled one drawer and brought out one notebook. Noong bata pa ako, I loved listening to Mom as she told me bedtime stories at night. At sa susunod na umaga, kukulitin ko si Mama na sabihin sa akin ang nangyari sa kuwento, kasi nakatulugan ko na ito habang sinasalaysay sa akin ang nangyari sa story book.

Mom didn't tell, unless bedtime came again. Doon ko nalaman ang kasunod. I was always excited to hear Mom tell stories. That's why I got inspired and created a storybook of my own. Iyon ang pinakapaborito kong bagay noong bata pa ako.

Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]Where stories live. Discover now