PART FOUR - A

349 27 2
                                    

PART 4-A

Kinabukasan, sinadya kong maagang gumising para tumambay sa tapat ng tindahan nina Aling Selia. Kunwari bibili ako. Hahaha! Nakita ko kasing si Hannah yung nagbabantay.

"Pabili ako."

"Ano yun? Uy, Nick. Hahaha. Anong bibilhin mo?" Nakangiti niyang sabi. Ang ganda niya talaga.

"Yung pagmamahal mo.. Pede ba?" Nakangisi kong sabi.

"Hahaha. Ikaw talaga puro biro. " sabi niya sabay tawa ulit.

Pakshet. Ang ganda talaga niya! Siguro kung nakikita ko yung mukha ko sa salamin, nagniningning na yung mga mata ko.

"Hahaha. Iyon nga." Itinuro ko yung tagpipisong makakain. Boy bawang ba to? Yung parang batong mais.

Isusubo ko pa lang sana yung isang piraso ng batong mais pero may kamay na humawak sa kamay kong may batong mais at isinubo yun sa bunganga niya.. At dahil sa gulat ko, hindi ko sinasadyang nadampi yung hintuturo ko sa lower lip niya. Ang.. ang lambot.

Teka.. Ansabe ko? Tsk. Tumingala ako para tingnan kung sino yun.. Tangkad eh.

at ang walanghiya.. SI EPALUGS NA NAMAN! LAGI NALANG PANIRA TONG MUKHANG ASONG LALAKING TO.

Tinulak ko siya. "Lumayo ka nga sakin! Kadiri may virus na tong daliri ko. Bakit ka ba nandito? Umalis ka nga, epal ka eh." Sabi ko kay Zach.

"Ayoko nga. Hindi naman ikaw pinunta ko dito, si Hannah kaya. Eh ikaw, anong ginagawa mo dito? Wag mo sabihing dinadalaw mo si Hannah ko?" Nakataas ang kilay na sabi ng panget na to.

"Tss. Wala ka na dun. Sige na Hannah, alis nako. Kailangan kong maghugas ng kamay eh.. Baka maging zombie ako nito. May virus na kase niyang pesteng asong yan!" Sabay turo kay Zach.

Ang kapal ng mukha, hindi ko manlang natikman yung Boy bawang.. Inubos na niya eh!

Ako nakakahalata na ha, konting-konti nalang mapapatay ko na tong patay gutom na lalaking to. Nakakadiri takte.

Umalis ako dun na badtrip, tsk. Imbis na masaya ako dahil nakausap ko si Hannah at napatawa pa.. Pero umepal na naman yun, kaya panget na naman ng araw ko!
Psh.

- - -

"Hi Hannah, san punta mo? Samahan na kita." Wow. Ang swerte ko namang ngayon araw! Hahaha. Kinikilig ako takte.

Pauwi pa lang sana ako galing sa panonood ng liga kasama si Max, nang makita kong naglalakad mag isa si Hannah. Kaya nilapitan ko.

"Ikaw pala Nick.. Balak ko sanang pumunta dun sa court may liga daw, manonood sana ako kaso mukhang tapos na eh." Nakangiwi niyang sabi.

"Ah, oo nga. Kakarating ko nga lang dun eh. Ahm, Gusto mo.. gusto mo bang ipasyal kita? Marami- "

"Tsk. Bakit siya lang niyaya mo? Nagtatampo na talaga ako sayo baby." Nakalabing sabi ni Zach sakin. Tsk! Nakaka adwa, parang bakla ang puta!

Haays. Epal na naman to sa love story ko eh!

"Putakte. Alisin mo nga yang kamay mo! Nakakadiri ka." Naka akbay kase siya sakin.

"Tara Hannah, papasyal kita. Wag mo pansin yang pesteng yan." Sabi ko. hahawakan ko sana yung kamay niya ng maunahan ako ni Zach. Kaya sila yung magka holding hands. Tss.

"Hahaha. Cha-chansingan mo pa magiging girlfriend ko ha! Hoy Tombi.. wag si Hannah, naiintindahan mo?"

Tombi?

Saka ano daw? Wag si Hannah? Bakit.. Pag aari niya ba si Hannah. Kung maka angkin ang hayup na to ah. Akin lang si Hannah. Sakin lang!

