PART FOUR - B

321 25 2
                                    

PART 4-B

"Para kang tanga Nick. Ano bang nangyayari sayo? May namatay ba?" Si Max. Andito ulit kami sa tambayan namin. Syempre san pa ba?

Edi sa tapat ng bahay namin. Tsk. Ewan ko, kahapon pa ako wala sa sarili.

"Wala to." Sabi ko nalang.

"Yeees! Nagdadalaga na siya! Hahaha." Binatukan ko nga.

"Wag kang ano dyan, sarap mo sipain." Sabi ko.

"Aray. Tsk, ano ba kasing problema mo? Kung yung tungkol sa kahapon yan.. Pwede ba! Ang daming babae dyan, mamili ka nalang!" Sabi niya.

"Wala kang magagawa Max. Siya gusto ko eh." Matamlay na sabi ko. Simula kasi nung nangyari yun.. Medyo ilag nako, hindi nako nagpupunta dun sa tindahan ni Aling Selia. May isang tao kasing ayoko makita.. Kumukulo dugo ko kapag nakikita miski likod nun eh.

"Ewan ko sayo Nick.. Saka wag kang magagalit ah, may napapansin kasi ako sayo.. Kapag nakikita ko kasi kayong magkatabi ni Zach, namumula ka? Kinikilig ka ba?"

Tiningnan ko siya ng masama saka siya sinipa. Hindi totoo yun! Nakakadiri talaga takte.

"Hindi no. Namumula ako sa inis! Yang mata mo may sira na eh. Kung ano ano napapansin." Sabi ko.

"Hahaha. Joke lang! Naniwala ka naman.. Pero Nick, ang swerte mong tomboy ka ha, ang gwapo kaya ni Zach tas sinasabihan ka ng mga nakakakilig. Kung ako lang dun.." Nagniningning niyang sabi.

"Ako nakakahalata na Max ah.. Bakit mo ba ako pinagduduldulan dun sa panget na yun? Buong buhay ko diko papangaraping magkagusto sa lalaki. Dahil lalaki ako tanga." Saka ko siya binatukan.

"Ako rin nakakahalata na Nick.. Bat lagi mokong binabatukan? Nakakainis kana ah!" Hahaha. Tanga talaga nito, ngayon niya lang napansin.

Nagkwentuhan pa kami dun hanggang sa mag gabi na. Pumasok nako sa bahay ng magpa alam na si Max na uuwi na siya.

Pag pasok ko nakita ko si Kuya na maraming dalang groceries. San niya nakuha ang ganitong kadaming pera? Eh alam ko namang walang trabaho si kuya.

"San galing yan?" Tanong ko.

"Ha? Bunsoy.. A-ah, inutang ko lang yan sa kaibigan ko. Oo, tama, sa kaibigan ko." Sabay kamot sa batok. Hindi siya makatingin sakin, alam kong may tinatago si kuya pero.. Hinayaan ko nalang. Wala akong pake kung kanino galing yan.

Matapos kong gawin lahat ng routine ko bago matulog humiga na ako sa kama. Kinuha yung cellphone tas stalk si Hannah.

Hanggang stalk nalang ako sa fb. Bwisit. Gusto ko siyang puntahan kaso nakakainis lang kung may eepal na naman.

Tumunog yung phone, may nag message.

' baby Tombi.'

Seen ko lang yun. Tss. Si epalugs mang aasar na naman. Bakit ba ako ang trip na trip nitong asarin! Ang sarap niyang bangasan.

'Seen lang? Galit ka ba Tombi?'

Seen.

'Ouch. Galit nga siya.'

Seen.

'Oy. Sorry na.'

Seen.

'Sorry na Baby ko.'

Seen.

'Labyu.'

Seen.

'Tsk. Hoooy.'

Seen.

'Re rape-in kita bukas tamo.'

Seen. Kadiri.

Behind That ShirtWhere stories live. Discover now