PART EIGHT

317 22 0
                                    

PART 8

"Nick.. Pwede ka bang mautusan saglit? Paki bili mo naman ako diyan sa tindahan ng isang boteng toyo oh, nakalimutan kong bumili kanina e. Hindi ko naman maiwanan yung niluluto ko. Ok lang ba?"

"Opo tita." Sagot ko. Ibinigay niya sakin yung perang pambili. Saka ako lumabas ng bahay.

Malapit lang naman yung tindahan dito kaya ok lang. Habang nabili ako.. May biglang kumulbit sa balikat ko..

Kaya nilingon ko yun.. At.. Isang maputi at matangkad na lalaki ang nabungaran ko.

"Clenn? Uy toooool! Kamusta? Abaaa.. Tumangkad ka ah, dati payasong pototoy ka lang. Hahahahaha. Grabe, namiss kita tol!" Sabi ko sa kababata kong nangibang bansa dati.

"Hahahaha. Gagu, wala ka paring pinagbago.. Siraulo ka pa rin. Hahahaha. May pasalubong ako sayo.. Si Max na saan?" Tanong niya. Kaming tatlo kase ang magkakaibigan since bata pa kami. Kaso iniwan kami ng gagung to eh.

"Ayun nasa bahay nila, mamaya babalitaan ko nalang siya.. Hahahahaha! Sabihin ko andito na yung lablab niya. Yieeee. Hahahaha!" Pang aasar ko. Hahaha. Ang sarap kase nilang asarin noon, puro kase bangayan.

"Gagu di ako napatol sa lalaking may dede. Hahaha!"

"Tarantado ka. Sumbong kita dun. Hahahahaha!"

Habang nagtatawanan kami.. Nagulat nalang ako nakahiga na sa sahig si Clenn..

Tiningnan ko kung sino yung sumapak sakaniya. At ang walang hiya.. Ang sama ng tingin sakin! Eh kung sapakin ko rin kaya siya? Tangna to ah.

Nilapitan ko si Clenn.

"Hala ok ka lang?" Sabi ko saka inalalayan siyang tumayo.

"Putcha! Sino ka bang gago ka!? Bakit ka ba nanapak!" Sigaw ni Clenn.. Dumudugo na yung labi niya.

"Wala kang pake gago ka rin! Pwede ba wag mong malapit-lapitan si Monique? Nakakairita kang tarantado ka." Nakangising sagot ni Zach.

"Aba't gago ka ah!" Susugod sana si Clenn kay Zach pero gunitna nako at hinarap si Zach.

"Ano ba!? Itigil niyo nga yan. Mga gago kayo. Saka ikaw.. Bakit ka ba nandito?" Seryoso kong sabi kay Zach.

"Hanep.. Isa ka rin eh. Alam mo bang alalang alala na yung pamilya mo dun, tapos ikaw nandito lang at nakikipaglandian? Ganyan kana ba talaga kamanhid Monique ha? Nasasaktan mo na kami! Lalong lalo na yung pamilya mo! Kung galit ka sakanila.. Wag ganito, wag ganitong pinagtataguan mo sila habang hindi na sila magkanda ugaga sa kakahanap sayo!" Galit niyang sigaw.

"Haha.. Grabe.. Sino bakasing may sabing hanapin niyo ko?" Ngisi kong sabi. Yung galit ko.. Lalong umuusbong ng marinig ko ang lahat ng sinabi niya.

WALA SIYANG KARAPATAN PARA HUSGAHAN AKO! BAKIT? ALAM NIYA RIN BANG NASASAKTAN AKO? LALONG LALO NA.. SAKANIYA!? TANGNA NIYA TO THE CORE!

"Hanep ka rin eh.. Bago mo sana ako husgahan sana tinanong mo muna kung bakit ako nagtatago,kung bakit ako nagkakaganito. Wala kang alam Zach." Seryoso kong sabi.

"Walang alam? Ha! Alam ko lahat Monique! Kaya pwede ba itigil mo na to at bumalik kana sa pamilya mo." Sabi niya.

"Gago ka. Ano bang alam mo?" Tanong ko.

Tingnan natin kung marami ka ngang alam gagu ka.

Bakit? Alam mo bang nasasaktan moko? Tangna mo.

Makita nga lang kita.. Naalala ko ulit yun.

"Bakit kailangan ko pang sabi-"

"DAHIL GAGO KA! hindi mo alam kung ano pinagdadaanan ko kaya wala kang alam! Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko, kung anong nangyayari sakin! Zach kahit kailan hindi ako magagalit sa pamilya ko.. Sa inyo! Ayoko lang munang makita kayo, hindi ko pa kaya Zach.. Nasasaktan pa ko.. Nasasaktan pa rin ako kapag naalala ko lahat! Akala mo ba nagsasaya ko dito? Tangna mong gago ka.."

Behind That ShirtWhere stories live. Discover now