"Zach.. Nakakahiya bitiwan mo yung kamay ko. Pagpasensyahan mo na to si Zach ha, may pagka abnormal minsan to eh." Kiming ngiti na sagot ni Hannah.

"Psh. pinapaalalahan ko lang tong si Tombi, baka ma-in love sayo eh. Sakin kana kaya diba?" Pabebeng sabi ng mukhang isdang lalaking to kay Hannah.

"Anong Tombi? Hoy Hari ng kahambugan, wag kang epal ah. Bwisit ka talaga." Inismiran ko lang siya.

"Eh aminin mo na kase kay Hannah na may gusto ka.. Para maaga pa lang, hindi kana umasa. HAHAHAHA!"

Tumahimik ako. Hindi ko na kase gusto yung tabas ng dila ng lalaking to. Hindi na nakakatawa. Nakaka insulto na siya.

"Ano ba Zach! Tumigil ka na nga. Sorry Nick ha, hayaan mo nalang to. Wag mo nalang pansinin. Saka.. Saka Nick, hindi naman totoo yung sinasabi niya, right? Hmm. Gusto mo lang naman ako maging friend eh." Naiilang na sabi ni Hannah sakin.

Bakit? Nakakahalata na ba siya? Psh. Hindi pa ako nagtatapat sakaniya, busted agad? Hindi pwede..

Ngayon na nga lang ako magseseryoso sa babae.. Mukhang palpak pa. Tsk.

Grabe ha, feeling ko tinatarak ng libo-libong karayon yung puso ko. Masakit dude.

Pinagmasdan ko silang dalawa. Magka holding hands pa rin.

Bagay sila..

Mabait, mahinhin, at magandang babae hawak ang kamay ng lalaking hambog, malandi, mayabang, at.. Psh, o sige na, gwapong lalaki. Bagay sila.

Ano lang naman ako compared sakaniya diba? Lalaki siya. Eh ako? Lalaki mentally, babae physically.

Humarap ako kay Hannah, pilit akong ngumiti sakaniya. Ngiting may bahid na pait.

"Oo naman! Naku Hannah wag ka magpapaniwala sa lalaking yan. May aning sa utak yan eh. Tsk, sige na Hannah.. Kayo nalang mamasyal, tutal andyan na yang pa-epal na lalaking yan. May nakalimutan pala kase akong gawin. Hahaha." Pagpapaalam ko sakaniya. SAKANIYA LANG! Hindi ko pinansin yung katabi niya.

Ngumiti rin si Hannah sakin. "Hahaha. Sige. Salamat sayo Nick ha."

Tumango lang ako at tumalikod na para makapasok sa maliit na gate namin, nasa likod ko lang kase.

Bubuksan ko palang sana yun pero humarang si Zach, kaya kaharap ko siya ngayon.

"Sakin hindi ka magpapa-alam baby Tombi? Nakakatampo kana talaga. Hindi ka man lang nag thank you sakin! Genius ko kaya dahil naisip ko yung kanina, para hindi kana umasa at masaktan Tombi. Hehe. Galing ko no?" Nakangiti pa niyang sabi sakin.

Habang ako, seryoso lang siyang tinitigan. Wala nako sa mood para makipag plastikan pa sa taong to. Siya rin naman dahilan kung bakit hindi ko nasosolo si Hannah.

Hindi na rin ako natutuwa sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko siya sinagot at pinilit ko nalang buksan yung gate kahit nandun siya.

"Uy.. Tombi."

Sinarado ko rin yun agad.

Sobrang naiinis ako ngayon. Gusto kong sumabog.

Alam niyo ba, yung emosyong nararamdaman ko ngayon mahahalintulad mo sa isang baso na punong puno ng tubig.. Yung konting sagi mo lang, aapaw na?

Ganun. Konting kulbit nalang kase sakin.. Sasabog nako.

Ewan ko pero bigla nalang may pumatak sa kamay ko.. Umuulan ba? Hala hindi naman eh..

Kinapa ko yung pisngi ko, feeling ko kase may pumapatak din.

Teka..

Umiiyak ba ako? Pero bakit? Para saan? Para kanino?

Hindi ko maintindihan kung bakit.

Wala naman kase akong ibang nararamdaman sa ngayon.. Bukod sa nasasaktan ako.

***

-Momo

Behind That ShirtOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz