PART SIX

300 23 0
                                    

PART 6

Nai-kwento ko lahat kay Max ang problemang meron ako.

Ngayon.. Sakanila muna ako nakitulog. Pang apat na araw ko na ngayon dito. Nung gabing sobrang pinagbagsakan ako ng langit..

Hindi ko na halos maigalaw yung katawan ko sa sobra-sobrang emosyong nailabas ko.

Nakapikit ako habang nakahiga sa kamang pansamantalang akin habang nandito ako.

Mabuti nalang mabait ang nanay ni Max. Kilala na rin kase nila ako. Walang kapatid si Max kaya ok lang sa nanay niya na dumito muna ako.

Gising ako. Kanina pa ako gising kaso tinatamad pa akong bumangon para mag almusal. Kanina pa nga rin ako tinatawag ni Max, pero wala talaga akong gana.

Maya maya lang may naramdaman akong tumutulong mainit na tubig na nagmumula sa aking mga mata. Umiiyak na naman pala ako.. Kelan ba to mauubos?

Nakakabakla na pakshet.

Sobrang aga pa kase para makalimutan ko lahat. Sa bawat araw na gigising ako parang kahapon lang nangyari yun. Nasasaktan pa rin ako.

Nasabi rin sakin ni Max na pinaghahanap ako nila mama at kuya. Nag punta pa nga si kuya rito eh, pero sinabi kong wag na wag nilang sasabihing nandito ako sa bahay nila, dahil ayoko pa.. Hindi ko pa kayang makita kahit sino sakanila.

Wala akong balak mag stay rito, babalik rin ako sa bahay.. Kila mama pero hindi muna sa ngayong mahina pa ako.

Promise mama.. Kapag naka recover na puso ko, babalik rin ako sa bahay. Hindi ako galit sa inyo ni kuya.. Kahit kailan hinding hindi ako magagalit sa inyo.

Nasaktan lang ako sa isiping nagsinungaling kayo sakin.

Nakakausap niyo pa rin pala ang lalaking yun ng hindi ko nalalaman. And worse nakakatapak pa siya sa bahay.

Yung groceries.. Sure akong sakaniya nanggagaling yun. Pati na rin ang mga bagong gamit.

Ano? Matapos niyang magsawa sa babae niya may gana pa siyang bumalik at magpakita sa bahay? Ang kapal ng pagmumukha niya!

Nang makita ko ulit siya matapos ng maraming taong hindi ko siya nakikita, dahil wala akong balak magpakita at kamustahin kung anong buhay meron na siya..

Nakaramdam ako ng pagkasabik.. Namiss ko yung dating pards ko. Yung wala kaming iniintindi kundi laro,kulitan at asaran lang.

Kaso nasira yun ng dumating sa bahay isang araw ang babaeng sisira sa pamilya naming masaya.

Tsk. Ayoko ng magisip pa. Mas lalo lang akong nasasaktan.

Makakain na ngalang! Nagugutom nako. Matapos kong pumunta sa kusina at kumain, wala kaming ginawa maghapon ni Max kundi manood ng anime sa bahay nila. At least sa paraang yun, wala kong ibang iniisip na bagay bagay sa paligid o mga pangyayari sa buhay ko.

Nang mag alas dose na ng gabi.. Naisipan naming matulog na, sumasakit na rin yung mata ko kase babad sa tv.

Pahiga palang sana ako sa kama ng bumukas yung pinto, pumasok si Max.

"Oh, hindi ka pa matutulog?" Tanong ko. Dumapa siya sa kama ko at pumikit.

"Mamaya na, may gusto pa kase akong itanong sayo."

Humiga rin ako sa tabi niya.

"Ano naman yun? Chichismis ka lang e." Sabi ko.

Mahina siyang tumawa. Nung minulat niya ang kanyang mga mata.. Tinitigan niya ko. "Nagagwapuhan ka na ba sakin Max?"

Nakangisi kong tanong. Kung makatitig kase.

"Hindi. Maganda ka nga para sakin." Sabi niya.

Binatukan ko siya. "Aray! Grabe ka naman.. Nasa bahay ko na nga ikaw, ikaw pa tong may ganang mambatok. Palayasin kita e." Poker face niyang sabi.

Tinawanan ko nalang siya.

"Ano ba kase gusto mong malaman? Naikwento ko naman sayo lahat ah?" Maliban lang sa isang bagay.. Na ako lang dapat ang makaalam.

"May nararamdaman ka na ba kay Zach? Nagkakagusto kana ba sakaniya Nick? Sa mga kinukwento mo kase.. Feeling ko nagiging ganap na babae kana. Hindi pa nga kita nakikitang grabe kung umiyak. Yun lang araw na yun." Seryoso niyang sabi.

Sabi ko na eh. Iyon ang itatanong niya.

"Max.. Kapag nagkakagusto ka sa babae at lalaki, anong mas lumalamang para sayo?" Tanong ko. Hindi pa naman ako siguradong nahuhulog ng tuluyan sa lalaking yun.

"Ako? Hmm.. Nagagandahan at nagkaka crush ako sa mga babae. Pero hindi umaabot sa puntong kinikilig ako, nasasayahan ako, na nagugustuhan ko na sila. Dahil sa mga lalaki ko nararamdaman yun. Ang hirap Nick, ang hirap maging ganito.. Hindi mo malaman kung ano talagang nilalaman ng puso mo. Katulad mo Nick, nalilito rin ako.."

Nagkatitigan kami, saka unti-unting nagngisian hanggang sa nauwi sa tawa na yun.

"Grabe no Nick.. Satin pa talagang dalawa na punta to."

"Oonga. Pero Max.. Yung tanong mo kanina, mukhang may sagot nako."

Nagkakamali ka Max.. Alam ko sa unang kita ko palang sakaniya, alam ko na kung ano ako. Hindi ko man aminin pero may nararamdaman nako para sakaniya..

Alam kong nahuhulog nako sa lalaking yun.

***

-Momo

Behind That ShirtWhere stories live. Discover now