PART FIVE - B

327 22 0
                                    

PART 5-B

"Kyaaaaaaah! Number 24 nayan!"

"Wooo. Go kaya niyo yan!"

"Witwiw. Sexy niyo. Sakin nalang yung number 6!"

"Go Yvonne! Kaya mo yan anak! Ang ganda ganda mo diyan!"

Tss. Kung alam ko lang.

Ito na.. Malapit ng i- announce kung sino ang winner. Expected ko namang hindi ako mananalo. Hahahaaha.

"The winner for this event will be the Ms. Brgy. Santa Fatima 2018. And she is candidate number...."

Dumagundong yung music.

Hindi ako yan. Ni wala nga kong interest dito. Wala ako sa wisyo kaya hindi ako yan. Wala rin naman akong balak ipanalo to. Dahil ginawa ko to para kay mama lang. "Candidate number... 6!"

Hmm? Tama ako diba. Tsk.

- - - - -

Haaays. Naalala ko pa rin yung mga nangyari kahapon.

Hahahaha. Sabi na hindi ako mananalo. May kunting paghihinayang sakin pero ok na rin.. At least nagawa ko yun para pasayahin si mama.

Pagtapos din kase ng contest, si Zach agad yung bumungad sakin sa back stage. Sinabi niyang ok lang daw yun dahil para sakaniya ako yung panalo. Tsssss.

NAKAKADIRI!

Saka tangna. Hindi ko makalimutan yung kalapastanganan niyang ginawa sakin kahapon. HINALIKAN NIYA AKO! kaya hindi ako maka concentrate sa pageant dahil sa isiping yun!

Haaays. Pano nako nito? Na saan na yung pangako ko na para sa babaeng mahal ko to ibibigay kung nakuha na ng mag nanakaw at hinayupak nalalaking yun.

Yung first kiss kooooooo! SA LALAKI NAPUNTA? PUTAAA!

"Anak. Labas na diyan! May bisita ka. Yiee." Tsk. Sa 'yiee' palang ni mama alam ko na kung sino. Takte.

"Ayoko ma. Tinatamad akong bumangon. Mamaya na lang ako kakain." Ayokong makita yung lalaking yun.

"Hala anak? Hindi pwede! Lalabas ka diyan o sisirain ko tong pinto mo?" Ayan na.

Magagalit na naman siya sakin. Tsk. "Oona! Oona ma! Susunod ako." Bwisit kang Zach ka! Anong pinakain mo sa mama ko bakit nagkakaganito siya? Kakamot-kamot akong naglakad papuntang Cr ng kwarto ko.

Tsk! Ayoko na talagang makita pa yung lalaking yun!

Pagtapos kong mag ayos. Bumaba nako. Binagalan ko talaga baka sakaling wala na siya pag nakababa nako e.

Pero hindi ko inaasahang pagbaba ko ay makakakita ako ng lalaking walang damit pang itaas, pawisan at nagpupunas ng sahig.

Ilang minuto pakong tulala sa.. Ehem ehem.. sa six pack abs niya.

WHAAAAT? ANONG SABI KO! WALA KONG SINABING MAY ABS SIYA! MALI LANG KAYO NG BASA! WALANG ABS ANG LALAKING TO! PURO TABA! YAAAAAK!

"Andyan kana pala baby tombi ko. Na saan yung morning kiss ko? Lapit ka sakin dali bibigyan kita."

TANGNA! KABADO AGAD AKO NG BIGLA SIYANG LUMAPIT SAKIN.

"Lumayo ka ngaaaa! Ngudngud kita sa pader eh. Nakakadiri kang bakla ka!" Sabay tulak ko.

"Bakla man ako sayong paningin nakakabuntis din. Hahahaha!" Saka siya tumawa ng malakas.

"Umalis ka sa daanan ko! Ang baho mo! Tabi!" Saka ko siya tinulak tulak. Kadiri puro pawis. Dugyot.

Behind That ShirtWhere stories live. Discover now