PART ONE

1K 37 0
                                    

PART 1

"Dude, nakikita mo ba yang chicks na yan? Pustahan mapapasakin yan bukas?" Nakangisi kong sabi kay Max.. Kaibigan ko.

"Nakuuu! imposible yan dude.. May syotang talong yan eh. Hindi yan pumapatol sa maning tulad natin. HAHAHAHA!

" sabi niya, pinektusan ko nga.. Panira ng kagwapuhan ko eh.

Nakatambay kami ngayon sa labas, tapat ng bahay namin. Nag ha-hunting ng chicks.

Sa gwapo kong to? Walang tatanggi no.

"Aray naman MONIQUE YVONNE TRILLO! namumuro kana sakin ah? Ano suntukan nalang!?"

Sigaw niya matapos kong mabatukan.

"Nakakadiri ka naman Max! Ako si Nick! Nick.. naiintindihan mo? Wag mokong tawagin sa nakakasukang pangalan na yan kung ayaw mong tawagin din kitang MAXINE FATIMA TRINIDAD." sabi ko.

Nakaka-adwa talagang pakinggan yung buong pangalan ko. Bwisit.

"Tangna, hindi ko kilala yang pangalan na yan! Never ko pang nakikila yan promise!" Naka poker face niyang sabi. Hahaha, ayaw niya lang matawag sa buong pangalan niya eh.

"Tsk. Yun nga Max.. Kilala mo ba yung dumaang chickababe kanina? Parang ngayon ko lang nakita dito sa lugar natin yun ah!" Sabi ko.

Ang ganda niya kase. Simple lang saka mukhang mabait.

"Ah ayun ba? Tsk. Pamangkin ni Aling Selia yun, galing sa Manila." Kaya pala maganda. Sakto! Close kami nun ni Aling Selia..

Makiki epal nga ako para makilala ko siya.

Ang ganda kase talaga niya.

"Ang ganda niya Max. Ibi-break ko yung girlfriend ko ngayon para single na ulit ako." Sabi ko.

Yup, lesbian ako.

Nagkaka-girlfriend..
But never pa akong nahalikan sa lips. Dahil ayoko.
Gusto ko kase sa babaeng mamahalin ko yun ibibigay. Oo. Babaero ako! Marami akong kalandiang babae. Hahaha. Gwapo eh.

"Sus, Nick.. Mas maganda ka pa dun!" Nakakairita na to ah? Gwapo ako! Gwapo.
"Takte ka Max, dika ba talaga titigil?" Saka ko siya binatukan ulit.

"Eh totoo naman. Magandang gwapo! Oh masaya kana?" Sabi niya.

"Ayan, mas ok yan." Nakangisi kong sabi. Si Max ganun din.. Pero hindi siya katulad ko na sa babae lang nag kakagusto. Bisexual siya. Nagkakagusto sa lalaki at sa babae.

Ano bang meron sa mga lalaking yan? Mga manloloko naman..

Oo sabihin nating sa mata ng Diyos tama lang na lalaki at babae ang dapat para sa isat-isa.

Pero pano naman yung mga lalaking walang ibang ginawa kundi manakit ng babae? Karapat dapat pa rin ba sila? Tsk. Buti nalang lalaki din ako.. Na natrap sa katawang babae.
"Dude.. Bukas nalang, alis nako.. Gabi na rin oh? Hinahanap nako ni nanay." Sabi sakin ni Max saka siya tumayo.

Gabi na pala.. Hindi ko man lang namalayan, ang sarap kasing tumambay dito. Lagot ako nito kay kuya.. Tumakas lang ako kanina eh.

"Ge Dude.. Ingat ka sa daan baka bukas babae kana ha. Hahaha." Asar ko sakaniya.

"Gago, babae naman talaga ako.. Half-half nga lang! HAHAHA!" nagtawanan muna kami bago siya tuluyang umuwi sakanila.

Maganda si Max, pambabaeng damit pa rin naman yung suot niya kaya hindi halatang tomboy yung gagong yun. Buti nga hindi ako nagkakagusto dun.. Yuck! Hindi kami talo.

Ako kase.. Malalaking shirt at maong ang suot ko. Halos lahat na nga ng gamit ko panglalaki na. Tanggap naman na sa bahay na ganun ako, si kuya at mama lang ang kasama ko sa bahay. Si papa? Psh.. Wag niyo nang alamin, wala siyang kwentang lalaki. Kaya ayoko sa mga katulad niya eh, mga lalaking walang responsibilidad.. Walang kwentang ama.

Behind That ShirtWhere stories live. Discover now