PART FIVE - A

320 24 1
                                    

PART 5-A

Yung gabing rin yun, hindi ako nakatulog, kaya paggising ko sa umaga mukha nakong zombie.

"Hala bunsoy! Sino pinagpupuyatan mo? Lalaki ba yan? Si ano ba yan.. Ano ba pangalan nun? Zach ba? Hahhahahaha. Aray!"

Binato ko siya ng basahang nahawakan ko pagbaba ko sa hagdan.

"Wala kang pakelam kuya!"

Dumeretso akong kusina at kumain. Mamaya..

May lakad kami ni Max. Ewan ko kung saan.. Basta nag chat nalang sakin na may pupuntahan kami.

"Hello world! Andito na ang pinaka gwapo!" Ayan na pala si Max.

Pinaka gwapo? Pero nakadress? Tsk. "Tumahimik ka nga. San ba tayo pupunta? Ang aga aga nambubulabog ka."

"Bilisan mo nalang. Magbihis ka ng maayos ha. Wag yung ang laki laki na naman ng damit mo. Nagmumukha kang bololoy eh."

Bololoy? Tanga nito.

"Sapakin kaya kita? Nangengelam ka. Wala kang paki kung ano isuot ko!" Sigaw ko sakaniya.

"Oona. Oona. Tsk, laging high blood." Bulong niya.

Matapos kong makapag bihis. Hindi ko sinunod si Max. Basta kung ano na lang mahigit kong damit. Pare-preho lang naman, malalaki. Bumaba nako. Nagtataka ako kung bakit may bag pack na dala tong si Max.

"Bat may dala ka niyan?" Tanong ko sabay turo sa bag.

"Ha? Wala lang.. Props. Kunwari may laman." Nakangisi niyang sabi. May something akong naaamoy sa tomboy na to eh. Hmm..

"Talaga lang ah. San ba tayo pupunta?" Tanong ko habang naglalakad na kami palabas ng bahay.

"Basta! Wag ng maraming tanong!" Binatukan ko nga.

"Aray! Bakit ba?" Tanong niya.

"Kapag ito kagaguhan lang patay ka sakin." Sabi ko. May pakiramdam talaga akong hindi maganda eh.

"Ano bang pinagiisip mo? Bakit naman kita ilalaglag? Bestfriend kaya kita!" Nakangiti niyang sabi.

Habang naglalakad kami, napansin kong nakarating kaming kabilang bayan. Anong gagawin namin dito?

Bakit maraming tao?

"Anong meron dito Max?" Tanong ko.

"Fiesta dito sa kabilang bayan. May pa contest si mayor! Hahaha."

"Anong contest?" Tanong ko.

"Ha? Ahm.. Basta! Tara dun manonood tayo. Maraming Chicks dito." Hinigit na niya ako at nakipagsiksikan sa maraming tao.

Nakarating kami sa likod ng malaking entablado. Yup. May stage kasi dito sa may gitna.

Nagtataka ako kung bakit.. Ang daming babaeng magaganda? Wow. Sexy naman ng mga to!

Busog mata ko dito ah? Tama lang pala na sumama ako kay Max. Yey!

"Hello. Ahm.. Ikaw na ba si Monique Yvonne Trillo? Halika ma'am, sama ka sakin." May babaeng biglang sumulpot sa harapan namin.

"Opo! Siya po yun. Monique kunin mo to. Good luck! Galingan mo ha? Cheer kita!" Sabay abot sakin ng bag pack niya at saka tatakbo siya palabas.

Teka.. Ano to?

Set up ba to?

"H-hoy.. Max san ka pupunta! Wag mokong iwan dito!"

"Miss Trillo. Sama kana sakin, ayusan na kita. Mag sisismula na kase."

Behind That ShirtHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin