PART TWO

449 26 1
                                    

PART 2

"Gayak na gayak si bunsoy ah, San ka na naman manliligaw? Niligawan mo na ata lahat ng maganda dito satin. Hahaha. Kung ginagaya mo ko diba, isa lang yung girlfriend dahil loyal ako."

Pagmamayabang ni kuya. Dalawang taon lang naman ang tanda ni kuya sakin.

5 years na sila ni Ate Mandy.. Yung girlfriend niya. Mabait at maganda yun, kaso makikay.

Close kami, kawawa nga si kuya dun.

"Psh, ang sabihin mo panget ka lang talaga kaya walang ibang nagkaka gusto sayo.. Pasalamat ka nga at pinagtiya- tiyagaan ka ni ate Mandy." Nakangisi kong sabi.

"Aba bunsoy, Kung hindi dahil sakin.. Wala kang mga babae no! Kaya ka nila nilalapitan para makalapit din sakin diba? Diba?"

Oo, kadalasan.. Sinasakyan ng mga girls yung trip ko para makalapit din kay kuya. Mga malalandi. Pasalamat sila hindi ako na nanakit ng babae, dahil kung hindi.. Bangas sila sakin.

"Tsk. Wag ka ngang mayabang diyan, tumahimik ka nalang kuya kung ayaw mong isumbong kita kay ate Mandy." Nakasimangot kong sabi.

Sinusuklay ko yung buhok ko, kahit papano naman inaalagaan ko to. Minsan nga naiinggit sakin yung mga gerpren ko dahil mas maganda pa yung buhok ko sakanila. Tsk, sabi sa inyo.. Asset ko to! Hahaha.

Habang pinupuyod ko yung buhok ko sa harap ng salamin, nakikita ko sa repleksiyon na nakatitig sakin si kuya.

"May problema ba kuya? Mas gwapo na ba ako sayo?" Sabay pogi pose sa salamin.

"Hindi bunsoy, Na.. naalala ko lang kase si papa. Diba close ka- "

"Kung tungkol lang din naman sakaniya yung paguusapan natin, ngayon palang itigil mo na kuya. Dahil hindi ako interesado."

Iniwan ko na siya dun.

Pag talaga ayun ang topic, nakakabwisit. Psh, makapunta na nga lang kila aling Selia, gusto ko makilala sa personal si Hannah. Pagkarating ko sa tapat ng tindahan nila.. yup, may tindahan sila. Nakita ko dun si Aling Selia.

"Good morning Aling Selia!"

"Oh Iha? Napadalaw ka? Sakto may ipapakilala ako sayo. Tiyak na magkakasundo kayo nun."

Talaga ba? Baka si Hannah na yun. Excited ako!

"Talaga po? Hahaha. Sino naman po iyan?" Siyempre.. Kunwari hindi ko alam.

"Basta. Pumasok ka muna dito, kakarating lang din nun kaninang umaga galing Manila eh." Sabi na eh.. Si Hannah na to!

"aah.. Ok lang po ba? Nakakahiya Aling Selia eh." Sabi ko.

"Hindi ano ka ba! Dalian mo at pumasok kana lang dito."

Pakapalan na ng mukha to, gusto ko talaga kasing makilala siya. Ito na yun.. Alam ko. Kaya pumasok na rin ako sa gate nila, may nadaanan pa ako sa garahe nilang kotse.. Ang astig! Kanino kaya yun? Ang yaman pala nila Aling Selia.

Nung nakapasok nako sa loob ng bahay nila, nilibot ng paningin ko yun.. Ang laki at ang lawak ng bahay nila grabe. Habang tinitingnan ko yung mga gamit dito, gumagala na rin ako.

Wala pa naman si Aling Selia, may kukunin daw kase sa kusina.

Nakarating ako sa sala nila, at mas malawak dito. Nung may nakita akong glass window, nilapitan ko yun at sinilip.. Wow, may swimming pool sila! Yamaaan. Babalik na sana ako sa pinag iwanan sakin ni Aling Selia kanina, kase nakakahiya namang nilibot ko tong bahay nila na hindi man lang ako nagpapa-alam. Kaso..

Biglang may mga brasong yumakap sakin mula sa likuran.. Sa sobrang gulat ko, hindi ako nakagalaw..

"Hi babe, san ka galing?" Tas hinalikan niya ako sa pisngi. Bigla nalang nag init yung mukha ko..

Behind That ShirtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon