Special Chapter 10

130K 2K 241
                                    

Two lines.

Two red lines.

Dalawang linya.

Dalawang pulang linya.

Positive.

Positibo.

Pakshet. Pakshet. Pakshet.

Napatingin siya sa sarili niya sa salamin. Totoo ba talaga ito? Totoo ba itong nakikita niya? Napalunok siya at napatingin ulit sa stick na hawak niya. Pumikit siya at huminga ng malalim. Baka nagiilusyon lang siya? Agad niyang binaba ang stick at dumilat. Kinuha niya ang apat pang pack sa bag niya. Baka defect itong binili niya kahapon. Malay nyo naman? Hindi mo rin naman maaalis ang pag-aalala sa kanya. Agad niyang binuksan ng apat na pack at kinuha ang apat na stick.

Limang minuto ang nakalipas at nakatayo nanaman siya sa harapan ng salamin habang nakatingin sa sarili.

Wala na talaga siyang magagawa.

Tiningnan niya ang lahat ng stick na hawak niya. Iba’t-ibang brand ang binili niya kahapon para masigurado niya ang matagal na niyang hinala sa sarili niya.

Dalawang linya lahat.

“Buntis ako.” Di makapaniwalang sabi ni Noneen sa sarili. Hindi malaman ni Noneen kung ano ang mararamdaman. Buntis siya, limang pregnancy test na ang nagsasabi; pinamumukha sa kanyang buntis siya. Napakagat labi siya at napahawak sa mukha niya.

Anim na buwan pa lang silang kasal ni Lawrence, natatandaan niya nung nag-usap silang dalawa dati bago ikasal na hindi muna sila agad mag-aanak. Mag-iipon muna sila at tsaka magplaplano. Wala pa ito sa timeline of events ni Noneen sa buhay niya.

Pero wala.

Lawrence managed to knock her out.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon