PART FOUR - C

329 22 0
                                    

PART 4-C

Ito na.

Nakikita ko na siya.. Si Hannah.

Grabe nakaka kaba pala talaga kapag alam mong makasama mo yung taong gusto mo. Excited at kinakabahan ako.

Matapos kasi ako ihatid ni Zach papunta sa lugar kung saan nag aantay daw si Hannah sakin.

Grabe.. Tinotoo talaga ng kumag na yun. Akala ko joke lang talaga. Hindi nga ko naniwala nung una eh.

Pero matapos kong marinig mula sakaniya na hindi naman talaga siya manliligaw ni Hannah. Nagkaroon ako ng lakas ng loob para umamin. At alam kong walang pag asa.. Dahil alam kong hindi siya papatol sakin, sa katulad ko.

Pero kahit 1% chance lang meron ako.. Pagpapatuloy ko pa rin. Dahil chance pa rin ang matatawag dun kahit konti.

Ewan ko ba. Tinamaan ako kay Hannah eh.

Nang makalapit ako.

"Hannah."

Lumingon siya at ngumiti sakin..

Ang ganda niya. Bakit lagi nilang sinabi na mas maganda ako kay Hannah? Eh para sakin mas maganda pa siya.

"Sabi ni Zach sakin may gusto ka daw sabihin? Ano yun Nick? Hahaha. At dito mo pa napili sabihin.. Ang ganda ng view dito."

Andito kami ngayon sa The Plaza.. Kung saan maraming bata ang naglalaro. Malawak at mapresko dito. Hindi na mainit dahil pahapon na rin kase.

Malay ko sa lalaking yun, siya nagsabi kay Hannah na dito pumunta.

Umupo kami dun sa ilalim ng malaking rebulto ni Rizal kung saan may hagdaan na nakapalibot sa rebulto at pwede mong upuan.

"Ahm.. Hannah, may gusto kasi akong sabihin at aminin sayo eh. Hahaha. Pero bago yun.. Nalaman kong hindi pala nanliligaw sayo si Zach? Akala ko kasi... " nahihiya kong sabi.

Ngayon mismo.. Aamin nako sakaniya. Ano man maging desisyon niya wala akong pakelam.

"Hahaha. Oo Nick, akala ko rin eh. Pero Nick.. May aaminin rin kase ako sayo." Seryoso niyang sabi.

What? Ano kaya yun? Tungkol ba sakin? "Ha? Ano naman yun?" Tanong ko.

"Secret lang natin to ha. Pero ikaw muna. May gusto kang sabihin diba?" Sabi niya sakin.

"Naku hindi.. Kaw na mauna, hahaha. Ok lang sakin." Sabi ko.

"Ang swerte mo Nick.." Matamlay niyang sabi. Nakangiti siya pero malungkot yung mga mata niya.. May problema ba to? "Ha? Bakit naman?" Tanong ko.

"Dahil kahit papaano.. Close kayo ni Zach. Naiinggit kase ako sayo. Alam mo bang matagal ko ng gusto si Zach?" Nakangiti niyang sabi. Habang ako..

Nakatingin lang sakaniya. Para akong binagsakan ng malaking tipak ng bato sa ulo.

May gusto siya kay Zach? Paano nako nito? Dapat ko pa bang ituloy to? Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Nasasaktan ako..

"H-ha?" Nasabi ko nalang. Yung confidence ko sa sarili nawala na. Kahit wala palang gawin ang lalaking yun.. Siya parin yung gusto.

"Oo Nick, gusto ko siya.. Matagal na. Unang pinakilala sakin ni kuya si Zach, nagkagusto nako. Pero kase.. Hindi niya ako napapansin bilang babae. Kapatid lang kase yung tingin niya sakin eh. Hahaha. Ang sakit Nick." Garagal na ang boses na sabi niya. Naaawa ako, dahil nararamdaman kong nasasaktan siya..

Pero paano naman ako? Mas nasasaktan ako. Ako yung kaharap niya oh?

"Kaya nga nung nagbakasyon siya dito. Sobrang saya ko. Dahil alam kong makakasama ko siya, wala si kuya eh." Sabi niya.

Behind That ShirtWhere stories live. Discover now