PART FIVE - C

296 24 0
                                    

PART 5-C

Nagmadali akong lumabas.

Ilang minutong tulala ako sa loob ng bahay bago pumasok sa isip kong sundan si Hannah.

Nasaktan ko siya..

Siya dapat yung nasa katayuan ko eh. Siya dapat yung hinahabol at sinusundan lagi ni Zach.

Diba sabi ko tutulungan ko si Hannah? Pero ano tong ginagawa ko? Bakit pakiramdam ko nag eenjoy nakong kasama siya? Kausap siya? At gusto ko laging makita siya.. Si Zach.

Mali to. Kailangan ko ng itigil to. Nakarating akong bahay nila Hannah. Kinatok ko yun at si Aling Selia ang nagbukas.

"Nick? Anong ginagawa mo dito ineng?" Tanong niya.

"Andiyan po ba si Hannah? Pwede ko po bang makausap siya?" Tanong ko.

"Hala Nick, umalis eh. Kanina pa. Bakit?"

"Po? Ah wala po, hahahha. May gusto lang po akong sabihin sakaniya. Sige po alis nako."

Nagmadali akong umalis matapos kong magpa alam. Isa lang ang alam kong maari niyang puntahan.. Sa The Plaza.

Nang magpunta ako dun.. Nakita ko siyang nakaupo sa pinaka dulong hagdan. Umiiyak.

Lumapit ako.

Habang tinititigan ko siya sa malayo.. Nakakaramdam ako ng awa.. Sakit.. At selos. Ewan. Halo halo na.

Napatigil ako sa paglalakad ng may sumulpot nalang bigla sa harap ni Hannah.

Naka side view sila sa paningin ko kaya kitang kita ko kung sinong lalaki yung lumapit kay Hannah..

Zach.

Hindi nila ako nakikita dahil medyo malayo pa ako, pero rinig ko sila. Anong ginagawa ng hinayupak na yan dito?

Umiiyak na nga si Hannah dahil sakaniya ang lakas pa ng loob na lumapit eh. Pinakinggan ko lang sila. Nakatayo lang ako dun.

"Hannah.." Si Zach.

Lumingon si Hannah sa kaniya.

"A-anong ginagawa mo dito?" Si Hannah habang umiiyak pa rin. Namumula na yung ilong niya sa sobrang pag kaiyak.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Balik tanong ni Zach. Nakatayo pa rin siya dun..

"Wala. U-umalis kana." Maya maya lang may inilabas na panyo si Zach at ibinigay kay Hannah.

Habang pinapanood ko sila sa ganun sitwasyon.. Hindi ko maintindihan o ma explain kung ano tong nararamdaman ko.

Nalilito nako.. Hindi ko na maintindihan kung kanino ba talaga tong nararamdaman ko, kase aamin ko.. Nasasayahan akong ganun si Zach sakin.. Napapasaya niya ako kahit nakakainis na.. Pero, gusto ko si Hannah! Totoong gusto ko siya! Dahil hindi ko mararamdamang nasasaktan ako sa tuwing umiiyak siya kung wala akong nararamdaman para sakaniya!

Pero ganun din kay Zach.. Meron sa part ko na kinikilig kay Zach.. Na nasasaktan ako kapag magkalapit sila ni Hannah.

HINDI KO NA TALAGA MAINTINDIHAN! PAKSHET.

"Huwag ka ng umiyak Hannah. Please.." Si Zach.

"P-paanong hindi ako iiyak Zach? Kung yung taong gusto ko.. M-may gusto ng iba, na masaya na siya. Diba.. D-diba Zach, alam mo namang ikaw lang.. Ikaw lang yung ginusto ko. Bakit siya pa? B-bakit si Monique pa Zach! Siguro nga.. K-kailangan ko ng itigil to.. Masaya kana siguro Zach. N-nakita mo na yung babaeng sinasabi mo sakin.. Si M-monique yun diba?" Si Hannah.

Behind That ShirtWhere stories live. Discover now