Chapter Three

390K 4.5K 636
                                    

"Bakit andito ka pa?"

Napalunok agad si Noneen sa boses na narinig nya. Miske apat na salita lang yun, kilalang kilala nya iyon. Hindi sya pwedeng magkamali.

"Tinatanong ki--"

"Ah kasi!....ano....oo...ano nga...yun...oo y-yun nga..." Sinabi ni Noneen habang kinakabahan. Alam naman nyang hindi sya nakita ni Lawrence pero kinakabahan pa rin sya. Siguro dala na rin ng ng aura ni Lawrence para kasing galit parati eh.

"Ano?" Naguguluhan na tanong ni Lawrence. Hindi nya kasi maintindihan ang sinasabi ni Noneen. para kasi tong nauutal na kinakabahan na di mo malaman.

"Ah...y-yun." Tiningnan lang siya ni Lawrence. Ano bang pinagsasabi ng babaeng to? Isip nya.

"Ha?" Nagtinginan sila sa isa't isa. Hindi nakapagsalita si Noneen, hindi naman nya kasi talaga alam kung ano ang isasagot sa kanyang teacher.

"Ah..." Tangi ka talaga Noneen, magisip ka bili! "Kasi...oo ayun! Y-yung project ko! Ikaw ha, bakit 89 lang yun?! Kala mo nakalimutan ko na no? Huh! Asa!" Sabi ni Noneen. Napailing naman si Lawrence.

"Yun lang?" Tanong ni Lawrence.

"Nilalang mo lang yun? Ikaw ha, ikaw gurang ka! Anong karapatan mo na bigyan ako ng grade na 89! Di mo man lang ginawang 90! Hiyang hiya naman ako sa isang puntos!" Sigaw nito kay Lawrence, tumawa ito ng mahina at tsaka sya lumapit kay Noneen.

"Anong karapatan ko?" Sabi nito ng mahina habang papalapit sa kanya. Habang humakabang si Lawrence ng papalapit sya naman ay paatras. Natakot bigla si Noneen, miske kasi straight face to may pagkabaluktot din ang utak nito kahit paminsan-minsan.

"Anong ginagawa mo?" Natatakot na tanong ni Noneen.

"Tinatanong mo ba kung...ano ang karapatan ko?" Nakita nyang ngumisi si Lawrence. Hala may sumanib na masamang espiritu sa asawa nya.

"Ako lang naman kasi ang teacher mo..ang asa--"

"HEP HEP HEP!" Agad naman tinakpan ni Noneen ang bibig ni Lawrence. Medyo malapit na rin ang mukha nito sa kanya.

"Nababaliw ka na ba? Nasa eskwelahan tayo no!" Bulong nya dito. TInanggal naman ni Lawrence ang kamay ni Noneen tsaka lumapit pa ulit.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon