Chapter Forty Seven Prt1

208K 2.3K 300
                                    

“So I guess you owe me an explanation right?” Sabi ni JC habang naglalakad sila sabay tingin nito ng saglit kay Rhian habang nakataas ang kanang kilay. Napalunok naman si Rhian, bakit ba kasi sa lahat ng pagkakataon at tao na maabutan sya magnervous beautydown etong papable na nasa tabi pa niya.

“Ahhh iyon ba…” Sabi ni Rhian habang nagiisip ng dahilan. Botcha talaga no, kung napakagaling lang niya magsinungaling edi gorabels na sya eh.

“I’m waiting.” Sabi ni JC. Portakels naman no. Isip ni Rhian. Napakamot ito sa ulo niya.

“Wala lang yun! Napuwing lang ako.” Napailing na lang siya sa loob loob. Nak ng dyosa Rhian, ano ba naman yang excuse mo. Sa lahat na lang ng pwede mong maisip yung pinaka-kapanipaniwala pa.

“Can you please give me a better alibi?” Isa sa mga kinaluluka ni Rhiansa papable na to eh yung biglang biglang pageenglish eh. Siguro kung pagsasama-samahin yung mga panahong magkasama sila at nagsasalita ito ng English. Makakakolekta ka ng isang drum ng nosebleed mula kay Rhian. Oh well, alam nyo namang iba ang language ni Rhian.

“English chenales! Teh Pilipino ka di ba? Magtagalog ka nga at juicekobels JC! Ano bang pakealam mo sa beauty breakdown ko kanina.  Basta! Napuwing ako kanina, pwede maniwala ka?”

“Nope.” Simpleng sagot ni JC. Napahinto naman si Rhian tsaka tiningnan ito ng masama. Huminto rin si JC tsaka siya tiningnan. And guess what? Tinaasan pa sya nito ng kilay.

Aba! Aba! Naghahamon ata to ng beauty fight eh. Sabi na nga ba medyo bad-ing to eh.

“Eh kung jombagin ko mahiwagang feslakus mo. Goradora na nga beauty ko. Chismosong bakla! Grr” Inis na sabi ni Rhian tsaka ito dumiretso at sumakay sa jeep.  Napangiti naman si JC. Wow, parang di kinaya ng English niya yun ha. Napailing siya.

This girl is pretty interesting. Isip niya. Nga naman bakit siya naiyak nung nakita nito ang pinsan niya?

---

RETREAT NA!!!

Tatlong exclamation para masigla, pero parang miske kahit ilag exclamation point ang ilagay mo dyan, hindi mo maaalis na inaantok talaga si Noneen at Rhian pareho.

“Teh, inaantok pa ako.” Matamlay na sabi ni Rhian kay Noneen. Pareho silang nakaupo sa bench malapit sa parking lot ng eskwelahan nila. Lahat ng estudyante kasi andito na, kung baga eto na yung assembly eh kaso itong dalawang to. Msyadong inaantok naupo muna.

“Bakit kasi ang aga ng calltime??” Nakapikit na sabi ni Noneen. Bwisit eh, sino bang ewan ang magpapacall time ng 4:30 am pag retreat. Tarages ang aga aga, parang laguna lang naman. Kalayo no! Buti nga ang tiyaga ni Lawrence sa pag-gising sa kanya eh. Paano naman kasi halos kalahating oras siyang pinuputakte nito sa kwarto niya. Binato na nga nito lahat ng unan sa kanya pati yung pencil case niya kaya may band aid tuloy si Lawrence sa kilay. Malay ba nyang sakto pala yung bato niya miske inaantok pa sya. Ayan tuloy ginawang Christmas lights ni Lawrence yung ilaw niya sa kwarto at ginawang drums yung kawali nila. Kahit kelan no, di matitinag; Lawrence Alcantara.

Di pa naman siya nakatulog agad dahil kakatumblr.

“De tanong mo kay Papa Lawrence, excited ata aga aga eh. Cheneles ekla…bu.” Matamlay na sagot ni Rhian. Napabuntong hininga naman si Noneen. Wala eh, msyadong organized yung asawa niya. Tsk

“Students of Bus #5 please get ready.” Biglang announce nung kung sino man yung nasa dulo. Tumayo silang dalawa tsaka naglakad papunta sa gate. Pag dating ng bus pumasok na sila dito, umupo si Noneen sa bandang dulo ng bus, sumunod sa kanya si Rhian uupo na sana to ng biglang tinabihan ni Ralph si Noneen.

“Goodmorning.” Bati nito habang nakangiti. Kita nanaman dimples, shet kahit kelan talaga Ralph no, ang pogi pogi mo pwedeng pampaganda ng araw. Isip ni Noneen.

“Goodmorning.” Bati pabalik ni Noneen.

“Ay kalurkeeeeeeee teh! Di kinaya ng neurons kong pagod na pagod sa pag party in the usa last night tapos biglang churvaekek chorness kuhabels mo trono ni madir kalurkey kung di ka lang papable ako make patol na omg.” Sabi ni Rhian habang nakahawak sa noo nito at umiiling-iling.

“Umaga umaga, ingay ingay.” Napalingon naman si Rhian sa nagsalita nakita nya si JC pumunta sa bakanteng upuan sa harapan ni Noneen tsaka natulog.

“Umaga umaga, sungit sungit. Chaka ka teh.” Bulong ni Rhian habang nakatingin ng masama kay JC. Natawa na lang si Noneen at si Ralph sa dalawang to. Bigla namang dumilat si JC tsaka tumingin ng masama pabalik kay Rhian.

Tsaka nya ito biglang hinila.

“Just sit could you?” Tsaka ito umirap at natulog ulit. Napailing na lang si Rhian tsaka umirap.

“Dedubells kang charing chenes pwedetseu?” Sabi ni Rhian.

“Okay lahat na ba andito? Hmm?” Sabi ni Lawrence habang tumingin si lahat ng biglang mahinto ang tingin niya kay Noneen at Ralph na nagkwekwentuhan. Napalunok sya, haven’t I made it all clear? Isip niya.

“Guess we’re ready to go.”

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Where stories live. Discover now