PART SEVEN

304 23 0
                                    

PART 7

HIS P.O.V

"Nagkakamali ka Hannah.. Dahil sa simula palang ikaw na yung mahal ko. Ginagawa ko lang yun kay Nick.. dahil na iinis ako. Ayokong magkagusto siya sayo.. Alam kong dun ang bagsak nun. Ayokong mapalapit ka sakaniya. Ginawa ko yun para yung atensyon niya na dapat para sayo ay malipat sakin. Para hindi ka niya guluhin.. Pero.."

Malungkot kong tinitigan si Hannah.. Umiiyak pa rin kase siya hanggang ngayon. Ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak dahil sakin.

Oo lokoloko ako.. Pero kahit kailan hindi ko hahayaang may umiyak na babae ng dahil sakin.

"Pero Hannah.. Sorry. Dahil yung pagmamahal na iniingatan ko namang para sayo ay napunta sa kaniya. Oo nga at nagtagumpay akong mapunta sakin yung atensyon niya, pero habang tumatagal nahuhulog nako Hannah.. Sorry kase hindi ako matibay para alagaan yung pagmamahal na meron ako sayo nun. Sana patawarin moko kase hindi ko sinabi sayo agad. Siguro nga tayo na kung nasabi ko sayo ng maaga, pero hindi ko akalaing makikila ko siya at sa mabilis na panahon ,siya na pala sinisigaw nitong puso ko."

Napatungo ako habang naririnig ang mga hikbi niya. Naawa ako.

"Hahahaha. O-ok lang Zach. Sa una palang naman nasabi mo na saking may hinahanap kang babae. Iyon yung kababata mong pinangakuan mo diba? A-ano bang panlaban ko dun diba kung kapatid lang ako ng kaibigan mo. Hahahaha. P-pero hindi ko akalaing mag kakagusto ka kay Nick. Hindi naman siya yung kababata mo eh."

Napatingin ako sakaniya.

"Oonga. Pero anong magagawa ko kung sakaniya na ko nahulog? Kung yung taong hinahanap ko ayaw magpakita at siya andiyan lang.. Mas pipiliin ko ng makasama siya kaysa magsisi pa ako sa huli." Saka ako napangiti ng maalala ko si.. Monique. Yung baby tombi ko.

Langya, maalala ko lang mukha niya kinikilig nako! Shetness.

Parang yung puso ko nagsasalita. Sabi..

Tombi. Tombi. Tombi. Tombi.

Waaaa! Ang korni ko na. Kabadingan ko!

"Hahahaha. Nakikita ko nga. Zach thank you ha. At least masaya nakong malamang minahal mo rin ako. Hindi nako hahadlang sa love story niyo. Hahahaha. Kilala mo ko Zach.. Hindi ako ganung tao." Nakangiti na niyang sabi.

Tumigil na rin siya sa pag iyak, pero namumula pa rin siya.

"Hahahaha. Kaya kita nagustuhan eh. Yang ganyang side mo. Yung mas uunahin mo pa yung iba kaysa sa sarili mo. Wag ka mag alala Hannah.. Hindi man ako yung Perfect guy para sayo, pero may Right guy na darating para magmahal sayo. Yung deserve para sa pagmamahal na ibibigay mo. Halika na, umuwi na tayo." Sabi ko sakaniya.

Tsk. Excited nako para bukas eh! Hahahahaha. Manliligaw na kase ako kay baby tombi ko. Waaa! Kinikilig ako takte! Habang naglalakad kami sa daan ni Hannah..

"Hey.. Bakla na ba Hannah kapag kinikilig ang lalaki? Eeeh! Kinikilig kase ako kay Monique. Pero siya.. Wala man lang reaksyon. Tas tinataboy pa ko lagi! Tsk. Nakakainis yung tomboy na yun. Akala mo lagi may alipunga at putok ako eh, lagi niya kase ako pinapaalis." Parang batang sumbong ko sakaniya.

"Hahahaha. Ang swerte nga ni Nick kase may lalaking nababaliw sakaniya tulad mo."

"Mali. Ang swerte ko kase nakilala ko si Tombi.. Hahahahahaha! Anubayaaan! Kinikilig ako hannah. Kahit ganun kase siya sakin..gusto ko parin lagi siyang nakikita. Yung reaksyon niya, yung pangaasar niya sakin,yung boses niyang akala mo lalaki, yung nakakunot noo laging mukha niya. Waaaa! Tapos laging pumapasok sa isip ko yung scene na nagkiss kame! Pucha nakakabakla!" Namumula na ata ako takte.

Behind That ShirtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon