PART THREE

369 23 0
                                    

PART 3

"Anak! Si Max nandito, bumaba ka muna."

Ano namang naisipan ng tomboy na to at nambulabog ng sobrang aga dito. Bumaba ako ng hindi pa nagsusuklay, naka sandong puti pa, at hindi pa nagmumumog.

Papikit-pikit pa nga ko ng mata pababa..

At nagising ng tuluyan yung diwa ko ng makita ko kung sino ang kasama ni Max..

ANONG GINAGAWA NIYAN DITO? BAKIT SILA NAGPAPASOK SA BAHAY NG GAGONG MANYAK NA SIRA-ULONG ASO!?

"Nick.. May naghahanap sayo. Sinamahan ko lang dito, baka maligaw eh, sayang.. Baka ma-rape ng mga bading diyan sa kanto. Ang gwapo pa naman." Si Max.

"Hi baby.. Ang ganda mo pa rin pala kahit kagigising mo palang. Hahaha. Bihis ka na baby, diba may date pa tayo? Nakalimutan mo na ba?" Nakangiti niyang sabi sakin.. Saka siya humarap kay mama.

"Tita, pwede ko bang mahiram saglit yung anak niyo? Ibabalik ko rin mamaya kapag busog na siya sa pagmamahal ko." Sabay kindat kay mama.

"Ayiee.. May gwapong manliligaw kana pala anak ha! Hindi ka man lang nagkukwento. Tsk, sabi ko na ba.. Babae pa rin anak ko. Kyaah! Sigisigi lang iho, kahit wag mo na siyang ibalik." Takteng buhay to oh, pati nanay ko binubugaw ako ah?

"Ma! Wala akong balak sumama sa lalaking yan no! Psh. Hoy ikaw.. Umuwi kana wala kang mapapala dito. Sinabi ko na sayong wag mokong pinagtitripan diba? Kapag hindi mo pa ako tinigilan.. Isasampal ko sa pagmumukha mo tong upuan!" Saka ako nag walk out.

Mga walang magawa sa buhay. Tsk, nambulabog pa.

"Baby.. Labas kana diyan oh, tampo nako nito sige ka. Please baby.. Labas kana diyan, uwi kana satin hindi nako galit." Sabi ng lalaking yun, saka kinatok yung pinto ko.

Yung puso ko..

NAKAKADIRI TAKTE! NAKAKASUKA!

Kiniling ko lang yung ulo ko. Wala lang to, nabu-bwisit lang ako sakaniya. Tama tama!

"Pwede bang wag mokong matawag tawag na baby? HOY! HINDI TAYO TALO!" Sinigaw ko lang yun pabalik.

Bwisit. Pahamak lagi yun eh, pustahan na mamaya hindi ako titigilan kakatanong ni mama nito. Si Maxine kasi! Nagdala pa ng aso dito.

"HAHAHAHA! hoy tomboy.. Wala akong balak pumatos sa tulad mo. BWAHAHA! kakatawa ka talaga, lumabas kana diyan! Pinapasundo ka ni Tita Selia kaya ako nandito. Psh, may paa ka naman bakit kailangan pa kitang sunduin?" Sabi niya.

Lalo akong na bwisit sa sinabi niya.

"Umalis kana! Kaya kong pumunta mag isa dun." Sabi ko.

"Hindi pwede, binilin ka sakin ni Tita. Andun na rin pala si Hannah." Napatayo ako sa binanggit niyang name. Oonga pala!

No choice. Kailangan kong sumama sakaniya. Sinabi kong maghintay muna siya at mag aayos lang ako.

Ilang oras lang din ay natapos ako. Bumaba nako para sana maka alis na agad kami..

Pero nagtataka ako ng makarinig ako ng ingay.. Mga nagsisigawan?

Pagbaba ko nakita kong nakaupo at magkatabi si kuya at ang lalaking hinayupak na yun sa sofa namin. Nanonood ng NBA.

"WOOO! SHOOT MO YAN!"

"TANGNA! DI NA SHOOT! BOBO MO NAMAN! SAYANG DOS KO OY!"

" AY SHETE NAMAN OH! BANLAG KA PRE! BANLAG!"

"FUCK! ANG TANGA HUMABOL!"

Close na sila? Tsk. Mas makapal pa sa simento yung pagmumukha ng isang to eh. Papansin bwisit.

Sinipa ko yung sofa. "Hoy, napapasarap ka ata? Tara na. Ang kapal ng mukha mong makinood dito sa bahay."

"Wait lang baby.. Hindi pa tap- UUUUY! BOBO MO! SAYANG!"

tangna to. Bahala ka dan. Aalis nako, hindi ko na problema kung mamaya pagalitan sila ni mama. Sobrang ingay.

Kakalabas ko pa lang ng bahay ng may umakbay sakin.. "Hindi mo man lang ako hinintay Baby ko." Nakalabing sabi ni.. ng gagong to.

Ang lapit niya sakin.. Ano ba to? Yung puso ko hindi nakikisama.. Medyo tinotoyo ata? Ang lakas kasi ng tibok eh.

Inapakan ko yung paa niya. Kaya nabitiwan niya yung pag akbay niya sakin.

"aray! Ang sakit ah. Takteng tomboy to, hindi naman kita inaano. Hubaran kita diyan eh." Masamang tinging sabi niya sakin.

"Yang bibig mo, kapag hindi mo tinikom yan.. Isasaksak ko yang ngala-ngala mo sa bunbunan mo." At na una na akong naglakad.

Pagkarating namin sa bahay ni Aling Selia. Saktong may nagbukas ng gate nila.. Si Hannah.

"Hannah!" Tawag nitong katabi ko. Nagmadaling lumapit siya kay Hannah at hinalikan sa pisngi si Hannah.

Napangiwi ako sa eksenang nakikita ko. Tsss. Nakakaselos, matagal na ba siyang nanliligaw kay Hannah. Haays, hindi ko pinansin yung pait na nararamdaman ko, lumapit ako sakanila.

"Oh, hindi mo naman sinabi na may kasama ka. Hi, Im Hannah." Nakangiting inabot niya sakin yung kamay niya para makipag shake hands.

Erm.. Enebe! Kenekeleg eke. Tsk. Nakakabakla naman to! Takte. Inabot ko yun. "Nick."

"Ay ikaw si Nick? Yung kinukwento ni Tita na ka-close mo na daw agad si Zach, right?" Gulat niyang sabi. Ngumiti ako sakaniya at tumango. Hindi ako makatanggi eh, ayokong sabihing nabubwisit ako sa lalaking yun.

"Pasok ka muna Nick." Takte, ang bait niya! Mas lalo akong na iinlove nito!

"Sige. Salamat." Papasok palang ako ng may humila ng buhok ko. Mahina lang naman.

"Kilig ka na nyan? Hahaha. Tandaan mo Monique.. Hindi ka magugustuhan nun, sakin pwede pa." Bulong lang yun pero rinig na rinig ko.

Babatukan ko sana siya kase kanina pa ako naiirita sakaniya pero lumapit siya sakin at idinikit sa tenga ko ang kanyang labi saka siya may binulong..

"Pero kahit ganun, para sakin.. Mas maganda ka pa rin Monique. Kung hindi ka nga lang nakasuot panlalaki, nagkagusto nako sayo." Saka siya lumayo.

"Pakyu ka. Kahit maging lalaki o babae man ako.. Hinding hindi ikaw ang papatusin ko magunaw man ang mundo." Iniwan ko na siya dun. Pero bago pa ako makalayo, may pahabol pa siya..

"Sorry ka na lang Tomboy.. Hindi rin kita papatusin kahit maging babae ka pa,kahit mas maging maganda ka pa. Mahal na mahal ko si Hannah.. Kaya hindi ko kayang lokohin siya."

Naiwan ako dung tulala.

Yung totoo.. Nakakaramdam ako ng paninikip sa dibdib ko.

Para san ba tong nararamdaman ko?

Dahil ba nagseselos ako kase inaagaw niya sakin si Hannah at karibal ko pa siya sakaniya?

O.. Dahil sa sinabi ng lalaking yun? Ni.. Zach?

Napailing nalang ako. Psh! Hindi ko na dapat kailangang mag isip! Sure naman na nagseselos lang ako dahil kay Hannah. Tama!

Imposible kase yung huli kong naisip.. Lalaki ako. At Wala akong pakelam sakaniya. Tsk.

***

-Momo

Behind That ShirtWhere stories live. Discover now