Chapter Forty Three

256K 3.7K 1.1K
                                    

"Hoy Lawrence." Sabi ni Noneen habang tinapik ang braso ni Lawrence. Pagkatapos niya kasi mag-ala James bond sa pagpunta sa parking lot at pagpasok sa kotse ni Lawrence para walang makapansin at makakitang ibang tao ay naabutan lang niya itong tulog sa driver's seat. Eh?

"Oy..." Tinapik ulit ni Noneen ang balikat ni Lawrence. Talaga bang natutulog tong mokong na to ha? Mamaya eh nang gogood time nanaman to eh.

 Tiningnan niya ito ng mabuti.

"Uyyy." Sabi ni Noneen kaso no reaction pa rin si Lawrence. Nilapit niya ang mukha niya dito at tsaka tinusok ang pisngi nito. 

"Hoy gurang, gising andito na ako." Pero ayaw patinag. Tulog pa rin si Lawrence, napabuntong hininga naman si Noneen. Hindi kasi siya makumbinsing tulog talaga tong gurang na to sa harap niya ngayon. Tsk

"Hoy!!! Lawrence Andrew Alcantara ano ba!!"

"...."

"Oy oy oy oy gising!!"

"...." 

"Pag di ka dumilat dyan hahalikan kita!!" Bulyaw niya dito. Naasar na kasi siya eh, para namang timang tong nagtutulugan. Nakita naman niyang biglang napangiti si Lawrence habang pinipigil tumawa.

Nak ng, sabi ko sa inyo eh gising tong gurang na to!! 

"At talagang natatawa ka pa. Idilat mo na nga yang mata mo at umalis na tayo dito." Sabi ni Noneen 

"Kiss ko muna." Sabi ni Lawrence habang nakapikit. Agad namang namula si Noneen sa sinabi ni Lawrence. Ano daw?! Grabe ha, kanina pa tong gurang na to. Bigla na lang babanat. >///<

"Ahhhh! Ang manyak mo talaga!" Sigaw ni Noneen tsaka niya ito hinampas ng jansport niya. Narinig naman niyang tumawa ang asawa. "Kaines ka alam mo yun? Saan ba kasi tayo pupunta? Tara na may gagawin pa akong assignment eh."

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora