Chapter Thirty Four

274K 2.5K 545
                                    

“Kelangan ba talaga nating pumunta?”

“Bakit naman kung kelan andito na tayo tsaka ka nagtanong ng ganyan?” Malamig na tugon ni Lawrence sa asawa. Nasa loob sila ng kotse ngayon. Nagpark kasi si Lawrence. Napakamot naman si Noneen sa ulo niya. Eh kasi naman, kinakabahan siya. Yang mga family gatherings na yan no. Hindi naman sa kinakabahan siya kasi hindi siya gusto ng pamilya ni Lawrence kundi dahil tuwing may family gathering parati na lang siya napapahiya. Kaya nga as much as possible, hindi na lang siya sumasama. O kaya pupunta na lang siya pag alam niyang sila-sila lang. Mukha kasing bonggang party tong pinahanda ng lolo ni Lawrence eh.

Naalala niya tuloy nung huling punta niya sa isang party na parang ganito ng lolo niya. Nahulog siya sa pool at nagsisigaw dahil akala niya malulunod na siya pero hanggang dibdib lang niya pala yung tubig. Jusko kung alam nyo lang kung gaano siya napahiya noon.

“Eh..kasi naman…”

“Just don’t act stupid. At please lang, tingnan mo yung dinadaanan mo. Mamaya mahulog ka nanaman sa pool.” Sabi ni Lawrence habang inaalis ang seat belt niya. Napabuntong hininga siya. Bakit ba kasi minamalas siya sa mga ganitong okasyon ha? Papa Lord, wag naman po ako madulas o kahit ano man ngayong araw. Isip ni Noneen.

“Come on, let’s go.” Sabi ni Lawrence tsaka lumabas ng kotse. Isa pa to eh, ewan ba niya kung anong meron at nagsusungit nanaman tong asawa niya. May PMS ata eh. 

Bumaba na siya ng kotse at tsaka sumunod sa asawa. Ba’t ba parang binagsakan ng langit at lupa yung mukha ng asawa niya ha. Parang kelan lang no, lakas mangasar ngayon lakas mabadtrip. Sabagay, what’s new.

Pumasok na sila sa loob ng mansion ng lolo ni Lawrence. Sinalubong sila ng mga ibang kamaganak nito, nakangiti lang si Noneen sa buong gabi na iyon. Tahimik lang siya sa tabi ni Lawrence habang ang asawa naman nito ay nakikipagusap sa ibang bisita ng lolo nito.

Haaaay amboring dine. Isip ni Noneen. Jusko naman kasi, hindi naman lahat ng tao dito kilala niya. Ay mali pala, wala pala siyang kilala dine. Ilang oras din siyang nakatahimik lang at nakaupo ng magexcuse siya sa asawa niya. Sabi niya dito pupunta lang daw siya sa CR. Tumango lang si Lawrence. Naglalakad si Noneen ng biglang may makabungo sa kanya.

"OMG. I'm so sorry! Pardon me! Please forgive me I didn't mean to! I'm really sorry! As in really really sorry!!" Pagsasalita ng babaeng nakabunggo sa kanya. Napatingin lang si Noneen dito. Nakita niyang parang maluha-luha na yung babae. 

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Where stories live. Discover now